Ng mag alas kwatro ay nagsiahon na din kami. Pagod din at gutom dahil sa mga kalokohang pinaggagawa sa dagat. Pagdating namin sa cottage ay agad na nagsilamon ang mga kasamahan ko. Opo, lamon ang ginagawa nila hindi kain! Natawa na lang ako at lumamon na din dahil nagugutom ako. Napalingon kaming lahat sa cellphone na tumunog. Tumingin ako kay Magnus ng makitang cellphone niya iyon. "Excuse me." baritono niyang sambit at inilapang ang platong kinakainan sa tabi ng plato ko bago kinuha ang cellphone at bahagyang lumayo sa amin. "Nakuu! Baka ang girlfriend na iyon ni sir at pinapauwi na siya hihihi" kinikilig na bulong ni Vanessa. Halos mabilaukan naman ako dahil doon. Hindi oi! Nasa harapan niyo ang girlfriend niya! Sigaw ng utak ko. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain. Hindi nam

