"Kuya ano ba! Putangina naman! Ihinto mo!" malakas kong sigaw at humigpit ang kapit sa aking bag. "Kung pera po ang habol niyo, pwes wala ako niyan!" pilit kong pinapatatag ang boses. Naisip kong tumalon na lang pero sobrang bilis ng pagmamaneho niya, siguradong sa ospital ako aabutin nito. Naiiyak akong napahinga ng malalim. Nanginginig ang kamay ko at sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib. Daddy...... Sambit ng utak ko at tuluyang tumulo ang aking mga luha. Sana nagpahatid na lang ako sa bahay namin diretso. Bakit ba ang malas malas ko kapag ganito! Sobrang lapitin ko sa ganito putangina! Mabilis kong pinahid ang mga luha at hinanda ang sarili ng mapansing bumabagal ang takbo ng tricycle. Tangina. Lalaban ako no! Isa lang siya kaya kayang kaya ko ito. Kung may plano man

