Nagising ako na sobrang panget ng pakiramdam. Agad akong dumiretso sa banyo at sumuka ng tubig. Punyeta! Ang bigat bigat din ng katawan ko nakakainis! Napasalampak ako sa sahig at nanghihinang napasandal sa pader ng cr. Flinush ko ang isinuka, tubig lang talaga iyon at walang laman. Umulit pa ang pagsusuka ko kaya dali dali ulit akong humarap sa inidoro. Jusko! May sakit ba ako? Napaluha na ang mga mata ko kakasuka tapos tubig lang naman! Shutangina ang aga aga eh! Bahagya pa akong nahilo ng tumayo ako kaya napakapit agad ako sa pader. Juskopo! Inis na inis ako paglabas ng kwarto. Nakita ko si Magnus na nasa sala namin at kausap ang tatay ko. Nakita niya ako kaya ngumiti siya at ibinuka ng mga braso, napalingon ang tatay ko sa akin. "Hey, love. Good morning!" "Good morning

