Hindi ko alam kung ano pa bang inaantay ko rito. Hindi ko pa rin matanggap at halos isang oras na akong nakatulala habang nag sisimula siya sa briefing kuno.
“I will send Chavez to show you around. Magsisimula na rin agad ngayon ang training mo.” Tinignan ko siya.
“May pasok ako…” tinignan ko ang orasan ko at nakitang alas dos na pala. “…mamayang 7.”
Tumaas ang kilay niya na para bang wala siyang pakialam.
And of course, I realized that we’re attending the same school, so siya rin.
Pumasok na si Clark para ihatid ako sa training ground. Maraming nagsasanay din na kasabay ko. May mga hand-to-hand combat, may obstacle course, meron ding nag t-training sa firing range.
“Good morning, Boss,” sabay-sabay silang bumati kaya napalingon ako kay Dearil na nakasunod din pala.
Ibang iba ang postura niya. Hindi ko pa rin ma-connect. Siya ba talaga ‘yon?
“Status,” isang salita lang ang sinabi niya pero parang lahat ay gusto na agad mag-report.
Dire-diretso sila habang siya ay nakikinig lang. May mga tanong siya minsan, pero madalas ay tumatango lang siya.
Hanggang sa tumingin siya sa amin.
“Chavez, begin her assessment,” utos niya. Umiling ako at umirap.
“Twenty push-ups,” utos agad ni Clark.
“Seriously?” reklamo ko.
“Fifty,” dagdag niya.
Napairap ako bago nagsimulang mag push-up. Madali lang ‘yon para sa akin dahil nga sa mga secret trainings ko. Isa pa, dahil nag g-gym din ako.
“One hundred.” Tumingin ako kay Clark matapos ko.
“Excuse me?” Tinaasan ko siya ng kilay.
“You complained.” Napakuyom ako ng kamao bago tinapos ang isang daan na push ups.
Pagtapos non ay sprint at obstacle course. Iyon lang muna dahil nga may pasok pa ako mamaya.
Pakiramdam ko, mamamatay na ako.
Nakita ko si Donny na lumapit sa akin, may dalang tubig. I refused, pero pinilit niya.
“Tanggapin mo na,” he smiled and his dimples immediately showed.
“Thanks,” sagot ko.
“It’s nice for a first day,” komento niya kaya napangiti ako.
“Thanks. I needed that.” Tumango siya at tumitig sa akin.
“Mas maganda ka kapag nakangiti.” Umiling ako at halos matawa dahil mukhang nakikisabay na siya sa kalandian ko.
“Bodyguard ka ba talaga?” Tumaas ang kilay niya pero nakangisi pa rin.
“Bakit?”
“Parang mas bagay kang manligaw sakin.” Natawa naman siya.
Sa gitna ng mga hirit namin ay naramdaman ko ang isang mariing titig mula sa malayo kaya nilingon ko ‘yon.
Dearil’s on the other side of the training ground while talking with two operatives. Titig na titig siya sa aming dalawa, pero nang mag tagpo ang mga mata namin ay agad siyang bumalik sa kausap.
Natapos ang unang training ko na bangag ako sa school. I decided to cut classes and stayed in the clinic to sleep because I am exhausted as f**k.
Mabuti na lang at ang training namin ay every other day lang. At least ay may pahinga ako ng isang araw.
Pero sa sumunod na araw…
“Again.” Bumuntong hininga ako.
“Pang-ilan na ‘to?” tanong ko kay Clark. Tumitig siya sa akin nang ilang segundo bago sumagot.
“Hindi ko binibilang. Ikaw dapat.” Gusto ko nang magmura, pero hindi ko ginawa.
Sinubukan ko na lang ulit ang obstacle course pero pagkatalon ko ay dumiretso ang bagsak ko.
“s**t!” Sigaw ko.
Sa kabila ng sakit na nararamdaman ay nakarinig ako ng isang mababang tawa kaya nilingon ko ‘yon. I frowned at Donny while he’s smirking.
“Need help?” tanong niya habang nakataas ang kilay.
“Tumahimik ka,” awat ko sa kanya at muling sinubukan nang paulit ulit ang obstacle na hindi ko malampasan.
“Pinapatawag ka ni Boss,” biglang sabi ni Clark habang hinahabol ko ang hininga ko.
Umirap ako bago sumunod.
Dahil malayo ang opisina niya, parang kada hakbang ko ay pinuputol na ang paa ko. Marahas akong kumatok at nang narinig ko na ang kanyang hudyat ay binalibag ko ang pinto.
“You wanted to see me?” Doon niya lang ako tinignan. Tinuro niya ang tubig sa lamesa niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.
“Drink,” utos niya. “You’re dehydrated.”
“I’m fine.” Umirap ako sa kanya.
“That’s not a request.” Nag dabog ako habang inaabot ang baso at ininom. Satisfied siyang tumango at tinuro ang upuan sa harap niya.
“Sit,” muli niyang utos, pero hindi ako sumunod.
“I’m okay.” Tinignan niya ako nang mariin.
“Sit,” mas malamig ang boses niya ngayon kaya padabog ako muling umupo.
This man thinks he can order me around?!
“Chavez’ evaluation.” Inabot niya sa akin ang envelope. “Your physical endurance is above average.”
“I know,” walang emosyon kong sagot dahil alam ko na ‘yan.
“But…” Tinuro niya ang isang linya. “...you refuse instructions. You always complain.”
I rolled my eyes for the nth time.
“I follow instructions,” sagot ko.
“You follow the ones you agree with,” bara na naman niya.
“I don’t like taking orders from anyone.” Tumango siya at tumingin sa akin.
“I know.” Tumayo siya at lumapit sa may bintana. “You also spend too much time talking.”
Napakunot ang noo ko sa sunod niyang sinabi.
“Excuse me?”
“Dela Vega,” simpleng sagot niya habang nakatingin pa rin sa labas. Bigla akong natawa.
“Jealous?” Napalingon siya sa akin. Walang ka-emosyon emosyon.
“I don’t care who you flirt with, but while you’re inside this organization… Everyone is your teammate. Not your distraction.” Hindi ko alam kung bakit kumukulo ang dugo ko sa sinabi niya.
“He’s friendly.” Dahil iyon naman ang totoo.
Wala namang ibang kumakausap sa akin dito kung hindi si Donny lang.
“And you’re here to train. He’s here to guard. But because of you, he’s more busy guarding you than the place.” Natahimik ako dahil tama siya, at naiinis ako na tama siya.
Kinuha niya ang isang folder at nilapag sa harapan ko.
“Sa susunod na linggo, you’ll begin combat sparring.” Tinignan ko ang nakasulat.
Training Partner: Donny Dela Vega
Napangiti ako.
“Well, at least the training won’t be as bad,” hindi ko napigilang ibulong.
I looked at him and noticed his jaw clenched.
“Dismissed,” biglang sabi niya.
Tumayo ako.
“Thank you, and good morning… Boss,” bahagya kong idiniin ang huling salita.
Pagkalabas ko ng opisina at naabutan ko si Donny sa hindi kalayuan. He’s patrolling, and when he saw me, he immediately came close.
“So?” Ngumiti ako.
“Looks like we’ll be spending a lot of time together,” sabi ko at natawa.
“Don’t expect me to go easy on you, Miss Denova.” Tinaasan ko siya ng kilay at kinagat ang gilid ng labi ko.
Ang gwapo talaga ng isang ito. Kitang kita ang dimples niya tuwing ngumingisi siya. Kahit nga nagsasalita lang ay lumalabas na.
“Mister Dela Vega, please come to my office.” Napatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot si Dearil sa likod ko.
Tinitigan niya ako at sa unang pagkakataon, nakita ko ang iritasyon sa kanyang mga mata.
Donny smiled at me, so I smiled back.
“See you,” sabi niya. Tumango ako at lumapit sa kanya.
I planted a soft kiss on his cheeks which made him smile.
“See you,” sagot ko.
Nilingon ko si Dearil na nakatingin lang sa aming dalawa at inaantay na pumasok si Donny.
Tinalikuran ko sila at umalis na sa impyernong lugar na ‘to.