PERLA'S POV First day na wala si Magnus. It feels off, namimiss ko na agad siya. Hindi pa nga ata lumalapag ang eroplano na sinasakyan niy ay naiiyak na ako sa pangungulila. Bwesit na yan! Sabado ngayon pero may pasok pa rin kami. Hays! Ganito talaga ang buhay ng isang college student. Napakahirap! Pero hindi naman hectic ang schedule namin sa sabado eh. Exam week na simula monday kaya todo rin ang pagrereview namin. Sobrang dami na ding tumatambay sa library ngayon samantalang kapag hindi exam week ay kadalasan lang na nandoon ay iyung mga nerds. "Hoy! Gaga natulala ka na naman diyan!" napamulagat ako at nabalik sa huwisyo ng magsalita si Alexa na nasa harapan ko. s**t! Nagrereview pala kami. "To naman! Nagmumuni muni lang eh! Ang OA mo ha panira ka ng moment!" defensive kong

