Nagulat si Daniela nang higitin siya ni Justin at yakapin nang mahigpit mula sa kanyang likuran. "Ano ba? Bitawan mo nga ako!" reklamo niya at pumiksi. "Baby, naman…" nakangusong angal nito. "Kanina ka pa yakap nang yakap!" singhal niya. Asar na asar na siya dito dahil nalalamog na ang katawan niya sa higpit ng yakap nito. Na akala mo ay mawawala siya, anumang sandali. Pilit niyang binaklas ang mga braso nitong nakapulupot sa kanya sabay tulak sa dibdib nito. Pero as usual, walang saysay ang lakas niya kumpara sa lakas nito. Hindi pa ito nakuntento, mabilis siyang inikot nito at ngayon magkaharap na sila. Face to face. Kitang-kita niya ang gwapong mukha nito na salubong ang mga kilay at kunot na kunot ang noong nakatingin sa kanya. Sinimangutan niya ito nang bonggang-bongga habang nak

