20

1315 Words

IT WAS SO DEVASTATING. Sa isang iglap ay nawala si Julia. Hindi na nila ito naabutan sa ospital. Nagkaroon ng bleeding sa loob ng utak nito dahil sa pagkabagsak nito. Hindi iyon nakayanan kaagad ng katawan ng bata kaya nawalan ito ng buhay. Naging mahirap para kayna Julienne at Axel ang pagkamatay ng anak. Pero kung si Julienne ay tila mauubusan ng luha sa lungkot, hindi ganoon si Axel. Hindi ito umiiyak. Kahit nang mailibing si Julia, walang luha na pumatak sa mata nito. Kinuha si Julienne nang magulang nang mailibing si Julia. "Sa tingin ko po ay kailangan ako ni Axel. Sa mansion na lang po ako tutuloy." "Kailangan?" nagalit ang ina. "Kailangan samantalang parang wala nga siyang pakialam? Hindi siya umiiyak! Ngayon, iniwan ka na lang niya rito." Nauna na si Axel sa sasakyan. "Pagod

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD