ALEXA'S POV "Are you sure you don't want to come with us, anak?" naniniguradong tanong ni daddy sa akin. Natawa ako. "Dad, ilang beses niyo ng tinatanong iyan ni mommy! My goodness! I'm not nga.. I'm so tinatamad tsaka inaantok din ako." natatawa kong sambit at sumubo ulit ng fries na niluto ni manang Lena. "Inaantok daw pero kanina ka pa kain ng kain." pagsingit naman ni mommy at nagsalin ng isang basong tubig sa baso bago iyon ininom. Umirap ako at sumimangot. "Eh anong magagawa ko eh nagugutom ako mommy!" reklamo ko na ikinatawa lamang nilang dalawa. Pati si manang Lena na nakarinig sa sinabi ko ay natawa din. "Nakuu ma'am! Ganiyan talaga kapag buntis diba po nung ipinagbubuntis niyo itong si Alexa ay kain din kayo ng kain." singit ni manang at naglapag ng isang basong tubig sa

