Mabilis kong pinutol ang tawag namin kahit labag sa loob. Anong oras na din kasi sa states tapos gising pa ang gwapong nilalang na iyon kawawa naman, pagod din sa biyahe eh. Pinagtuonan ko na lang ang aking tatlong reviewer na nakalatag sa aking harapan. Mag aalas onse na ng dumating ang magaling kong nanay. Jusko naman talaga! Napakamot na lamang ako sa ulo ng marahas kaya nagulo iyon. Halos hindi na ito makalakad dahil sa kalasingan at akay akay na ni Aling Inday at Aling Maring. "Ay! Mabuti naman at gishing ka pa Perla! Nanay mo oh hehehe, wala eh tumba na kaya hinatid na namin!" masiglang sambit ni Aling Inday sa akin. Halata na ding lasing na ito dahil sa paraan ng pananalita. Humagikgik naman si Aling Maring. "Hoy! H-Hindi a-ako lashing!" napatingin kaming tatlo kay nanay n

