PERLA'S POV Bagot na bagot na ako dito sa opisina ni sir. Malapit ng mag ala una pero wala pa din ito hays! Nagugutom na rin ako kasi konti lang ang kinain ko kanina sa canteen kasama si Alexa. Madami na din akong text kay sir Magnus pero wala iyong sagot. Ayaw ko namang tawagan ang cellphone niya dahil baka nasa kalagitnaan siya ng meeting edi naka istorbo pa ako? "Hayyyy!" I yawned. s**t I'm sleepy! Pero nagugutom din ano ba naman yan! Nang mag ala una y medya na tapos wala pa si sir Magnus ay nagtext na lang ako sa kaniya st nakasimangot na lumabas ng opisina pero nagulat ako dahil sa nakasalubong ko. Naestatwa ako sa harap ng pintuan ng opisina ni sir habang nakatingin ang magandang babae sa akin at naniningkit ang mga mata nito, kapagkuwan ay tumaas ang isang kilay. Kinabahan

