Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatayo roon at naghihintay. Gusto kong tawagan si Donny pero alam kong hindi niya rin sasagutin ang tawag ko. Kung hindi nga ma-access ang signal nila, paano pa kaya itong phone ko lang? It’s been what? An hour? Three? Four? Pakiramdam ko ay huminto ang oras sa headquarters. Walang nagsasalita nang malakas. Wala ring nag pa-panic. Pero bawat taong nakikita ko ay nagmamadali. May ibang tumatakbo papunta sa armory, may nag s-set up ng medical equipment, may nakatutok sa monitors at nag aantay pa rin ng signal galing sa mga radios. ‘Yung iba naman ay nakatayo lang at ready to deploy in case humingi muli ng backup. Ako… wala akong ginagawa. Wala rin akong alam. I clenched my fists because I am starting to get mad. Pakiramdam ko, wala akong silbi. “Ope

