Chapter 6 - Save

1367 Words
The moment I stepped inside the training ground, the atmosphere immediately changed. Mas malawak ito kaysa sa ibang training grounds. Sa gitna, nandoon si Clark. Nakasuot ng simpleng black compression shirt at cargo pants. Nakapamulupot ang tape sa mga kamao niya habang kalmado akong piangmamasdan. “Ready?” tanong niya. Ngumisi ako. “As I’ll ever be.” Mula sa gilid ng training ground, isa-isang nagsitigil ang ibang operatives sa ginagawa nila. Tahimik silang nanonood kaya napangisi ako. “Excited yata silang mapanood ako,” I confidently said. "Combat sparring isn't about winning,” panimula ni Clark. "It's about exposing your bad habits." Lumapit siya sa akin. "Show me your stance." Agad kong ginawa ang tinuro sa akin noong mga nakaraang araw habang siya ay tahimik na umikot sa paligid ko. "Wrong." Bahagya niyang tinulak ang kaliwang paa ko. "Again." Inulit ko. "Wrong." Mas inayos ko. "Again." Huminga ako nang malalim. "Clark..." tawag ko sa kanya. "Again." Naiirita na ako. "Akala ko ba sparring?" tanong ko dahil parang training pa rin ang nangyayari! Tumango siya. "It is." Tumayo siya sa harapan ko. "Ready?" Ngumisi ako. "Bring it on." Tumango siya muli. "Good." Isang kisapmata lang… At bigla akong nawalan ng balanse. Tumama ang likod ko sa sahig. Nanlaki ang mga mata ko. "...What?" Ni-hindi ko man lang nakita kung paano niya ginawa. "Again." Tumayo ako at humakbang at muling bumagsak sa sahig. "Again." Tumayo ulit ako at mas naging maingat. Mas malakas ang naging impact sa akin. Ang balikat ko ang tumama kaya napangiwi ako. "What the fu—" "Again." Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong bumagsak. Sa bawat pagkakataon na tumatayo ako, pakiramdam ko ay mas mabilis niya akong napapabagsak. Pakiramdam ko… hindi ako nabibigyan ng pagkakataon para lumaban. Sa ikapitong beses, napaluhod ako habang hinahabol ang aking hininga. Naramdaman ko ang lasa ng dugo sa loob ng bibig ko kaya napatingala ako. Clark wasn’t even sweating. Tumingala ako para tignan ang observation room. Tahimik lang na nakatayo si Dearil at nakatiklop ang mga braso. “Boss,” basa ko sa bibig ni Donny. Ni-hindi man lang siya nilingon ni Dearil. “Should we stop it?” Tahimik lang siyang nakatingin sa akin. “No,” basa ko sa bibig ni Dearil na ikinapikit ko. Tumayo ako ulit sa ikawalong beses, pero katulad ng mga nauna, mabilis lang din akong bumagsak. Umabot ng sampu, mas mabigat ang pagbagsak ko. Napaubo na ako at hindi ko na maramdaman ang braso ko. “Stand,” utos ni Clark sa akin. Halos matawa ako. “Nahihibang ka na ba?” Tumahimik siya. “Stand,” ulit niya. Napapikit ako dahil gusto ko na lang humiga at sumuko, but I kept going. I stood up with my knees shaking. My body hurts so much, and it’s a miracle na nakatayo pa ako. Tinignan ko si Clark, and for the first time, he smiled. “Good.” Napakunot ang noo ko. “I lost!” I shouted at him. “You did, ten times,” he pointed. Umirap ako dahil kailangan pa talagang sabihin? “What’s good about that?” tanong ko pa rin kahit ramdam ko ang dugo sa bibig ko. “You fell ten times, and you stood eleven times.” Hindi ako nakasagot. “Strength can be trained. But resolve… either you have it or you don’t.” Iniwan niya akong nakatayo sa gitna ng training ground matapos niya akong tapikin sa balikat. Unti-unting naubos ang mga tao hanggang sa ako na lang ang natira. Hindi ko napigilan ang sarili ko at sinuntok ang punching bag na nasa tabi ko. “f**k!” Hindi ko mabilang kung ilang beses kong sinuntok iyon, basta naramdaman ko na lang na sumakit lalo ang kamao ko. “Inom.” Tahimik na inabot sa akin ni Donny ang isang bottled water pero hindi ko ‘yon kinuha. “I’m fine!” Bumuntong hininga siya. “Boss wants to see you,” sabi niya. “Of course he does!” Nag walk out ako at pumunta sa opisina niya. Hindi na ako kumatok at dumiretso na lang sa loob. Nakita ko si Dearil na nakaupo sa likod ng mesa. May hawak siyang evaluation folder at hindi man lang tumingin sa akin. “Sit,” utos niya. “No!” Doon lang siya nag-angat ng tingin. “Suit yourself.” Ibinaba niya ang folder. “You confuse confidence with skill.” Parang may sumampal sa akin. “It’s unfair! It wasn’t supposed to be Clark! It was supposed to be Donny!” Reklamo ko pa sa kanya. “You think today was unfair?” tanong niya. “It was!” Tumango siya. “Good.” Napaawang ang labi ko. “Good?” Hindi siya sumagot kaya mas lalo akong nainis. “Clark destroyed me! He didn’t even let me fight!” Tahimik pa rin siya habang ako ay nagwawala na rito. “Say something!” utos ko. “You weren’t there to fight. You were there to be evaluated.” Tumulo ang luha ko. Tangina nito. Wala man lang pakialam! Then, I couldn’t control my tears anymore. Tuloy-tuloy na itong lumabas at mas lalo akong naiiyak habang iniisip na si Dearil ang nasa harapan ko. Hindi ko gustong nakikita niya akong ganito! But I can’t help myself! I needed to cry! It was about a good minute of crying when I tried soothing myself. “Are you done?” he asked. Sinamaan ko siya nang tingin habang patuloy na pinapatahan ang sarili ko. “What?!” sigaw ko pa dahil nakatingin lang talaga siya. “Crying doesn’t make you weak. Staying there does.” Nilapag niya ang isang bimpo sa harapan ko. “When you’re done crying, we’ll continue.” Hindi ko kinuha ang bimpo pero pumunta ako sa water dispenser para uminom ng tubig. Ilang beses kong kinalma ang sarili ko bago bumalik sa pwesto ko kanina. "Chavez exposed every opening you had." Hindi ako sumagot. "Kung si Dela Vega ang nakalaban mo..." Bahagya siyang tumigil. "...he would've adjusted. He would’ve gone easy on you.” Napakunot ang noo ko. "So that's why you changed my opponent?" tanong ko. "Yes," simpleng sagot niya "Wala kang ibang dahilan?" tanong ko muli na para bang umaasa akong may ibang sagot siya. "Wala." Tahimik akong tumitig sa kanya. Hindi ko maintindihan. Hindi ba talaga siya marunong maawa? Naalala ko bigla ang nangyari sa cafeteria. "By the way..." Tumingin siya sa akin. "You're welcome." "For what?" nagtatakang tanong niya. "The cafeteria.” Tinaasan ko siya ng kilay. Tahimik siyang tumitig sa akin pero nagulat ako nang marahan niyang isinara ang evaluation folder. "Don't do that again." Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Halos matawa ako na hindi ko maintindihan. Too much humiliation today! It’s too much! "What?" iritado kong tanong dahil bakit parang wala lang sa kanya? "Protecting you?" "Yes." Tumango siya. "Bakit?" takang tanong ko. Muli siyang natahimik at pagkatapos ay tumayo. Naglakad papunta sa malaking bintana ng opisina kung saan madalas siyang nakatingin kapag may iniisip. "Nabubuhay ang organisasyong ito dahil hindi kami napapansin." Nilingon niya ako. "Every unnecessary action creates unnecessary attention." "They're just students,” sabi ko dahil pakiramdam ko, wala naman silang magiging bearing sa ginagawa namin. Hindi naman nila mahahalata ang mga ito kung hindi sila mag-iisip nang sobra. "Students grow up,” nanatili siyang kalmado. "Some become journalists. Some become investigators. Some become politicians. They remember unusual things." Hindi na ako nakasagot. "Don't mistake professionalism for helplessness." Ngumuso ako. “So, you want me to let them bully you like that?” Tinitigan niya akong muli. “If I were only the man you see inside that university… you would’ve walked past me.” Mas lalo akong natahimik. Pagtapos ng ilang minutong katahimikan, naglakad siya papunta sa pinto. Huminto siya sa tabi ko pero hindi siya tumingin sa akin. Ako lang ang nakatingin sa kanya. "If I ever need saving..." Saglit siyang tumigil. "...it won't be inside the university." Then, he left. Naiwan akong mag-isa sa opisina. Masakit pa rin ang buong katawan ko. Pero sa unang pagkakataon, hindi ang mga pasa ang iniisip ko. Kundi ang lalaking mas mahirap basahin kaysa kahit sinong nakilala ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD