BOUND FOR YOUR LOVE(BOOK 2): CHAPTER 33

1894 Words

ALEXA'S POV "Ang tagal niyo nama— anong nangyari diyan?" napatingin ako sa pintuan ng kusina nang marinig ang boses ni Perla. Agad kong pinunasan ang mga luha sa magkabilang pisngi. "Nakatulog eh.." tumikhim pa ako dahil sobrang tuyo na ng aking lalamunan kakaiyak. Malalim na napabuntong hininga si Perla at nameywang pa habang nakatingin sa amin. "Patulong naman, Perla." garalgal ang boses kong sambit. "Anong akala mo sa akin si super inday?" pabalang niyang sambit kaya natatawa ko siyang inirapan. Umirap din siya bago tumalikod at naglakad paalis. Ilang minuto lang ay bumalik siya kasama si sir Magnus at si Ashton. Nagulat din sila sa nakitang posisyon namin. "Tsk.. hindi na talaga nakatiis." iling iling na saad ni sir Magnus bago kami dinaluhan. Ganoon din si Ashton na tahimik

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD