PERLA'S POV "WOWW! SA ATIN PO ANG BAHAY NA TO, ATE?!" nanlalaki ang mga mata ni Tonton habang nasa harapan kami nh bagomg bahay namin. Nagniningning ang mga mata nito habang yakap yakap ang laruang batman. "Nagustuhan mo ba, Tonton?" tumungko si Magnus sa harap ng kapatid ko upang magpantay sila. "Opo! Opo! Ang ganda ng bahay!" masayang sagot ng ni Tonton. "Wag kang galasgaw, Tonton. Kailangan mo pang mag ingat sa galaw mo naku!" sambit ko sa kaniya. Ginulo ni Magnus ang buhok ng kapatid ko at binuhat siya. Tumingin si Magnus sa akin at tumango ako ng makuha ang gusto niyang iparating. Naglakad naman agad sila papasok sa gate ng bahay. Tatlo ang kwarto ng bahay kaya tig iisa talaga kami. Naramdaman ko ang paghawak ni nanay sa kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya. "Ang ganda

