"Please tell me you're joking, love." nagsusumamo niyang sambit at humakbang papalapit sa akin. Agad akong umatras. Hindi niya ako pwedeng hawakan, dahil alam ko sa sarili kong rurupok ako kapag nangyari iyon. Hindi ito ang panahon para maging marupok Perla! Umayos ka, putangina mo! Nakasalalay dito ang pamilya mo. Isipin mo ang gagawin ni Veronica sa nanay at kapatid mo kung uunahin mo yang kalandian mo! Pagkastigo ko sa aking sarili. "Mukha ba akong nagbibiro?" matigas kong sambit habang nakatitig sa mga mata niya. Tiniis ko ang nababasang sakit doon, kahit parang pinapatay ang puso ko. Tiniis ko iyon! Para to sa pamilya ko. Mahal kita, Magnus. Pero hindi ko kayang balewalain ang pamilya ko dahil sila ang buhay ko. I'm sorry. I'm sorry kung kailangan kitang bitawan para protek

