"Sino ba iyang tanginang maingay na ya— Perla anak!" rinig kong bulalas ni nanay ng makita akong nakatungko sa harap ng aming pintuan. Nagising ata siya sa ingay ng pag iyak ko. Pinilit ko ang sariling tumayo, kahit kumirot ang aking hita. Nakapajama ako kaya hindi iyon kita ni nanay, mabuti na lang at binilhan ako ng panibagong ni Andrius kanina. "N-Nay!" pag iyak ko at yumakap sa kaniya. Gulat na gulat si nanay dahil sa ginawa ko pero ibinuka pa din ang kaniyang mga braso upang salubungin ang yakap ko. "Anong nangyari sayo?!" taka niyang tanong ngunit umiyak lamang ako sa kaniyang balikat. Hindi ko kayang madamay sila sa gulong pinasok ko. Sila na lang ang meron ako, sila ang dahilan kung bakit may pangarap ako. Kung wala sila, ayoko ng mabuhay. Hinayaan lang ako ni nanay na um

