Prologue
"From this day forward, Feroz Dearil Seberi is my prey and mine alone. Anyone who dares to touch him without my permission... will be dead," I announced after my speech as the University's newly elected President.
Napatingin ang lahat kay Dearil na nananahimik lang sa gilid. I smirked and bowed.
"Walang ginagawa sa 'yo 'yung tao, Scarlette!" saway sa akin ni Eya, my best friend, pagkababa ko pero sa totoo lang, wala akong pakialam.
Feroz Dearil Seberi, the school nerd. No one gives a damn about him, except me. Why? Because it's a sin to belong in the upper class society with that status. Halos lahat ng nasa upper class ay puro popular student at nag e-excel dahil sa kanilang natural na talino.
"Tangina kasi, paharang-harang!" sigaw ko matapos sipain ang libro na nahulog ni Dearil dahil nakayuko siya habang naglalakad.
"Tama na, Scarlette," awat naman sa akin ni Cherry, isa sa mga kaibigan ko.
Umirap ako dahil alam ko naman kung bakit ayaw niyang ginaganito ko si Dearil.
But whatever. Walang makakapigil sa akin.
His family is my family's biggest rival in the business industry. Kung ganon naman talaga ang nature naming dalawa, bakit hindi pa ako mag enjoy, hindi ba?
"Oops!" I giggled when I poured my drink intentionally to his notes. Nabasa iyon.
Now, my day is complete.
He never looked at me. Hindi siya kahit kailan nagreklamo sa mga ginagawa ko. Of course he won't. Wala naman siyang laban sa akin. He's just a pathetic loser.
"Scarlette, you know you can't bully him forever," sabi ni Rhedd sa akin habang kumakain kami during lunch at nag-iisip ako ng pwede kong gawin para mabwisit si Dearil.
"Whatever. Hindi niya naman ako kayang gantihan kaya bakit ako matatakot sa kanya?" Kinain ko ang sandwich ko habang nakatingin kay Dearil na tahimik lang ding kumakain sa gilid.
"Balang araw, mapapahamak ka sa ginagawa mo. Ang tigas talaga ng ulo mo, eh!" Of course, my twin brother acting like a knight in shining armor of everyone except me.
He never agreed with what I do. He thinks I'm immature and full of games. Wala rin naman akong pakialam.
Because...
Inside the university, I raise hell, but outside it, I’m nothing.
“I’m going to the field, Dad.” Nakataas lang ang kilay ko habang tinitignan ang kakambal ko. Isang tango mula kay Daddy ang nakuha niya na mas lalong kinataas ng kilay ko.
“Your team leaves at six.” Nagpatuloy sila sa pag-uusap tungkol sa bagong misyon na binigay kay Rhedd.
Tahimik kong hiniwa ang steak ko hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili.
“When can I go?” Natahimik ang buong mesa dahil sa tanong ko. “I’ve waited long enough.”
“Scarlette,” mahinahong tawag sa akin ni Mommy. “Hindi ka pa handa.”
“Why?” kunot noo kong tanong dahil kung edad lang din naman, kambal lang naman kami ni Rhedd.
“Because you’re too emotional, Scarlette! You can’t separate your emotions from work.” Mas lalo akong nainis.
“How would you know? Hindi niyo nga ako binibigyan ng pagkakataon!”
“You’re reckless!”
“I am capable!”
“You are impatient!” Tumayo ako mula sa aking upuan.
“I’m tired of hearing that s**t!” Umalis ako sa hapag at pumasok sa kwarto ko.
I never cared about the business, but being part of the team is what I’ve always been dreaming of. I know that it can be dirty and dangerous, but that’s exactly why it excites me. I don’t understand why Rhedd can go, and I can’t.
It’s too unfair!
But then, everything changed when we were on our way to our family trip.
“Stay inside the van,” mahigpit na utos ni Daddy nang magsimulang magkagulo ang lahat.
Sunod-sunod na putok ng baril ang umalingawngaw.
“Take cover!” Biglang nagkagulo ang paligid.
Nakita kong mabilis na humugot ng baril si Mommy habnag si Rhedd naman ay agad na pumuwesto sa harapan ni Daddy.
Luminga-linga lang ako sa paligid dahil hindi ko alam ang gagawin ko.
“Scarlette!” sigaw ni Rhedd. “Yumuko ka!”
Agad akong sumunod. Niyakap ko ang sarili ko habang sunod-sunod ang putok sa labas. I was breathing heavily and I didn’t know what to do.
Calm down, Scarlette. Don’t panic. Think.
Biglang bumukas ang sliding door ng van, at doon tumigil ang mundo ko.
Isang lalaking nakaitim na may hawak na baril ang gumapang papasok. Dumiretso siyang tumingin sa akin na para bang nagulat siyang may tao pa pala rito.
“Huwag kang sisigaw,” malamig niyang sabi habang itinutok ang baril sa noo ko. “...kung ayaw mong dito ka mamatay.”
Humigpit ang hawak ko sa dress ko. Wala sina Mommy, wala rin si Daddy. Masyado silang abala sa labas na hindi nila napansin na may nakalapit na pala.
I felt my hands trembling, but I know… I can’t panic. If I do, I lose.
I tried searching the van for any helpful weapons, but I failed. Dala nilang lahat ang mga armas. Then, I looked at my stilettos. I remembered every self-defense lesson that I secretly practiced.
“I don’t need to scream.” Bago pa niya maunawaan ang sinabi ko, buong lakas kong sinipa ang mukha niya. Dumiretso ang takong ko sa kanyang kanang mata na naging dahilan para mapasigaw siya.
Napahawak siya sa mata niyang dumadaloy ang dugo. Sinamantala ko ‘yon para mabuksan ang bintana at sumigaw.
“Rhedd!” Lumingon siya sa akin. Isang segundo lang, pero sapat na.
“Rhedd!” sigaw ni Daddy.
Natamaan ng bala ang balikat ni Rhedd.
I cursed. It was a wrong move.
Bumalik ang tingin ko sa lalaking nasa loob ng van. He was so mad.
“Tangina kang babae ka!” Hinila niya ang paa ko at tinanggal ang sapatos ko. Sinubukan ko siyang sipain ulit pero nahawakan na niya ang mga paa ko.
“Bitawan mo ako!” pero alam kong hindi siya nakikinig. Mas lalo niya akong hinila at nanlamig ang buong katawan ko nang maramdaman kong pilit niyang inaangat ang laylayan ng dress ko.
“Stop!” Sinuntok ko siya, kinagat ko ang braso niya, at sinubukan siyang muling sipain. Ngunit wala lang ‘yon sa kanya.
Pakiramdam ko, unti-unti nang nawawala ang lakas ko.
Tangina, Scarlette. You can’t die like this. You can’t be a victim!
Pinikit ko ang mga mata ko nang mariin. Habang ginagala ang kamay ko ay aksidente kong naitaas ang carpet ng sasakyan.
Ramdam kong abala ang lalaki sa mga hita ko. Pinapadaan niya ang kanyang ilong habang nakatutok sa akin ang baril niya.
I felt a hard metal below the carpet. It was a f*****g secret compartment!
Hindi ako nagsayang ng oras. Inipit ko ang mukha niya ng dalawa kong hita habang inaabot ang baril at sa unang pagkakataon sa buhay ko…
Ako ang may kontrol.
Nakita kong tinaas niya ang kanyang baril at handa nang iputok iyon ngunit inunahan ko siya.
I fired the gun in his head which immediately unalived him.
Kinuha ko ang baril niya at lumabas ng van.
I started firing other men with the basic skills I learned by myself.
Nakuha kong malapitan si Rhedd na may daplis ng bala, pero parang wala lang iyon sa kanya.
“Scarlette, what happened?!”
Hindi ako sumagot dahil mas nag focus akong matapos namin nang buong pamilya ito.
And we did.
And it was the best and worst day of my f*****g life.
“I’m sorry,” bulong ko kay Rhedd habang sinusubukan niyang linisin ang sugat niya.
“No, Scar. I am sorry,” sagot niya. “Hindi ka dapat naiwan mag-isa. Kung hindi mo nahanap ang secret compartment, baka kung ano nang mangyari sa ‘yo.”
“But I’m okay. Ikaw itong may daplis. Kung nag-isip lang sana ako ay hindi ka sana madi-distract.” I really feel guilty about it kahit na sinasabi niyang ayos lang naman siya ay alam kong mahihirapan pa rin siya sa sugat niya.
“This happened because we’ve tried gatekeeping you the field, Scarlette,” sabi ni Daddy nang makalapit siya sa amin.
“Well, today, you showed how prepared and matured you are, so I think it’s about time,” nakangiting sabi sa akin ni Rhedd.
I was so confused at first, but then, I’m not stupid to not know what they mean.
“I’ll take you to your field next week. You better prepare before that,” sabi ni Daddy na ikinalaki ng aking ngiti.
Not because of my age, but because of my skills.
They finally saw what I am capable of!