Chapter 4

1340 Words
"Sorry ngayon lang." mahina kong bulong sa kasamahan sa café na si Juliet. Naka white t-shirt naman na ako kaya mabilis kong kinuha ang apron. "Late ka na naman Pearl!" napa igtad ako dahil sa pasigaw na sambit ni Mrs. Aranas. Siya ang may ari ng café na ito kung saan ako nagtatrabaho. Ngumuso ako at dahan dahang lumingon sa kaniya. Nakapameywang ito at madiing nakatingin sa akin. "Sorry na madam V, masyadong hectic ang schedule ko ngayon." nakanguso kong sambit at yumuko. Para kunwari nakakaawa tingnan. Strikta talaga itong si Madam Victoria pero maaawain ito. Matanda na din kaya nadadala lang sa pambobola. Nasa late 50s na ito. Sopistikada tingnan at madaming alahas sa katawan. "Hala siya sige! Mag ayos na kayo at para makapag simula na. Malapit ng mag uwian, dadami na naman ang customers. " mahaba nitong saad. Napangisi naman ako at mabilis na isinuot ng tuluyan ang apron. Pag tingin ko kay Juliet ay napa iling iling na lamang ito at nauna ng pumunga sa café. Sa likod kasi ng café na ito ay ang space ng mga empleyado. Malawak, at my mga dibisyon din. Iba ang kusina, ang parang storage room nila at ang medyo maliit na kwarto kung saan nila nilalagay ang kanilang mga gamit. Dito rin sila nagbibihis ng uniform sa café. Nilabhan ko pa kasi ang uniform ko kaya white t-shirt nalang muna. Buti nga hindi ako pinagalitan ng masungit na may ari eh. Inihanda ko muna ang malapad na ngiti bago sumunod sa kasama pabalik sa café. Malaki talaga ito at maraming customers dahil hindi lang kalayuan sa University ng pinapasukan ko. Aesthetic din kasi ang aura nito at halatang pang mayaman. Sa presyo pa nga lang din ng kape ay halata ng hindi ko afford eh. Isa akong waitress dito simula second sem ng first year. Nakapasok lang din ako dahil kay Juliet na naging kaibigan ko sa school. Isa rin ito sa mga scholar ng Hoyer University kaya nagsisikap ring maka survive kagaya ko. Mahiyain si Juliet at palaging tahimik lang, madalas din itong umiwas sa gulo. Napatingin ako sa entrance ng tumunog ang nakasabit na parang bell, senyales na may pumasok. Napalunok ako dahil si sir Magnus iyon. Seryoso ang mukha, nakakunot ang nuo at parang galit. Napahigpit ang hawak ko sa tray. Inilibot niya ang tingin sa buong café at ng magtagpo ang mga mata namin ay nagkatitigan kami. Tanginang titig yan! Nakakalunod. Naramdaman ko ang pagkabasa ng panty ko. s**t talaga oh! Kung makatitig naman kasi sir eh! Ilang beses muna akong lumunok bago kinuha ang menu at lumapit kay sir Magnus. Tatlo kaming waitresses dito at apat na waiters pero busy ang lahat dahil madami na rin ang nagsisidatingan. Nakatitig lang si sir sa akin habang naglalakad ako, nakakailang tuloy. "Good afternoon sir! Here's your menu?" magalang at nakangiti kong saad sa kaniya. Hindi naman nagbago ang ekspresiyon ni sir. Hmp! Sungit talaga! "One cup of expresso please" agad na nagwala ang aking puso ng marinig ang baritono nitong boses. Kinuha nito ang menu sa kaniyang kamay. Napigilan ko pa ang hininga ng maglapat ang mga balat namin ng kaonti. s**t! "Copy. Is that all sir?" sambit ko habang isinusulat ang order nito sa maliit na notes. "Pearl!" Napa angat ang ulo ko at agad na hinanap ang kung sino mang tumawag sa pangalan ko. Agad sumilay ang ngiti sa labi ko ng makitang si Alexis iyon. Ang kababata ko. Umupo ito sa mesang medyo malapit lang sa kinatatayuan ko. Hindi na mawala ang ngisi sa mga labi at hinarap ko si sir Magnus na ang sungit pa rin ng awra. Mas kumunot ang nuo nito kesa kanina. "Wala na po kayong order sir?" tanong ko at inulit pa ng isang beses ang inorder niya. "Yes, that's all. I'll just call you when I'll need anything." seryoso nitong saad kaya napatango ako at naglakad na paalis sa mesa ni sir Magnus. Lumapit ako sa table ng kaibigan na nakangisi. Gwapo si Alexis masarap nga lang ibalibag at yakapin sa leeg dahil mapang asar ng sobra. Siya ang tipong pang campus crush ganun, friendly ito, mabait at habulin ng babae. Jusko! Kung maririnig ako ng mokong na to mag aasume agad na may gusto ako sa kaniya, yuck! May kaya din ang pamilya nito. Engineer ang tatay at teacher naman ang nanay niya. Naging teacher nga namin iyon noong elementary kami eh. Doon din nagsimula ang pagkakaibigan namin. Teacher's pet ako, yan ang sabi nila sa akin at wala lang naman iyon sa akin, like duh? Ano naman? At least matataas grades ko. Pasaway kasi itong si Alexis kaya palaging stress ang mama niya, palagi nitong sinasabi noon na gayahin ako kasi sobrang bait ko nung bata pa ako, hindi ko alam anong nangyari eh bakit hindi na ngayon, maganda na lang ako tsaka matalino. "Buti napadaan ka dito." nakangisi ko ring sambit at binigay sa kaniya ang menu. Tinanggap nito iyon at sinuri. "Siyempre naman! Namiss kita eh!" pambobola nito sa akin. Hah! Alam ko na yang technique na yan eh! Akala mo ha, di mo nako maloloko boi! "Tigil mo yan dahil wala akong pera." inirapan ko ito. Napanguso ito dahil nabuking. Magpapalibre yan kapag naging sweet kunwari! May pera naman sana yan kaso mahilig magpalibre sa akin! "Grabe ka sa akin Perla babes! Na miss nga kitaaa! Hindi mo ba ako miss?!" may kalakasan ang boses nitong sambit. Nahampas ko siya sa braso dahil kung ano ano ang pinagsasabi parang tanga! "Inangyan, tumigil ka nga may makarinig sayo isipin pang magjowa tayo, yuckkk ha!" mahina kong bulong. Mabilis kong ipinalibot ang tingin sa buong café makakahinga na sana ako ng maluwag dahil walang nakapansin sa sinabi ni Alexis ngunit nakasalubong ko ang madilim na titig ni sir Magnus. Bumilis ang t***k ng puso ko at napalunok. Galit yarn sir? Grabe namang titig yan, parang mambabalibag sa kama! Iniwas ko ang tingin kay sir at kinuha ang order ni Alexis. Habang pabalik sa counter para ibigay ang order ay ramdam ko pa rin ang mabibigat na titig sa aking likod at alam ko kung kaninong titig iyon. Dumating din naman ang inorder ni sir Magnus na expresso. "Hoy Juliet!" mahina kong tawag sa kasamahan. Lumingon naman ito ng may pagtataka sa mukha. "Bakit?" tanong nito sa akin. "Pasuyo naman oh." nakanguso kong saad, nagpapaawa. "Nandiyan kasi yung kaibigan ko, ayun oh sa table 13, kaibigan ko yan mukha lang hindi kasi maganda ako pero kaibigan ko yan. Pasuyoo, ikaw na muna magbigay nito sa table 10 hihih." sabi ko sa kasamahan na nanatiling nakatingin kay Alexis. Namumula ang pisngi nito kaya alam ko na ang dahilan. "Ahh sige ba, si sir Magnus pala ang nasa table 10. Sige ako na dito, ihahatid lang naman." nakangiti nitong saad at pilit na tinatago ang pamumula ng pisngi. Napangiti ako ng malapad. Yes! Safe, hays! "Umuwi na ba si madam V?" tanong ko sa kasamahan na nasa counter naka toka. "Oo, kakaalis lang." tumango pa ito at nagkatitigan sila. Yun oh! Pwede ng umupo! Kapag kasi nandito si madam V sa café, mapagpanggap kaming lahat dahil strikta ang matanda. Hindi kami umuupo dahil hindi daw kami binabayaran para umupo. Kaya kapag umaalis na si madam ay malaking ginhawa na iyon! Hinintay ko ang order ni Alexis at ako na ang nagdala niyon sa kaniya. Nakaluwag luwag ang mokong! May pa amerikanong kape at slice ng cake pa! "Oh, sana mabilaukan ka." sambit ko at nilagay ang order niya sa mesa. Ngumisi ito at sasagot na sana pero pinutol ko sa pamamagitan ng paglalagay ng cake sa bibig nito. Ipinalsak ko iyon. Hindi na nakapagsalita dahil may tinidor na sa bibig. Pang aasar lang ang lalabas sa bibig nito eh! Ngumisi ako dahil nagulat ito. HAHAHA! "Wag ng magsalita boi, kumain ka na lang puta na yan! " sambit ko at binitawan ang tinidor. Hindi ko mapigilang matawa dahil sa hitsura nito. Pero nawala ang tawa ko ng makarinig ng pagkabasag ng baso sa kabilang table. Anak ng!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD