Pagdating ko sa palengke ay may nagkakagulo agad. Grabi namang mga taong ito oh! Kahit saan talaga. Nasa harapan pa ng pwesto ni Mang Julio, kung saan ako magtatrabaho ang mga ito. "Hindi! Alam ko ikaw ang kabet ng asawa ko! Sinabi sa akin mismo ng pinsan mo! Hayop kang higad ka!" sigaw ng isang ginang na nakakulay dilaw na damit. Nakakahakot na sila ng mga tao dahil sa ang lakas ng boses. "Tumigil ka nga Berta! Hinding hindi ako kakabit sa asawa mo! Sinong pinsan ang sinasabi mo?!" sagot naman ng ginang na naka saya at kulang puti ang damit. Hays! Ang buhay talaga! Namomroblema ako kung paano magsisimula sa aking trabaho eh hindi ako makadaan dahil nasa harapan sila ng pwesto ni mang Julio. Nakita ko si mang Julio sa pwesto nito kaya kumaway ako at sinenyas na hindi ako makadaan.

