Isang linggo mula nung ambush, kabadong kabado ako dahil ngayong araw na ito ako isasama ni Rhedd sa field.
“Scarlette.” Napalingon ako kay Daddy. Suot niya ang itim niyang suit at halatang kagagaling lang ng office. “Congratulations.”
I smiled.
“I’ve been waiting for this my whole life,” sambit ko.
“I know.” His expressions remained serious. “But before anything else…”
Kumunot ang noo ko nang hindi siya makatingin sa akin nang diretso.
“I can’t assign you and Rhedd to the same unit.” Nawala ang ngiti ko at lumingon kay Rhedd na nakatingin lang din sa akin.
“What?” Naguguluhan kong tanong.
“Operational protocol, Scar,” si Rhedd ang sumagot.
“Family members are considered high-risk assets kapag nasa iisang team,” dagdag ni Daddy. Kumunot lalo ang noo ko.
“Why?”
“Dahil kapag nalagay sa alanganin ang isa, the other is statistically more likely to abandon the mission,” muling sagot ni Daddy na naging dahilan para mapatingin ako kay Rhedd.
He just sighed.
“It’s true. During simulations, you unconsciously covered each other’s blind spots instead of protecting the whole team.”
“So… maghihiwalay kami?” Sobrang nag aalangan kong tanong.
One of the many reasons why I am confident about this is because I know Rhedd will take care of me. Knowing this right now makes me re-think everything.
“You’ll train under another commander. We don’t know who, yet, pero may mga kaibigang malapit si Rhedd doon. Kaya sigurado akong matututukan ka pa rin nang maayos,” pag sisiguro ni Rhedd sa akin.
Pumasok na kami sa sasakyan ni Rhedd at tumigil sa isang kanto. Sa kanto na ‘yon ay may nag aabang na isang van. Lumabas kami ni Rhedd kaya lumabas din ang isang lalaki mula sa van.
“Clark…” Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko. Halos nasa mid-thirties na siya. Matangkad, matipuno, at halatang ilang taon nang nasa field.
“Ako na ang bahala,” sagot ni Clark sa isang pagtawag lang.
Lumingon si Rhedd sa akin bago ako tuluyang sumakay sa sasakyan.
“Makinig ka sa kanila.” Umirap ako.
“Hindi na ako bata,” sagot ko na para bang hindi kami magka-edad.
“Bata ka kapag mainitin ang ulo mo.” Tinapik siya ni Clark sa balikat.
“I’ll take care of her.” Hindi ko napigilang mapangiti.
Nagpaalam na kami kay Rhedd at halos isang oras kaming bumiyahe. Ni-isang salita, wala man lang nilabas si Clark. Pagdating namin sa isang gusaling hindi ko pa kailanman nakita, bumukas ang malaking bakal na gate matapos i-scan ang sasakyan.
Tatlong security checkpoint, dalawang fingerprint scanners, isang retinal scan.
“Grabe,” bulong ko dahil sa sobrang higpit.
“Kulang pa nga,” seryoso niyang sagot.
Pagpasok namin sa loob, mas lalo akong namangha.
Simple lang ang building sa labas, pero pagdating sa ilalim, isa itong underground headquarters.
May mga taong nag t-training sa grounds, may firing rage, may medical wing, at nakikita ko rin ang control room.
Halos manliit ako nang makita ko ang dose-dosenang armadong tauhan. Lahat sila nakatingin sa akin.
“Relax,” bulong ni Clark. “Hindi sila nangangagat.”
“Namamaril lang.” Natawa siya sa sinabi ko. Sa unang pagkakataon. Mukhang marunong din naman pala siyang ngumiti.
Pagkatapos maglakad ng halos isang kilometro yata, huminto kami sa harap ng isang malaking opisina.
“Ito ang office ng boss.” Tumango ako.
“Nandyan na ba siya?” Umiling si Clark.
“Nasa misyon pa.” Tumango ako. Mabuti naman.
Binuksan niya na ang opisina at bumungad sa akin ang apat na bodyguards.
“Hintayin mo lang.” Pagkasara ni Clark ng pinto, tsaka ko tinignan ang mga bodyguards. Lahat sila ay seryosong nakatingin sa akin, except sa isa kaya siya ang nilapitan ko.
Guwapo siya, may dimples, at hindi mukhang bodyguard.
“Hmm… bodyguard ka talaga?” Panimulang tanong ko. Natawa siya at agad na lumabas ang dimples niya.
“Masakit ba sa ego mo?” Tinaasan ko siya ng kilay.
“Hindi naman, mukha ka lang kasing model.” Lumapit pa ako sa kanya. Napansin kong napatingin siya sa akin.
“Ikaw rin.” Ngumisi siya kaya ngumisi rin ako. “Mukha kang hindi susunod sa mga utos.”
“I don’t, actually.” Natawa siya nang malakas habang ang tatlong kasama niya ay nanatiling parang estatwa.
“So… Single ka?” Halos mabulunan ang isa sa mga bodyguard at napatingin sa akin.
The dimple guy chuckled.
“Straightforward, huh?” Tumaas ang kilay ko.
Type ko talaga siya.
“I don’t have time to waste.” Muli siyang ngumisi.
“Single.”
“And your name?” Natawa siya nang mahina.
“Donny,” sagot naman niya.
“Okay, good.”
“Anong good?” Tinaasan niya ako nang kilay.
“Baka kasi may magalit.” Napailing siya habang natatawa.
“Delikado ka pala,” komento niya.
“Very,” malanding sagot ko naman.
Halos sampung minuto kaming nag kwentuhan. Sa kanilang apat, siya lang ang mukhang normal dahil siya lang ang palatawa at makwento. Kung siya ang magiging trainer ko, hindi siguro magiging boring.
Tumayo ako para kumuha ng tubig dahil naubos ang laway ko sa pag-uusap namin.
Matapos ang ilang minuto, bumukas ang pinto. Lahat ng bodyguards ay sabay-sabay na tumayo. Kahit si Donny. Abala ako sa pag inom ng tubig hanggang sa maramdaman kong biglang nanahimik ang buong opisina.
Bumalik ako sa tabi ni Donny at halos maisuka ko lahat ng tubig na nainom ko.
His messy hair stays still. May salamin pa rin, at nakayuko pa rin maglakad. May hawak siyang folder at nakasuot siya ng itim na long sleeves.
“Dearil?” Napalingon siya sa direksyon ko. May halong gulat din ngunit mas mabilis siyang nakabawi.
Natawa ako.
“Oh! So pati ikaw pala trainee rin?” Hindi siya sumagot. Ang tahimik ng buong paligid. Nakasunod si Clark sa kanya habang naglalakad siya papunta sa table sa dulo.
Inilapag niya ang folder at dahan-dahang tinanggal ang salamin. And for the first time in my f*****g life, I saw his real eyes.
It was cold.
It was burning.
It was full of rage.
And for the first time seeing him, I trembled.
Inayos niya ang manggas ng long sleeves niya nang biglang tumayo nang tuwid ang buong katawan niya. Para siyang ibang tao. Ibang iba.
The nerd in the university… was gone.
“Good morning,” he greeted with his husky voice. I literally had goosebumps.
“Good morning, Boss,” sagot nila.
Nilingon ko si Donny na sandaling napatingin din sa akin. Ginala ko ang tingin ko sa paligid. Lahat sila nakatayo at seryosong nakatingin sa kanya.
No one was laughing, nor looked surprised. Ako lang. Ako lang ang hindi makapaniwala.
“No… This is a joke, right?” Tinignan ko si Clark na nasa tabi niya. “Tell me this is a joke.”
Umiling ako at tinignan si Dearil na pinapanood lang ako.
“There’s no way,” hindi ko mapigilang mapataas ang boses. “He’s a f*****g nerd!”
“Chavez, introduce her,” utos niya.
“Scarlette Katana Denova, twin sister of Rhedd Bullet Denova…” nagsimula nang sabihin ni Clark ang mga bagay tungkol sa akin.
“Where’s the real boss, Clark?” tanong ko dahil siya lang ang inaasahan ko na makakasagot sakin.
“He’s the boss, Scarlette.” Tumawa ako.
“Hindi nakakatawa,” sabi ko habang patuloy na umiiling.
“Scarlette…”
“Chavez,” putol ni Dearil sa kanya habang diretsong nakatingin sa akin. “Please leave us.”
Nakita ko ang gulat sa mga mata ni Clark at napalingon kay Dearil.
“Boss?”
“Everyone, out,” mariin niyang sabi na naging dahilan ng pagsunod ng mga guards.
Si Donny ang huling lumingon sa akin bago sumunod. Pagkasara niya ng pinto, tahimik kaming dalawa. Nakatayo siya sa dulo ng opisina at ako naman ay halos hindi pa rin makapaniwala.
“You’re f*****g kidding,” mahina kong sabi. Hindi siya sumagot at pinapanood lang ako.
Sa bawat galaw niya… parang nawawala ang mahiyain at tahimik na estudyanteng kilala ko. Napapalitan ito ng isang lalaking sanay magbigay ng utos.
“Shall we start?”
“You’ve been pretending?” Umiling siya.
“Masakit ba sa pride?” Seryosong tanong niya sa akin. “I was about to ask you the same thing.”
Napakunot ang noo ko.
“Excuse me?”
“You’re a trainee. I didn’t know that.”
“I will not join this team! Pakikiusapan ko si Rhedd na makipagpalit!” Naiirita ko nang sabi sa kanya.
“Hindi pwede,” sagot niya.
I know that, but f**k it! Hindi ko ‘to matatanggap!
“I will not train under you, Seberi! Mamamatay muna ako bago mangyari ‘yon!” Halos matunaw ako sa seryosong tingin niya sa akin na para bang hindi siya nakikipagbiruan.
Na para bang hindi siya 'yung taong palagi kong nakikita sa eskwelahan.
Is this a joke? Maybe his twin brother? Does he have one? Hindi ko alam!
I couldn't think straight.
Tumayo siya at lumapit sa akin. I can smell his luxurious perfume. Ngayon ko lang din napansin ang baril niya sa gilid ng pantalon.
“Iyan ang gusto ko sa ‘yo. Hindi ka nagpapatalo kahit halatang talo ka na. I can use that in the field.” Hindi ko alam kung bakit tumulo ang luha ko sa bwisit sa kanya.
“f**k you,” I said.
“You can do that later if you want.” Sinampal ko siya dahil doon.
Ang kapal ng mukha niya!
Pero imbis na magalit ay nakakita pa ako ng multong ngiti sa kanyang labi.
He's enjoying this! He's f*****g enjoying this!
Is this even the life I begged for?