"Hindi. Bakit nasa menu ba ang girlfriend mo sir? Diba wala? Ibig sabihin hindi pwede. Tsaka wala dito ang girlfriend mo." sambit ko. Wala namang makakarinig dahil nasa pinaka gilid ang mesa na inuukopa ni sir Magnus. Napalabi ito at namungay ang mga mata pero hindi ako magpapadala diyan. Ulol. Wala dito ang girlfriend niya oi! Baka nasa school pa si ma'am Veronica pwede naman niyang puntahan. "No, wala sa menu ang girlfriend ko but she's infront of me right now." naglalambing ang boses na saad nito. Nanatiling seryoso ang aking mukha. "Okay lang ba mata niyo sir? Baka kailangan niyo ng magpacheck sa mata niyo malabo na ata eh. Hindi ako ang girlfriend niyo." inis kong saad sa kaniya. "Perla namn." untag niya pero hindi ako nagpatinag sa pagsusungit. "Hindi pa ba kayo mag oord

