Nadatnan kong hinihika si Tonton kaya bumalik agad ang energy ko dahil sa kaba at awang nararamdaman sa aking kapatid. Nahihirapan itong huminga at paubo ubo din. Naiinitan ito kaya nakaharap na ang electric fan namin sa kaniya. Agad kong inilapag na lang sa kung saan ang bag ko at dinaluhan si nanay. "Nay, anong nangyari?" nag aalala kong tanong. Pawisan na din si nanay at halata ang kaba sa mga mata nito. "Nasobrahan ata sa laro itong kapatid mo sa skwelahan, Perla! Umuwi na itong uubo ubo eh." saad ni nanay. Mabuti na lang at hindi lasing si nanay ngayon, dahil kong lasing ito ay walang mag aasikaso kay Tonton. "Nasaan ang inhaler niya nay? Sana pinagamit mo na agad." sambit ko. "Ayun na nga Perla, naiwala niya ang inhaler niya sa skwelahan. Kulang naman itong pera ko dito pa

