The rumor died down… Almost. Hindi na ito laman ng school media, pero bawat pagdaan ko sa hallway ay may naririnig pa rin ako na bulungan. “Sila raw ni Seberi?” Napairap na lang ako. People seriously needed a hobby because talking about people’s lives isn’t considered as one. Pagpasok ko sa classroom, gaya ng dati, nauna na naman si Dearil. Hindi kami nagsasalita pareho. As usual, nang dumating si Cherry ay dumiretso siya kay Dearil. Dumami ang mga tao sa paligid. “Scar!” Halos mapasubsob ako sa desk nang biglang dumating si Eya. “Nakita mo ba?” Nilapag niya ang phone niya sa harapan ko. May bagong anonymous confession. I feel bad for Seberi. He’s getting bullied because people think he’s dating someone out of his league. Nabasa ko ang mga comments doon na galing din sa anonymous.

