SINUBUKAN ni Julienne na pakisamahan na lamang si Axel. Subukan man niya na tawagan ang kanyang mga magulang para humingi ng patawad, hindi niya maggawa. Malamang ay naka-block siya sa cell phone ng mga ito. Wala siyang malapit na kaibigan kundi ang mga pinsan at sa lagay niya ngayon, hindi siya makakatagal sa mga ito na hindi nalalaman ang kanyang kalagayan. Isa pa, titigilan rin ba siya ni Axel? Wala talaga siyang choice kundi ang lalaki. Pero hindi rin naman pinagsisihan ni Julienne ang choice niya. Maayos naman kasi si Axel. Inalagaan siya nito. Sa loob ng apat na araw ay halos hindi ito pumasok sa opisina. Binantayan lamang siya nito, sinigurado na nakakapagpahinga at makukuha niya ang tamang lakas na kailangan para sa kalagayan niya. Ilang beses niya itong pinilit na bumalik na sa n

