The days only passed like a wind. I still couldn’t stand Dearil kaya naman pilit ko siyang iniiwasan kahit saan. Tuwing nakikita ko kasi siya at naaalala ko kung paano niya ako paulit-ulit pinapagalitan at pinagmumukhang walang alam. “Good morning, Scar!” Nilingon ko si Cherry na papasok ng classroom. Lumapit siya sa akin na may hawak na namang papel. Mabilis akong nakaramdam ng iritasyon dahil pakiramdam ko, alam ko na ang sasabihin niya. “Cherry, no. Kung ayaw ni Dearil na mag tutor sa ‘yo ay baka talagang busy siya. Hindi mo na dapat pilitin pa,” inunahan ko na siya. Napaawang ang labi niya pero agad siyang nakabawi at ngumiti. “Ah, hindi. Mag t-thank you lang sana ako kasi kinakausap na ako ni Dearil ulit.” I froze for a second. “Really?” Tumango siya. “He apologized. He said he s

