Mabigat na naman ang pakiramdam ko kinabukasan dahil sa dalawang oras kaming pinaulit-ulit ni Clark habang nakaposas ako kay Dearil. Paano ba naman… bawat pagkakamali at pagtatalo namin ay pinapaulit kami ni Clark kahit na pwede namang magpatuloy na lang. Pagpasok ko ng classroom, gaya ng nakasanayan, si Dearil ang unang tao roon. Walang bago. Tahimik pa rin siya na nagsusulat sa notebook niya na para bang hindi siya napapagod. Napatingin ako sa kaliwang braso niya na hindi nakikita ang compression sleeve dahil natatabunan ng hoodie niya. “Tititigan mo lang ba ako?” Napakurap ako. Of course! He’s the boss of our organization. Malamang lang na sa simpleng titig ay nararamdaman niya agad! “Ang feeler mo, nakatingin ako sa bintana,” tanggi ko na ikinatango niya lang. Ano ba naman ‘ton

