Chapter 7 - Fall

1443 Words
I woke up feeling like I had been hit by a truck. Or maybe ten trucks. Every muscle in my body screamed in protest the moment I tried to sit up. Napapikit ako sa sakit habang dahan-dahan kong iniunat ang likod ko. I cried the moment I felt every pain. “Clark, sana hindi masarap ang ulam mo!” Sigaw ko. Paglabas ko ng kwarto, bumungad agad ang amoy ng bagong lutong almusal. I looked at Daddy who’s reading some news on his tablet while drinking his coffee. “Good morning, Daddy.” Lumapit ako para humalik sa kanya. Maingat akong umupo sa dining chair pero agad akong napangiwi at hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Daddy. “Masakit?” Tumango ako at ngumuso. Sumulpot si Mommy galing sa kitchen. Naka nighties pa ito at mukhang walang balak umalis. She looked at me and gave me a glass of orange juice. “Good morning, Mommy,” bati ko sabay tanggap ng orange juice na palagi niyang tinitimpla tuwing umaga para sa akin. “Clark called.” Mabilis pa sa isang segundo ang pag simangot ko. Sayang. Akala ko nasagasaan na siya eh. “I don’t care,” iritable kong sagot kay Daddy. I heard a laugh behind me. Hindi pa ako nakakalingon ay alam ko nang si Rhedd ‘yon. “He called me too,” sabi niya na para bang nang aasar pa. “What? To laugh at me?” Tinaasan ko siya ng kilay. Rhedd smirked and sat beside me. “He’s asking how you are.” Umirap ako dahil hindi ako naniniwalang iyon lang ang pakay niya kaya siya tumawag. “How many?” tanong ni Daddy. Ngumuso ako muli nang agad na maintindihan ang tanong niya. “Ten.” He nodded. “It was so bad! He didn’t even let me hit him!” “My first spar… I lost sixteen.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Daddy. Tinignan ko si Mommy upang ikumpirma. Ngiti lang ang nakuha ko sa kanya. “Ako, fourteen,” dagdag ni Rhedd. I laughed without humor and looked at my food. “You’re kidding.” Pareho silang umiling kaya natahimik ako. “It was so bad. Remember the time na tatlong araw akong hindi nakalakad at sinabi namin sa ‘yong naaksidente ako? That was it.” Napaawang ang labi ko sa sinabi ni Rhedd. It was really bad. He was in a bad shape at that time and I didn’t understand. Sabi ay nabangga raw siya ng sasakyan kaya kailangan niyang magpahinga ng tatlong araw. I sighed. “I thought I was ready,” mahina kong sabi. Tahimik lang si Daddy bago niya ibinaba ang tablet niya. “Everyone thinks they are.” Nilagyan niya ako ng isa pang piraso ng bacon. “Only the good ones realize they weren’t.” “Only the stubborn ones come back the next day,” sabi naman ni Mommy at ngumiti. “You took after me.” Daddy sighs, “Unfortunately.” It was a good breakfast. Pakiramdam ko, gumaan nang sobra ang loob ko dahil sa usapan na ‘yon. Pero pagdating ko sa university, parang gusto ko na lang ulit umuwi. Hindi ko na pinansin ang mga estudyanteng bumabati sa akin at dumiretso na lang ng classroom. I am not wearing anything confident today. Naka hoodie lang ako at sweatpants. Maganda pa rin naman, parang airport get-up. Kaso lang ang katawan ko ang hindi maganda. When I entered the classroom, as usual, ako pa lang at si Dearil. Hindi ko siya pinansin at sinuksok ko lang ang ulo ko sa braso ko. “Scar…” nagising ako sa mahinang bulong ni Eya. Bumangon ako at in-adjust ang mga mata ko sa liwanag. I covered my mouth when I yawned and looked at the classroom full of people. “Nakatulog pala ako,” I pointed. Tumango si Eya habang nakatitig sa akin kaya naman tinignan ko rin siya. “Are you okay?” I smiled and nodded. Kahit na nag t-train din si Ehros sa kanila ay hindi pa pwedeng malaman ni Eya na nag t-train din ako. Lalo pa’t walang kasiguraduhan kung ipapasok din ba siya ni Ehros dito. “Sumemplang lang sa motor. I got bruises kaya ganito,” pag sinungaling ko. Napatayo siya sa sinabi ko at mabilis na lumapit sa akin. “What?! Since when are you riding a motorcycle? Saan ang bruises? Bakit pumasok ka pa?” Nag aalala siya habang sinusubukan na tignan ang mga braso kong nakatago sa hoodie. It made a fuss inside the room. Everyone was worried kahit na sinabi kong ayos lang naman ako. Everyone… but him. In the middle of the questions asked by some of my classmates, tinignan ko siya. Hindi man lang siya tumitingin sa akin. Hindi man lang niya pinapakita na nag-aalala siya. Nakakainis. Natapos ang klase nang hindi ko man lang namalayang buong araw pala akong tahimik. Paglabas ko ng classroom ay nagulat ako nang nakaabang si Ehros sa may pader. He’s holding a bouquet of tulips, and when he saw me, he smiled and handed it to me. “Coffee?” tanong niya. Sunod na lumabas ay si Eya na masama na naman ang tingin sa kapatid niya. “Ano na naman ‘yan?” iritableng tanong ni Eya. Napansin kong may isa pang mas maliit na bouquet na dala si Ehros. Inabot niya ‘yun kay Eya. “Ayan, para hindi ka na mag selos. Mag c-coffee lang kami ni Scarlette. Mauna ka nang umuwi.” Tinignan ko si Eya, asking for permission. Pero alam kong kahit na hindi niya gusto itong nangyayari ay tumango lang siya. The girl code is simple. Huwag jojowain ang kapatid ng isa’t isa. The reason for this is because when things didn’t work out, mahihirapan kaming mag adjust. Sa likod ni Eya ay napansin ko ang pag labas ni Dearil, pero hindi siya tumingin. Tangina, hindi man lang ako tinanong kung kumusta ako! Sinawalang bahala ko na lang iyon at nagsimula nang maglakad kasabay nina Eya, palabas ng campus. Sa malapit na coffee shop lang kami pumunta ni Ehros. Nag pumilit pa nga si Eya na sumama, pero hindi pumayag si Ehros kaya wala siyang nagawa. Pagkahanap namin ng seat ay mabilis na tumayo si Ehros para mag order. Pag dating niya ay inabot niya sa akin ang isang slice ng cheesecake, kasama ang usual order ko na black tea. “Akala ko coffee?” Ngumisi siya. “Kailangan mo ng sugar.” Kumunot ang noo ko. “Sabi nino?” He chuckled. “Sabi ng mukha mo.” Napailing ako. He always knows. Natahimik ako hanggang sa siya na ulit ang nagsalita. “How bad was it?” Napabuntong hininga ako. Of course, alam na rin niya ang tungkol sa sparring. “Horrible. I didn’t even get to fight,” iyon talaga ang pinuputok ng butchi ko. “He threw me! Again and again and again!” Unti-unti kong ikinuwento ang buong sparring. It’s okay because Ehros is part of the community. Hindi man same organization, pareho lang naman ang pamamalakad sa amin. Si Rhedd na rin ang nagsabi. Hindi lang same unit dahil nga sa protocols, pero pareho lang ang karanasan. “Akala ko malakas na ako,” bulong ko pagkatapos ng kwento. “Scar…” Tumingin ako sa kanya. “Naalala mo noong tinutuan kitang mag-bike?” Napakunot ang noo ko. “What does that have to do with this?” Seryoso siyang nakatingin lang sa akin. “Ilang beses ka ngang umiyak?” Sumimangot ako sa tanong niya. “Isa,” sagot ko na ikinangisi niya. “Dalawa,” sabi niya at nag-isip pa. “Tatlo, apat, lima…” Natawa ako. “Tama na.” He smiled too. “The point is… Hindi ko maalala kung ilang beses kang bumagsak.” Tinignan niya ako. “Ang naaalala ko… hindi ka tumigil.” This is Ehros. He doesn’t usually give lectures or orders. He’s just reminding me of the person I am. “You know, I’m actually proud of you.” Napataas ang tingin ko. “Huh? Anong nakakaproud doon?” I pouted my lips and drank my black tea. “If it hurts this much, ibig sabihin hindi ka nag-back out.” Naramdaman kong gumaan ang dibdib ko dahil naramdaman kong may naniniwala ulit sa akin. The day lasted like that hanggang sa yayain na niya akong umuwi. Lumabas kami ng coffee shop. Hawak niya ang kamay ko habang inaalalayan ako papasok sa kanyang sasakyan. Kagabi, may nagturo sa akin kung paano bumangon. Ngayon, may taong nagpapaalala sa akin kung bakit gusto kong bumangon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD