Nang makita ni Daniela ang madilim na itsura ni Justin ay bigla siyang kinabahan dahil para na mananapak dahil nakayukom pa ang mga kamao nito. Pero nang maalala niya ang pakikipag-landian nito kay Celine, napalitan ng galit ang takot niyang nararamdaman. Kaya tinapunan niya lang ito ng malamig pa sa yelo na tingin saka muling tumutok sa dagat. Para bang nawalan na siya nang gana dito bigla pagkatapos niyang marinig ang pakikipag-usap nito kay Celine. "Anong ginagawa mo dito?" malamig niyang tanong. "So, ano? Masaya ka bang pinapahirapan ako sa paghahanap sa 'yo?!" sa halip ay nang-uuyam nitong balik tanong. Halatang nagseselos at galit ito sa tono pa lang ng boses nito. Hindi niya ito nilingon at sa dagat pa rin ang tingin niya. "Kung saan-saan kita hinanap at ilang beses kitang tin

