The moment Ehros wrapped his arms around me, parang biglang nawala ang sakit ng mga sugat ko. I felt relieved that he’s here.
“What happened? Nabalitaan ko lang na nandito ka raw sa clinic,” halatang nag-aalala siya habang marahan niyang hinawakan ang tuhod ko.
“PE,” diretsong sagot ko.
Napaawang ang labi niya.
“Again?” Ngumuso ako. Umiling siya at marahang pinitik ang ulo ko. “You’re unbelievable.”
“Kasalanan ng instructor!” He smiled.
“Kasalanan ng katigasan ng ulo mo.” I laughed.
“Anyway, I’m okay now. Babalik na ako sa classroom.” Sinubukan kong tumayo at inalalayan naman niya ako.
Hinatid niya ako papunta sa classroom pero bago ako makapasok ay may pahabol pa siya.
“Let’s grab a coffee later,” utos niya. Tinaasan ko siya ng kilay habang nangingisi pa.
“Libre mo?” He also smirked.
“Depende.”
“Depende saan?”
“Kung sasama ka.” Tinulak ko siya nang marahan habang natatawa.
“Fine,” suko ko.
“I’ll wait after class.” Tumango ako at binugaw na siya paalis.
Pagpasok ko ng klase ay hindi ko mapigilan ang ngiti ko. Buong araw na akong excited na matapos ang klase at nang tumunog ang bell ay nagmamadali akong lumabas.
“Hoy, hintayin mo ako!” Sigaw ni Eya kaya nilingon ko siya. I stopped and looked at her.
“Eya, please, ibigay mo na muna sa akin ‘to. Mag c-coffee lang kami ni Ehros! Please? Injured ako at alam kong mahal mo ako, kaya please…” I gave Eya pleading eyes.
“Mga palusot mo talaga, ha! Sige na nga, dahil injured ka, pag bibigyan kita.” Umiling siya.
“Scar!” Nilingon ko si Ehros na tumawag sa akin pero agad na binalik ang tingin kay Eya. Nakatingin na siya ngayon sa Kuya niya.
“Coffee lang, Kuya. Wala akong ibang maririnig na nangyari,” paalala niya. Ehros saluted and messed her hair.
“Copy, sis. Pahiram na muna ng best friend mo.” Kumindat si Ehros sa akin bago ako hinila palayo kay Eya.
Habang naglalakad kami palabas ay maraming nakatingin na babae kay Ehros kaya sumimangot ako.
“Ang dami mong fans,” bulong ko. I saw him smile.
“Selos ka?” Umirap ako sa tanong niya.
When we reached the coffee shop near the school, talaga namang nag kape lang kaming dalawa. He asked questions about my training, and how I was in the field.
Naunang pumasok sa field si Ehros kaysa kay Rhedd kaya mas advanced ang alam niya. Isa rin siya sa mga nagturo sa akin ng mga patagong trainings na ginagawa ko sa bahay.
Bandang alas singko, hinatid ako ni Ehros sa headquarters namin. Nasalubong agad ako ni Donny.
“Hi!” bati niya agad sa akin. “Buhay ka pa pala.”
I looked at him from head-to-toe.
“Disappointed?” Tinaasan ko siya ng kilay.
“Medyo,” he then laughed.
Nag simula kaming maglakad papunta sa training grounds.
“Anong nangyari sa tuhod at kamay mo?” tanong niya nang mapansin ang mga benda ko.
“Chismoso ka.” Mas lalo siyang natawa sa sagot ko.
“Fine, hindi na ako magtatanong tungkol dyan, pero ito… sagutin mo.” Tinignan ko siya. Kita ko ang pag seryoso ng kanyang mukha. “The guy na naghatid sa ‘yo… boyfriend?” Napaawang ang labi ko.
How I wish.
“No,” seryoso kong sagot dahil naalala ko na naman na hindi nga pwede.
“Manliligaw?” muli niyang tanong na ikinailing ko.
“Not yet,” I smiled.
“So… may chance pa ako?” Natigilan ako sa tanong.
“You sure ask a lot,” sabi ko.
“Is that a no?” For some reason, I felt a pair of eyes looking at us, and that alone made my heart beat so fast.
“I didn’t say no.” Ngumisi siya at tumango sa akin.
“I’ll take that.” Hindi ko siya pinansin at hinanap ang pares na matang titig na titig sa amin. I saw Dearil’s eyes, and for once, he didn’t look away.
“Training starts in 30 minutes.” Nakatayo siya sa balcony ng command room.
Hindi ko maintindihan. Pareho lang naman ang tono ng boses niya sa lahat, pero parang mas malamig ito ngayon.
Ilang segundo pa…
“Dela Vega, office.” Nawala ang ngiti sa labi ni Donny.
“Copy, Boss.” Napakamot siya sa batok bago tumingin sa akin.
“Goodluck.” I awkwardly smiled at him.
Tumakbo siya papuntang office at ako naman ay tumakbo papunta kay Clark.
“You should minimize talking to Dela Vega,” sabi sa akin bigla ni Clark habang may sinusulat sa isang papel na nasa folder.
“Huh? Bakit?” Tinignan niya ako bago sinara ang folder.
Hindi siya sumagot.
Matapos ang halos sampung minuto, lumabas si Donny. He’s quiet unlike earlier kaya nilapitan ko siya.
“What happened?” Ngumiti siya, pero hindi ako kumbinsido sa ngiti na ‘yon.
“Pinagalitan lang,” nahihiya niyang sabi.
“Bakit?” Nagkibit-balikat siya.
“Professional boundaries,” he simply said, which made my eyebrows raise. “Apparently… I’m talking to you too much.”
Napatawa ako.
“Seryoso ba siya?” Donny just gave me another smile.
“Sige na, mag p-patrol muna ako sa north wing,” paalam niya sa akin. I pursed my lips and let him walk away.
Pagtapos ng ensayo ay sumigaw si Clark, “Denova, Dela Vega office!”
Ano na naman?
Pumasok kaming dalawa ni Donny sa office.
“Miss Denova,” panimula niya. Clark stayed inside as well.
“Yes?” Tinignan ako ni Clark. I cleared my throat. “Yes, boss?”
“Tomorrow, you’re cleared for combat sparring.” Napangiti ako.
“Finally!” Tumango siya at tumingin kay Donny.
“Your opponent has changed.” Napakunot ang noo ko.
“Huh?” naguguluhan ko nang tanong.
“Instructor Clark Chavez.” Nawala ang ngiti ko.
Narinig kong humalakhak si Donny sa tabi ko.
“Goodluck,” bulong niya.
“Bakit pinalitan?” Tahimik lang na tumingin si Dearil sa akin.
“Because I will assign Dela Vega to other assignments.” Tinignan ko si Clark at si Donny na panandaliang nagkatinginan.
Para silang may gustong sabihin pero parehong pinilit na manahimik.
“Dismissed,” utos niya bago pa ako makapagsalita. Mabilis na umalis si Donny at Clark ng office, pero nanatili ako sa loob.
“Bakit short noticed ‘yung pag change ng opponent, pwede ba ‘yan? Isa pa, bakit si Clark agad eh unang beses ko pa lang!” Napansin ko ang isang bote ng whiskey na nasa harapan niya. Nagsalin siya sa baso at agad na ininom ‘yon.
“Dela Vega and Chavez are both experts in the field. Walang kaibahan kung si Chavez ang makakalaban mo.” Kumunot ang noo ko. Pakiramdam ko, may ibang dahilan ng pagbabagong ito.
“Pinatawag mo si Donny kanina dahil pinagalitan mo siya. Professional boundaries? Wala naman kaming ginagawa! Nag-uusap lang kaming dalawa. Hindi na ba pwede mag-usap ngayon?” Marahas niyang binaba ang baso ng whiskey sa table niya bago ako tinignan.
“Finished?” I froze. “If you are, then leave.”
Biglang kumulo ang dugo ko sa sinabi niya.
“You’re unfair, Dearil! I don’t get you! Ayaw mo ba akong may kaibigan dito?” I saw his jaw clenched before he drank another shot of whiskey.
Hindi siya agad nakasagot.
“That’s not the issue. You’re here to train, not to expand your social life,” malamig niyang tugon sa akin.
“I am training. He’s not a bother or a distraction!” sagot ko pa lalo.
Tinitigan niya ako nang mariin. Hinilot niya ang kanyang sentido.
“You’re making my job harder than it has to be,” narinig kong bulong niya.
Habang pinapanood ko siya, isang bagay lang ang tumatakbo sa isip ko.
Habang mas lalo kong sinusubukang labanan ang bawat utos niya… pakiramdam ko, mas lalo rin niyang pinipilit na kontrolin ako.