Chapter 5

1340 Words
Napa singhap ang ibang customer. Mabilis akong lumingon at tatayo na sana ay napansing sa table iyon ni sir Magnus. "sorry po sir!" natatarantang sambit ng lalaking kasamahan niya. Anong nangyari? Tumingin muna ako kay Alexis at tumango naman siya, senyales na naiintindihan ang ibig kong sabihin. Lumapit din ang iba kong kasamahan upang i assist si sir Magnus. "It's fine. It's my fault I'm sorry." baritonong sambit nito, pero bakit parang galit ito? Umiigting ang panga ni sir habang nakatingin sa basag na baso sa sahig. Natataranta din si Juliet habang nakahawak sa dust pan at walis. Nang makalapit ay mabilis kong tinulungan ang kasamahan. Nagsibalikan din naman sa kanilang ginagawa ang ibang customer. Hinawakan ko ang dust pan at kukunin na sana ang malalaking bubog na pwedeng pulutin ngunit may mga kamay na mahigpit na humawak sa pala pulsuhan ko. Naiwan sa ere ang kamay ko at tiningnan ang kung sino at napansing si sir Magnus iyon. Mabilis na nag react ang sistema ko dahil sa paglapat ng aming mga balat. Abot abot ang pintig ng puso ko habang nakatingala kay sir Magnus na mas dumilim ang pagkatitig. Napalunok ako dahil doon. "Masusugatan ka." sambit niya habang mas lalong umigting ang panga. Panandalian akong nawala sa sarili, halos hindi alintana ang paligid. "Okay lang Perla, ako na dito. Sorry po talaga sir." mahinang saad ng kasamahan ko. Mabuti nalang talaga wala at umuwi na si madam V kung hindi ma aaward talaga itong kasama ko, matic na at bawas sa sahod agad. Napatingin ako sa kaniya at mahinang tumango. Ramdam ko pa rin ang mabigat na titig ni sir Magnus, nagbibigay iyon ng kakaibang pakiramdam sa aking buong sistema. Shit! Ang magaspang at mainit niyang palad na nakalapat sa aking palapulsuhan ay masarap sa pakiramdam. "Ah sir." untag ko ng hindi pa binibitawan ni sir Magnus ang aking palapulsuhan. Napansin ko ang kaniyang bahagyang paglunok bago tuluyang binitawan ang aking palapulsuhan. Nakaramdam ako ng parang may kulang ng mawala ang kaniyang init sa aking kamay. "Salamat sir." pagpapasalamat ko at tumayo na. Nasa likod ko na din pala si Alexis kaya bahagya ko siyang nginitian. Agad namang nalinisan ang kalat sa tabi ng mesa ni sir Magnus at nagpatuloy ang lahat na parang walang nangyari. Sabay kaming bumalik ni Alexis sa mesa niya. Hindi mawala sa aking isip ang pakiramdam ng kaniyang mainit at magaspang na palad sa aking palapulsuhan. Hinimas himas ko pa iyon, mabilis din ang pagtibok ng puso ko. "Professor niyo iyon?" tanong ni Alexis sa akin ng makaupo na kami sa table. Tumango ako at ininuman ang kaniyang kape na hindi na masyadong mainit. "Oo, iyon ang terror kong adviser. Buti nga hindi nagalit eh." sambit ko at kumuha ng cake at mabilis na isinubo. Hindi naman ako laway conscious pagdating kay Alexis. Sus! Natutulog nga kami ng magkatabi sa kama dati eh puro walang malisya! Parang kapatid ko na kasi to, bagama't mas matanda ito ng isang taon sa akin ay parang ako ang ate dahil pabebe ang isang to! Kumunot ang nuo ni Alexis sa sinabi ko. "Bakit naman siya magagalit eh kasalanan niya naman?" walang prenong sambit ng mokong! "Gagu. Marinig ka diyan tanginamo!" madiin kong sambit. Sa ibang school nag aaral si Alexis, ang college na malapit lang sa bahay namin. Public university iyon, dapat doon ako mag aaral eh. Buti nalang nabigyan ako ng opportunity para makapasok sa magarbong paaralan, ang Hoyer University. Bilang valedictorian dati, ako ang kaisa isang nabigyan ng scholarship sa school namin kaya hindi ko na pinalagpas. Dalawang sakayan pa mula sa bahay namin bago ka makarating sa Hoyer University magastos sa pamasahe pero ayos lang iyon, makakalimutin naman ang mga jeep driver kaya hindi ako nagbabayad palagi. Diskarte ba HAHAH! "Totoo naman eh, siya na nga nagsabi mismo na kasalanan niya eh sus!" dagdag pa ng hayop! Tiningnan ko siya ng masama at pasimpleng nilingon si sir Magnus. Nakita ko namang busy ito sa kaniyang mac book, nagtatrabaho ata kaya nakahinga ako ng maluwag. Ngumisi lang si Alexis at inubos na ang cake sa plato, mabilis ko namang ininom ang kape niya. Akala mo ha! Nginisihan ko ito kaya napasimangot. Bayad na niya iyon kaya malakas ang loob ko. Dumidilim na sa labas kaya nagpaalam na si Alexis sa akin. Konti nalang din ang nasa loob ng café, kadalasan ay mga studyanteng nagbabatak sa pag aaral. May free internet din kasi dito sa café kaya masarap tambayan, naka aircon pa. "Dumaan ka din daw paminsan minsan sa bahay Perla." nakanguso nitong sambit. "Ay miss na ako ni tita?" nagningning ang mga mata ko. Noong first year pa ako ay madalas akong bumisita sa bahay nila sa kabilang barangay lang pero noong nag second year na at medyo hectic ang schedule ay hindi na ako nakakabisita. "Palagi ka ngang bukambibig eh! Nakakalimutan na atang ako ang anak niya!" maktol ni Alexis kaya natawa ako. Tatlo kasing magkakapatid sina Alexis at puro lalaki kaya paborito ako ng nanay niya. "Sige, next time dadaan ako sa bahay niyo kung hindi sobrang busy. Pakisabi kay tita miss ko na din siya." mabubuti ang pamilya ni Alexis. Close din kami ng kapatid niyang kapangalan ko HAHAH Pagkatapos ay tuluyan na itong umalis ng café. Madilim na sa labas dahil malapit ng mag ala siyete y medya ng gabi. Unti unti na ring nagsisialisan ang ibang studyante dahil kapag alas otso ay nagsasarado na ang café. "Perla, sige na kaya mo na iyan tutal adviser mo naman si sir Magnus eh!" napatadyak pang bulong ni Megan sa akin. Isa siya sa kasamahan kong waitress din. Siya din ang parang kanang kamay ni madam V dito dahil siya ang pinakamatagal ng nagtatrabaho sa café. "Oo nga Perla para makauwi na tayo. Madami pa akong assignments." pabuntong hiningang dagdag ni Juliet at humawak pa sa braso ko. Nandito kami sa loob ng kitchen at nag uusap kung sino ang aapproach kay sir Magnus dahil magsasarado na ang café. Lagpas alas otso na nga eh! "Fine! Inanyo naman oh!" sambit ko at napatadyak na rin. Inayos ko muna ang sarili at huminga ng malalim bago lumabas at pinuntahan ang table ni sir Magnus. "Uhm Good evening sir, hindi pa po ba kayo uuwi? ay ano uhm I mean hindi pa kayo tapos sa ginagawa niyo?" kabado kong saad ng makalapit kay sir Magnus. Tumingala ito sa akin at may kakaibang emosyon sa mga mata nito. Namumungay ang mga iyon, parang pagod o inaantok. "Are you done with your shift?" baritono nitong tanong sa kaniya. Bahagya pa nitong binasa ang mga labi gamit ang dila habang naghihintay sa sagot niya. Napalunok siya at agad na iniwas ang tingin sa mga labi ni sir Magnus. s**t Pearl Andrea! Umayos ka tanginamo! Bawal kang lumandi hoy! Pagkastigo ko sa aking sarili. Pag aaral muna dapat Pearl, hindi landi gaga ka! "Ahm opo sir, magsasarado na rin kasi ang café." mahina kong saad. Tumango naman si sir Magnus at ini off ang kaniyang mac book. Isinilid niya iyon sa lalagyanan bago tumayo. Bahagya akong umatras ng hinarap ako ni sir. "It's already late, ihahatid na kita sa bahay niyo." nagulat ako dahil sa sinabi ni sir. Bahagyang nablangko ang utak ko. "Ha?" tanging nasambit ko habang nakatingin sa kaniya. "May gagawin ka pa ba pagkatapos ng shift mo dito?" seryoso nitong saad habang mariin ang titig sa kaniya. shit! Halos sumakit na ang puso ko dahil sa bilis ng pintig nito. "Ah wala na po. Pero hindi na kailangan sir mag cocommute po ako. Salamat po." magalang kong pagtanggi. Tangina nakakahiya! Ang pangit pa ng bahay namin tapos ihahatid niya ako?! "Ihahatid kita Pearl Andrea. Mas convenient at makakatipid kapa ng pamasahe." saad ni sir habang seryoso pa ring nakatingin sa akin. Napaisip ako, tama nga naman. Imbes na ang ipapasahe ko ngayon ay ibibili ko nalang ng ulam namin ni tonton at nanay. Mahina akong tumango at ngumiti. "Good girl, I'll wait you outside." saad ni sir at tumaas pa ng bahagya ang gilid ng labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD