The next day felt like hell. Ramdam ko ang mga sugat na natamo ko mula sa mga obstacle course kong palpak kahapon. Pinilit kong itago ang mga ‘yon pero mas masakit kung naiipit kaya namili na lang ako ng damit na makakahinga ang mga sugat ko.
“Scarlette!” Napalingon ako kay Eya nang makapasok ako sa campus.
Sabay kaming naglakad sa hallway at halos lahat ng madadaanan namin ay yumuyuko at umiiwas nang tingin sa akin.
“Good morning, Scarlette.” May iilan na mga lalaking ang madalas na bumabati at tinatanguan ko lang sila kapag ganon.
This… this is the world I am living in inside the university.
Pagpasok namin ng room, nakita kong may isang lalaking nakaupo sa desk ko kaya binalibag ko ang bag ko sa upuan at tinitigan siya. Agad naman siyang umalis at humingi ng pasensya sa akin.
“Hello, Scarlette,” bati sa akin ng ibang mga babae. I smiled at them and had a chitchat with them.
I’m not a b***h with girls, especially smart girls. Hindi ko lang alam bakit kapag mga lalaki, nakakairita sa paningin.
“I’ve been trying to figure out the answers to the test last week, kaya lang ay hindi ko talaga makuha ang mga sagot. Thankfully, in-explain naman sa akin ni Dearil ang lahat kaya… ito.” Inabot niya sa akin ang mga paper na may laman ng mga solutions ng exams last week.
I’m not sure of the score I got dahil confident naman ako na mataas ‘yon, but this is a big help for me. If only it didn’t come from that stupid demon.
Iginala ko ang tingin ko sa classroom at nakita ko siyang tahimik na nakaupo sa likod, sa tabi ng bintana. Images of him looking at the window last night while talking to me immediately flashed.
Hindi pa rin ako sanay.
Kagabi lang… siya ang nag-uutos sa halos daan daang mga armadong operatives. Ngayon… mukha na naman siyang estudyanteng hindi kayang ipagtanggol ang sarili.
“Thank you for this, Cherry.” I smiled at Cherry and stood up.
Lumapit ako kay Dearil. Hindi siya tumingin sa akin kaya naman umupo ako sa desk niya.
“Good morning… Boss,” idiniin ko ang huling salita.
He then looked at me, and for the first time in this version of him, I saw how cold his eyes were.
“G-good morning, Scarlette,” nauutal niyang bati pabalik.
Naningkit ang mga mata ko at halos matawa.
“You’re really committed to your role, huh?” bulong ko at humarap sa kanya.
I am wearing a mini skirt dahil kung pantalon ay naiipit ang mga sugat ko. Napansin kong isang segundo siyang napatingin sa bini ko bago agad na ibinalik ang tingin sa kanyang binabasa.
“Scarlette,” tawag sa akin ni Eya pero hindi ko siya pinansin.
Tahimik ang buong classroom at halatang walang gustong makialam sa akin dahil sanay silang ganito ako… sa kahit sinong mapili ko.
Nabigla ako nang tumayo si Dearil, kinuha ang bag niya at lumabas ng classroom.
“As always… f*****g coward,” bulong ko.
Natapos ang buong subject nang hindi na siya bumabalik sa kanyang desk. Wala naman akong pakialam sa kanya dahil ang totoo, gusto ko lang din talaga siyang inisin. Mukha namang umubra.
“Scarlette, hindi ba sinabi na sa ‘yo na tigilan mo na si Dearil dahil wala naman siyang ginagawang masama…” Tinignan ko si Eya na patuloy pa rin sa pag kukumbinsi sa akin na tigilan na si Dearil.
Kung alam mo lang…
Sunod na subject, kaklase ko na naman siya. This time, nandito na siya.
“Scarlette, please solve number 3,” utos sa akin ni Professor Reyes.
Tumayo ako at mabilis na sinagutan ang number 3 sa board dahil madali lang naman ‘yon. Pagbalik ko sa upuan, napansin kong nahulog ang lapis ni Dearil. Tumigil ito sa tabi ng sapatos ko. Tinignan ko siya, pero hindi siya kumikibo.
Yumuko lang siya at parang hinihintay na sipain ko ‘yon.
I smirked.
Sinipa ko nga ang lapis niya. Papunta sa kabilang aisle. Tahimik lang siyang naglakad para pulitin ‘yon. Walang reklamo o kahit man lang tingin sa akin. Kaya mas lalo akong naiirita.
“Grabe ka talaga,” sabi ni Eya. Umiling ako.
“Kulang pa ‘yan,” sagot ko.
Bandang hapon, ang sunod na subject ay PE. Ito ang paborito kong subject dahil napapakita ko sa mga tao na malakas ako.
“Obstacle relay!” sigaw ng instructor na naging dahilan para mapangiti ako.
Madali lang naman ang mga obstacle kumpara sa nasa training grounds. Kaya lang sa huling obstacle, dala ng aking mga sugat sa katawan, nagkamali ako ng landing.
“Scar!” Tumakbo ang mga kaklase ko papunta sa akin. Wala namang mga bagong sugat, kaya lang ay muling dumugo ang sugat ko sa tuhod at kamay.
“I’m okay.” Kaya lang ay nung tumayo ako, pakiramdam ko napuputol ang tuhod ko sa sobrang hapdi.
The Professor ordered me to go to the clinic. Sinamahan ako ng ilang mga kaklase pero kinailangan din nilang umalis agad dahil may susunod pang subject.
Pagpasok ko, walang nurse.
“Ano ba naman!” Reklamo ko sabay kuha ng bulak at betadine. Pumasok ako sa isang bed at sinarado ang kurtina, pero laking gulat ko nang bigla ulit itong bumukas.
“Ako na.” I was stunned to see Dearil holding a first aid kit.
Mabilis akong nakabawi at umirap sa kanya.
“Anong ginagawa mo rito?” Hindi siya sumagot at nilapag lang niya ang kit sa mesang nasa tabi ko.
Nagsimula na siyang mag labas ng mga gauze, pero pinigilan ko siya.
“I can handle this,” pagmamatigas ko pa.
“Alam ko.” Tumango siya at tumingin sa akin. “But you’re doing it wrong.”
The thick glasses are fake. Sinubukan kong isuot ‘yon isang beses sa office niya, pero wala namang grado. Ang galing lang… sobrang napaniwala talaga niya ako sa dramang ito.
Lumapit siya sa akin.
“‘Wag kang gagalaw,” utos niya na ikinainis ko.
“You can’t order me around here. Hindi kita boss dito,” sagot ko sa kanya.
Hindi na naman siya sumagot. Maingat niyang nilinis ang mga sugat ko. Hindi siya nagmamadali, pero hindi rin mabagal. Doon pa lang, masasabi ko nang sanay na sanay na siyang gawin ito.
“f**k!” Sigaw ko nang maramdaman kong dumampi ang betadine sa sugat ko.
“Easy,” mahina niyang sabi.
Nakakunot siya habang ginagawa ‘yon kaya malaya akong nakatitig sa kanya.
Kung tutuusin, hindi naman talaga siya panget. Siguro ay mukha lang siyang dugyot sa paningin ko dahil hindi siya marunong mag ayos kapag nandito siya sa school. But thinking about how he looks whenever he’s in the field… he’s… hot.
“Why are you staring?” tanong niya na nakapagpabalik sa akin sa reyalidad.
Hindi ko man lang namalayan na tapos na pala niyang lagyan ng benda ang tuhod ko.
“Huh? Hindi ah!” Nilingon niya ako. Napaawang ang labi ko nang unti-unti siyang lumapit sa akin.
“Mali,” mahinang bulong niya. Napakurap kurap bago tinignan ang palad kong hawak niya.
Tinanggal niya ang gauze na nilagay ko kanina doon. Saglit lang ang kilos niya at halatang sanay na sanay talaga.
Pagtapos ay bigla siyang natigilan na parang may naalala. Agad niyang binitawan ang kamay ko kaya parang pati ako, naguguluhan.
“S-sorry,” balik sa mahiyain niyang boses.
“I…—” Pinigilan niya akong magsalita.
“Okay na,” sabi niya habang nakayuko.
Nakakunot ang noo kong nakatingin sa kanya. Dalawang beses ko na siyang nakita. Isang Dearil na walang kinatatakutan, at isang Dearil na kinatatakutan ng… wala.
“Thanks,” mahina at naguguluhan kong sabi. Mukhang nagulat pa nga yata siyang nagpasalamat ako pero tumango lang siya, niligpit ang mga gamit at lumabas ng clinic.
Naiwan ako sa clinic na litong lito. Tinitigan ko ang mga benda ko sa kamay at sa tuhod na para akong nananaginip.
“Scarlette!” Nagulat ako nang biglang pumasok si Ehros, ang kapatid ni Eya, at niyakap ako. “What happened to you?”
And suddenly, my life became more and more confusing.