Chapter 5 - Combat

1287 Words
Mas masakit ang katawan ko kaysa kahapon. Hindi ko na nga maintindihan ang mga bumabati sa akin, pero pinipili ko na lang dumiretso nang lakad. Nasa school na naman ako. Pagpasok ko ng classroom, agad kong hinanap ang pamilyar na pwesto sa likod. As usual, nandoon na siya. Tatlo pa lang kami nina Cherry ang nasa loob. “Hello, Scarlette, ipapasa ko pala ‘to kay Dearil.” Inangat niya ang ilang mga solution sheets niya. “Nag volunteer siya para i-tutor ako kasi hindi ko talaga ma-gets ‘yung Calculus.” Napatingin ako kay Dearil. “Anong gusto mong gawin ko dyan?” Hindi ko napansin ang pagiging masungit sa tono ko kaya nagulat si Cherry. “Ah… ipapa-check ko lang din sana sa ‘yo kung tama ba.” Kumunot ang noo ko. Bakit pa ipapa-check sa akin kung itu-tutor naman na siya ni Dearil kung sakaling mali ang mga sagot niya? Hindi na lang ako nagsalita at kinuha ang papers. “Titignan ko at ako na rin ang mag bibigay sa kanya.” Tumango si Cherry at dahan-dahang tumayo. Lumabas siya sa classroom kaya naiwan kaming dalawa ni Dearil. Naglakad ako papungta sa likod. Hindi man lang siya nag-angat ng tingin. Umupo ako ulit sa desk niya at nilapag ang papel sa tabi ko. “Busy, Boss?” Mahina siyang napabuntong-hininga. Hindi ko tuloy alam kung naiinis na ba siya o napapagod lang. “Thank you,” mahina niyang sagot kaya napairap ako. “That’s it?” Tumango lang siya. Wala man lang emosyon na pinakita! Ang galing talaga niyang umarte! “Alam mo…” Yumuko ako nang bahagya para magkalapit ang mukha naming dalawa. Binaba ko ang glasses niyang peke para makita ang totoo niyang mga mata. “Mas gusto kita kapag galit.” Tumitig siya sa akin. “Unfortunately… we’re in school.” Tumayo siya at kinuha ang papers. Dumaan siya sa tabi ko at aalis na sana pero pinigilan ko siya. Halos mapaso ang kamay ko nang mahawakan ang braso niya. I expected him to have this firm arms, pero dahil sa hoodie niyang malaki tuwing nasa school, sobrang hindi halata na may tinatago siyang ganito. “Come on, Dearil… make my school days interesting too,” hamon ko sa kanya. Titig na titig siya sa kamay kong nakahawak sa braso niya. Biglang dumami ang mga estudyante sa classroom pero hindi nila kami pinapansin. Hindi rin sinusubukan ni Dearil na tanggalin ang kamay ko sa braso niya. Kung hindi lang dumating si Eya ay baka buong araw kaming ganon. Lumipas ang dalawang subject nang mabilis. Bandang lunch, mag-isa akong naglalakad papunta sa cafeteria. I saw Dearil walking with his lunch nang may biglang bumangga sa kanya. Nahulog ang dala nyang tray at bumuhos ang mainit na kape sa uniform niya. “Ay, sorry!” sabi ng estudyante. Pero halatang sinadya. Sunod-sunod ang tawanan matapos non at sari-saring bulungan ang narinig ko. “Oops.” “Nerd talaga.” “Bulag yata.” Huminto ako. Hindi ko alam kung bakit pero kumukulo ang dugo ko sa nangyari. Nakita kong yumuko si Dearil. Isa-isa niyang pinulot ang mga nahulog na parang wala lang. Parang sanay na siya. Lumapit ako sa counter at umorder ng mainit na kape. Mabilis iyong naiabot sa akin. Tinignan ko si Dearil na patapos nang mag pulot ng pagkain na nasa lapag. Nandon pa rin ang bumangga sa kanya at tuwang tuwa pa rin sa ginawa. I sipped my coffee and watched them. “Scar…” paglapit ni Eya ay nilingon din niya si Dearil. Hindi ko pinansin si Eya at naglakad papunta kay Dearil. “Scarlette!” bati sa akin nung lalaking bumangga sa kanya. Nakita kong napalingon si Dearil sa akin. I waved and smiled at the guy and ran towards him. Nang makalapit ako sa kanya at bigla kong binuhos sa kanya ang mainit na kape na nasa kamay ko. “Ay, sorry,” pag gaya ko sa kanya, pero patuloy pa rin sa pag buhos ng kape sa kanya. Nang maubos ang laman ng kape ay tinapon ko sa ulo niya ang cup. “Oh my gosh, Scarlette!” Sigaw ng mga babaeng nakisali sa tawanan kanina. “Just because I bully him doesn’t mean I permit you to bully him, too. Sinabi ko na 'yan una pa lang, hindi ba?” Tinaasan ko sila ng kilay at nilingon si Dearil na nakatayo na ngayon at handa nang umalis. Hinila ko ang braso niya at binalik sa pwesto niya. “Apologize,” I commanded everyone who laughed. “Or… marami pa namang kape sa counter.” The girls apologized and ran away. ‘Yung nang bangga sa kanya ay speechless pa rin. “Ano?” Lumapit ako sa lalaki. Tumingala siya sa akin habang nakakunot ang noo. Pinadaan ko ang daliri ko sa kwelyo niyang may mantsa na ng kapeng tinapon ko. “Hindi ka mag s-sorry?” Hinigpitan ko ang hawak ko sa kwelyo niya. Hindi pa rin siya nag sasalita kaya handa na sana akong suntukin siya nang biglang may sumigaw. “Scarlette!” Nakita ko ang kapatid kong tumatakbo papalapit sa amin. “Ano na namang ginawa mo?” “None of your business, Rhedd,” pigil ko sa kanya dahil naka focus ako sa lalaking nasa harapan ko. “S-sorry, Dearil…” mahina niyang sambit. Tinignan ko si Dearil na seryosong nakatingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. “Is that enough?” Sandali siyang natahimik. Tinignan ko ang pagkain niyang baboy baboy na ngayon. Tumango siya bago tumingin sa lalaki. "Pwes ako, hindi pa tapos." Nginudngod ko ang lalaki doon sa pagkain ni Dearil na nababoy na ngayon. "Sandali, Scarlette! Frensiana 'yan!" saway sa akin nung ibang mga babae sa gilid. "At anong pake ko?" tanong ko at patuloy pa rin sa pag ngudngod doon sa lalaki. "Isa sila sa mayamang pamilya sa mundo!" sabi naman nung isa pero umirap lang ako. "Kung maubos mo nang mabilis 'yan mabilis ka rin makakaalis," sabi ko sa kanya. Wala siyang nagawa kung hindi sumunod sa akin. "Scarlette, tama na 'yan!" awat sa akin ni Rhedd pero hindi ako nakinig sa kanya. Not until Ehros came. “Scar,” mahinahong tawag niya. I stepped backward and motioned the guy to leave. Tinignan ko si Dearil na muling nakatingin sa akin. “Rhedd, give him extra clothes,” utos ko sa kakambal ko. I saw Ehros smile at me. Inakbayan niya ako at sinamahang maglakad. Dumiretso ako sa counter at umorder ng pagkain ko… I stopped and stared at the burger steak. “Anything else?” tanong ni Ehros sa akin. Tsk. I shrugged it off and walked away. Nakabalik na si Rhedd. Hindi ko na siya tinanong but Ehros was chuckling beside me kaya tinignan ko siya. “May soft side ka rin naman pala eh.” Umirap ako. “Ew. Hindi lang ako pumapayag na may ibang nang bu-bully sa kanya bukod sa akin.” They didn’t open the topic anymore that day. Pag-uwi, dumiretso ako sa training grounds. Mabilis na binigay sa akin ang gears ko. “Training ground three.” Napalingon ako sa biglang nagsalita. It was Dearil standing on the other end of the hallway. “Copy, Boss,” si Clark ang sumagot. “Miss Denova…” tawag ni Dearil. “Boss…” “Combat sparring begins in ten minutes.” Napatingin ako sa gloves sa kamay ko. Huminga ako nang malalim. “Goodluck,” bati sa akin ni Donny nang madaanan ko siya papuntang training grounds three. I only smiled at him. Nang makapasok ay kita kong ready na rin si Clark. Hindi ko mapigilang ma-excite. Kaninang kanina ko pa gustong manuntok. “Bring it on.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD