Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nag-usap ni Rhedd. Paulit-ulit niyang sinabi na okay lang siya at huwag akong mag-alala, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kumbinsido. “Where’s Dad? Are you with him?” Sandali siyang natigilan. “He’s asleep.” Tumango ako. Ito ang lesson kanina, hindi ba? Ang magbasa ng mga taong nagsisinungaling. “Okay.” “I’ll see you soon, Scar.” Iyon ang naging pangako niya bago naputol ang tawag. Tahimik ang buong opisina at hindi ako agad tumayo pero si Dearil ang tumayo para sana buksan ang pinto. “Dearil… thank you,” seryoso ang boses ko ngayon. “I didn’t do anything,” malamig niyang sagot kaya napairap ako. “You literally let me call him.” Tinitigan niya ako sa sandaling panahon. “I only opened the line.” Hindi ko maintindihan kung bakit ang h

