Sinunod ko ang sinabi niya. May tinawagan pa siya sa labas kaya napatingin na muna ako sa aking kamay. Nanginginig iyon. Sobrang lakas din ng t***k ng puso ko at hinihingal ako. Wala na akong pakealam sa kung ano mang hitsura ko ngayon. Ramdam ko ang paghapdi at pamamaga ng labi ko. Naaawa ako sa aking sarili. Napatingin ako sa aking paa, madumi iyon. Nandoon pa din ang tsinelas kong sira na ang isa. May sugat din ang aking tuhod. Napaigtad ako dahil sa pagtunong ng pintuan ng kotse ni Magnus. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. Mahigpit ang pagkakakapit niya sa manebela at tahimik lamang ang buong kotse. Wala na din akong lakas na magsalita pa. Mabilis kaming nakarating sa tapat ng bahay at patakbo akong pumasok sa loob. Hinihika pa din si Tonton at naabutan ko sila ni Nana

