Hindi ko alam kung bakit hanggang pag-uwi ko ay nasa isip ko pa rin ang sinabi ni Donny. It’s not like it’s my first time to get asked out. Hindi ko alam kung bakit bothered ako eh hindi naman bago ito sa akin. Donny is kind, responsible, and good-looking. Kung tutuusin, siya nga ang tipo ng lalaking sasabihin ng mga tao na huwag mong pakawalan. Kaso… Wala akong maramdaman. Siya ang nag-iisang tao na hindi nakikipagsabayan sa pagiging istrikto ni Dearil. Ngayon… hindi ko na alam. Hindi ko alam kung kailan nagbago ang nararamdaman ko tungkol sa kanya. “Are you having trouble with training?” tanong ni Rhedd nang napansin na nakatulala ako. Nakabalik na siya sa school. Ang alam ko ay may mga requirements siyang hinahabol ngayon dahil ang tagal niyang nawala. “W-what training?” kabado k

