"Umalis na ho kayo, at wag na kayong babalik dahil wala kayong anak dito." madiin kong saad at isasarado na sana ang pintuan ngunit hinarangan niya iyon. "Anak... please let m-me explain! I-I didn't know! P-Pearl.." garalgal ang baritono niyang boses habang sinasabi niya iyon. Mapakla akong natawa. "Oh, ngayong alam mo na? Hayaan mo na dahil ayaw namin ng gulo!" hindi ko napigilang mapataas ang boses. Pinaka ayaw kong marinig sa lahat ay ang sabihang kabet ang nanay ko. Putangina makikipagsabunutan ako ng todo kapag narinig ko iyon. Kaya nga nagpakalayo layo dahil iniiwasan ni nanay na makasira ng pamilya eh! "Ano ba yan, Perla! Papasukin mo na si Magnus para makasab—" napalunok ako ng nasa likuran ko na si nanay na halatang natigilan din. "P-Precy!" bulalas ng tatay ko ng makit

