The soreness was still there, but it’s not as bad as yesterday. Bumangon ako at sandaling minura muna si Clark sa isipan ko bago tuluyang pumasok sa school. Ehros has been extra caring, siguro ay dahil nga alam niyang masakit pa rin ang katawan ko. Hindi gusto iyon ni Eya at Rhedd, pero sa ngayon ay mas pinipili nilang intindihin na lang muna ang sitwasyon. “Coffee later?” Tinignan ko ang relo ko. May training ako mamaya, pero mamaya pa naman ‘yun. “Sige, pero mabilis lang. May pupuntahan ako after eh.” Tinitigan ko siya. Dahan-dahan siyang tumango nang maintindihan ang sinasabi ko. “Hoy, sumusobra na ‘yang kape kape niyo, ha?” Iritableng suway ni Rhedd. Bumuntong hininga si Eya at tinignan ako. “Kalma. I’m just as worried as you guys.” Kinindatan ako ni Ehros kaya ngumisi ako sa kany

