PERLA'S POV "Hoy! Bakit ngayon ka lang ha?!" bulalas agad ni Alexa sa akin ng makalapit sa mesa ko. Nasa school ako ngayon, umaattend ng practice. Graduation is cominggg! Excited ako oo, pero hindi lang halata kasi wala ako sa mood ngayon. "Masama pakiramdam ko kahapon tapos nung Monday ay tinamad ako, bakit ba? Miss mo naman ako agad!" untag ko at napangisi. Inirapan niya ako at pabagsak na naupo sa harap kong upuan. "Feelingera ka din eh no?! Akala ko lang wala kang balak umattend ng graduation eh." nakakaloko niyang sambit. Suminghap ako. "Gaga ka! Eto ang araw na pinakahihintay natin tapos hindi ako aattend?! Ang tanga ko naman kapag ganun duhh?!" bulalas ko at uminom ng tubig. Katatapos lang ng practice namin kaya nandito kami sa canteen at kakain. Kanina pa ako dito, lumap

