Chapter 6

2808 Words
WARNING!!! SPG AHEAD. Please, read at your own risk. Nang masiguro ni Justin na wala na nga si Daniela sa hotel suite niya, ay halos hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa dahil sa kanyang natuklasan. Pero kasabay nito ang galit para sa kanyang sarili dahil sa ginawa niyang pamimilit niya sa dalaga. "Ano ba ang ginawa ko sa kanya? f**k! She was f*cking a virgin, s**t. Pero paano nangyari 'yon?!" kausap niya sa kanyang sarili na naguguluhan bigla. "Arghhh!! Siraulo ka talaga, Justin! Dapat huminto ka na at hindi na nagpadala sa paanyaya niya! Paano na ngayon? Ano na ang gagawin mo?! Hindi mo kasi mapigilan ang libido mo!" katigo niya sa sarili at makailang beses na bumuga ng hangin. Gulong-gulo ang isip niya dahil hindi niya alam kung ano ang paniniwalaan niya tungkol sa kapatid niya at kay Daniela. Kaya naman sa sobrang galit niya dahil hindi niya matanggap, ay ang kawawang unan ang pinag-diskitahan niya para ilabas ang lahat ng galit niya sa nangyari kahit ang totoo ay gusto niya sana itong sundan at pigilan sa pag-alis. Pero ano ang dahilan niya? Ano ang sasabihin niya? Ang tanungin ito kung bakit birhen pa ito, gayung ang sabi ni Waki sa kaniya ay kailangan nitong mag-propose dahil baka buntis na ang girlfriend nitong si Daniela. Pero bakit birhen pa rin si Daniela? At siya, ang maswerteng g*go na nakauna rito. Damn. Pero ang saya niya. Napakasaya niya dahil may dahilan na siya para lalong makalapit dito. Pero paano si Waki? Paano na ang kapatid niya? Ano nga ba ang totoo? Bakit nasabi iyon ng kapatid niya? Bakit kailangan nitong magsinungaling sa kanya? May hindi kaya sinasabi si Waki sa kaniya? "What the hell is your reason, brother? Why are you telling me lies? Was it money? Sana lang...hindi.." aniya at huminga ng malalim sabay kumuyom ang kamao. Kung kanina ay pasuray-suray na siyang pumasok sa kwarto. Ngayon naman ay nawala na bigla ang kalasingan niya nang sampalin siya ng tatlong beses ni Daniela. Hindi niya akalain na malakas pala itong manampal. Kaya naman hindi na siya nakapagtimpi pa dahil ito lang ang babae na nakagawa niyon sa kaniya sa tanang buhay niya. Lalo pang nawala ang kalasingan niya nang may mangyari sa kanila at matuklasan niyang birhen pa pala ito. Kaya nga natauhan siya bigla at aalis na sana sa ibabaw nito. Pero nagulat siya kay Daniela dahil pingilan pa siya nito at gustong nitong ituloy niya ang pag-angkin dito. So, bakit siya tatanggi? E, nagwawala na nga ang alaga niya dahil pinutol niya bigla ang kasiyahan nito. At kung alam lang sana nito kung gaano siya kasaya nang sabihin nitong ituloy na nila iyon. Dahil dati pa niya hiniling na sana... siya na lang ang boyfriend nito at hindi ang kapatid niyang si Waki. Naalala pa niya nang ibinalita iyon sa kanya ni Waki. Dahil iyon, ang unang nasaktan siya nang malaman niyang si Daniela ang matagal niyang hinanap ay girlfriend na pala ng kapatid niyang si Waki. ( 8 MONTHS AGO FLASHBACK…) KASALUKUYAN niyang tinitingnan ang picture ng babaeng nakita niyang OA sa pag-inom ng kape. Apat na buwan na pala ang lumipas, simula nang makita niya ito sa coffee shop na nasa malapit lang sa hotel na tinutuluyan niya. Makailang beses na rin siyang dumaan sa coffee shop pero hindi na niya talaga ito makita. Labis ang panghihinayang niya dahil hindi man lang niya ito nakilala. Aaminin niya sa kanyang sarili ay nagulo ang isip niya sa babaeng iyon. At ang matindi pa, kung bakit gano'n na lang mag-react ang katawan niya pero sa ibang babae naman ay hindi ganoon. Hindi siya nag-iinit. Hindi nagwawala ang libido niya. Pero ang babaeng iyon, nagliliyab agad ang katawan niya na tinitingnan lang naman niya ito. Tanging ang babaeng 'yon, ang siyang nakagawa sa kanya ng ganoon kahit hindi naman siya nito tinitingnan. Ni tapunan o irap ay hindi nga, e. Pero gano'n kabilis mag-react ang katawan niya. Kaya hindi niya pa rin magawang burahin ang stolen shot na kinuha niya sa babae dahil corny mang isipin, nagbabakasakali pa rin siyang makita ito... isang araw. At kung darating man ang araw na iyon ay hindi niya palalampasin na makilala ito. Nakakabaliw man isipin ay nagkagusto na siya sa babae kahit na dalawang beses pa lang niya itong nakita at sa phone na lang niya ito tinitignan. For the first time ay na love at first sight siya sa babae na hindi niya alam ang pangalan. Naninibago rin siya sa kanyang sarili dahil madalas na siyang tumatanggi na makikipagkita kay Nathalie. Si Nathalie ay kaibigan niya na higit pa sa kaibigan ang ginagawa nila dahil may fiancee na ito pero mukhang nagkakalabuan na dahil babaero din ang fiancee nito. Kaya naman gumaganti rin si Nathalie sa pamamagitan niya. Pero ni minsan ay hindi siya nahulog dito dahil gano'n din naman ito sa kaniya. Pure s*x lang din naman habol nito sa kaniya kapag naho-horny ito bigla at isa pa sinabi nito na hindi siya type nito. Kaya sumakay na lang siya sa gusto nito. Tatanggi pa ba siya, gayung palay na nga ang lumalapit? Kaya lang kailangan niya lang mag-ingat dahil baka mabuko sila at wala sa bokabularyo niyang mag-asawa agad. Lalo pa at kay Nathalie na wala man lang siyang naramdaman para dito. F*ck buddy lang talaga sila. No more, no less. Natigil ang ginawa niyang pagtingin sa picture ni Daniela nang bigla na lang nag-ring ang cellphone na hawak niya. Kumunot ang kanyang noo nang makita niya kung sino ang tumatawag sa kaniya. "Istorbo..." bulong niya pa bago sumagot. "What?" suplado niyang sagot kay Waki na siyang tumatawag sa kanya. Narinig niyang tumawa ito sa kabilang linya. "What are you doing?" tanong nito sa kaniya. Nag-isip siya saglit at bigla na lang kumislap ang kanyang mga mata sa naisip na biro. "Lying in my bed, while watching a hot scene..." nakangisi niyang saad dito. "Really?!" pasigaw nitong bulalas sa kabilang linya. Kaya naman mabilis niyang nilayo ang cellphone sa kanyang tainga dahil nabibingi na siya sa sobrang lakas ng boses nito. "f**k!" mura niya at napangiwi. "Why are you shouting? s**t!" sigaw niya dito. "As if naman totoo!" dagdag pa nito. "I know you! Mas gusto mo 'yong totoo at ikaw ang gumagawa! Because you are like, Dad. Pareho kayong babaero!" hiyaw nito na sinundan pa ng malakas na tawa. "Mabuti na lang hindi ako kagaya niyo, mabait ako no? Kaya nga agad akong sinagot ni Daniela," sabi uli nito na bigla na lang siyang na-curious pagkabanggit sa pangalan na Daniela parang maganda ito dahil pangalan pa lang interesting na. "Daniela? S-Siya ba ang first girlfriend mo?" tanong niya dito. "Yeah. My first and last girlfriend," sagot nito. "Nice name, huh? I'm sure maganda siya.." dugtong niya. "Of course! She is. She really is. Dahil hindi lang maganda, sobrang ganda at napaka-sexy pa.." Proud nitong tugon na halatang masaya. "Well, maniniwala na ako na maganda nga siya dahil pinagyayabang mo pa." Natatawa niyang saad. "May sinend akong picture niya sa messenger mo hindi mo pa ba nakikita?" maya-maya ay sabi nito. "Not yet. Hindi pa ako nagbubukas ng messenger ko. I told you, I'm busy!" sagot niya dito. "Busy your ass! Tingnan mo na and let me know kung bagay ba kami," sabi nito. "Okay.." tipid niyang tugon. "Dahil para sa akin bagay na bagay talaga kami, Daniela. And I do love her! And I think siya na ang pakakasalan ko soon.." huling sabi nito bago pinatay ang tawag sa kaniya. Bigla ay na-curious siya sa babaeng 'yon. Dahil napaka-seryoso ng kapatid niya nang sabihin iyon. "Wooww!!" manghang reaksyon niya at agad niyang tiningnan ang kanyang messenger saka tiningnan ang pinasang picture ng kapatid niya. Halos napatigil siya sa paghinga sa kanyang nakita. Kumurap pa siya ng ilang beses para luminaw ang kanyang paningin sa picture na pinasa ni Waki sa kaniya. Halos hindi siya makapaniwala na ang babaeng tinutukoy ni Waki na girlfriend nito at mahal na mahal nito, ay walang iba kundi ang babaeng OA sa pag-inom ng kape. At Daniela pala ang pangalan nito. Kaya pala gano'n na lang ang interest niya sa pangalan nito dahil ito pala ang babaeng matagal niyang hinahanap at nasa Pilipinas na pala ito ngayon kung kaya't hindi niya ito makita-kita. At ngayon, ay girlfriend na ito ni Waki…. at pakakasalan pa nito iyon. "Damn." Nang makaramdam siya ng paninikip sa dibdib. Nakaramdam siya ng pagseselos kay Waki dahil girlfriend na nito ang babae. Yes, selos na selos siya ng mga oras na iyon. Maganda ang kuha sa picture ng babae dahil nakangiti ito ng matamis na halatang masaya. At kitang-kita naman sa picture dahil nakatingin ito sa camera. Dalawang picture ang pinasa ni Waki sa kaniya. Iyong isa ay si Daniela lang at iyong pangalawa ay dalawa sila ni Waki na magkatabi pero walang akbay at holding hands na nangyayari. Agad niyang ini-exit ang messenger dahil sa hindi niya maipaliwanag ang kaniyang nararamdaman. Dahil matinding pagseselos ang kanyang nararamdaman sa kapatid niya. Bakit gano'n? Siya dapat ang boyfriend nito dahil siya ang unang nakakita kay Daniela. At saka bakit ang kapatid niya pa? Sana iba na lang. Dahil pwede niya pa itong agawin kapag nagkataon. Pero mukhang malupit ang tadhana para sa kaniya, dahil kung kailan nagkakagusto na siya sa babae ay saka naman hindi pwede. Dahil hindi niya kayang saktan ang kapatid niya dahil lang sa babae. Kung kailangan magparaya siya dito para maging masaya ang kapatid niya, why not! Babae lang naman iyan at marami pang iba diyan. At saka mukhang hindi talaga para sa kaniya ang babaeng iyon. Kaya naisipan niyang burahin na lamang ang picture nito na nasa phone niya para hindi na niya ito maalala pa at baka hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na sulutin niya ito sa kapatid niya. Nang pipindutin na sana niya ang DELETE button, animo may pumipigil bigla sa kaniya na hayaan na lang muna niya ito sa phone. Dahil hindi naman malalaman ng kapatid niya na may picture siya ng girlfriend nito. At isa pa parang kumikirot ang puso niya kapag hindi na niya ito makikita sa phone niya lalo pa't araw-araw niya itong tinitingnan. Walang palya. Kahit matutulog na siya ay ito ang huling titingnan niya bago makatulog. Para siyang bumabalik sa pagka-teenager na nahuhumaling sa crush niya. Sa crush niyang may boyfriend na pala at kapatid niya pa. Hanggang sa hindi na nga niya ito binura at hinayaan niya na lang muna ito sa phone niya pero iniiwasan niya na lang tingnan ito. Ngunit kaya nga ba niya? Humugot na lamang siya ng hangin at ibinaba ang phone kanyang tabi. ( 6 MONTHS LATER, YESTERDAY BEFORE THE BAD NEWS OF WAKI..) Habang pinag-aaralan niya ang bagong project na pini-presenta ng mga employee niya ay bigla na lang may nag-pop up sa phone niya. It was a messenger tone. Nakita niyang si Waki ang nag-chat sa kaniya. Ayaw niya sanang tingnan ito dahil alam niyang picture na naman iyon at ini-inggit lang siya nito, na lalo niyang ikinaselos at ikinainis. Dahil puro maganda na lang ang binalita nito tungkol kay Daniela Oliveros. Gusto na nga niya itong kalimutan pero araw-araw naman siya nitong sini-sendan ng mga picture ni Daniela. Ngunit nang makita niya ang pangalawang chat nito ay nagdesisyon na siyang buksan na ito. Ngunit gano'n na lamang ang pagsikip ng dibdib niya sa kanyang nabasa. Waki : Kuya, magpoproposed na ako sa kanya dahil hindi ko na napigilan ang aking sarili na angkinin siya. Dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kaniya. Kaya kailangan ko na siyang pakasalan dahil baka mabuntis ko siya at ayaw kong isipin niya na hindi ko siya pananagutan sa nangyari sa aming dalawa. Kaya please, Kuya, supportahan mo naman ako dito sa pamamagitan ng pag-uwi mo kapag pumayag na siyang magpakasal sa akin. Parang bombang sumabog sa kaniya iyon, na hindi niya maintindihan kung bakit. Ilang buwan na ang lumipas pero hindi niya pa rin binura ang picture ni Daniela sa phone niya. At lalong hindi niya pa rin matanggap na girlfriend na nga ito ng kapatid niya. Ano pa kaya ngayon, na nagbabalak na ang kapatid niya na pakasalan na nga ito. Ano pa ba ang magagawa niya kung hindi ay kalimutan na talaga ito nang tuluyan alang-alang sa kapatid niyang si Waki. Tatanggapin niya na lang ito bilang sister-in-law niya, dahil iyon na talaga ang kapalaran sa kabaliwan niya kay Daniela. Pagkatapos niyang makita iyon ay parang lalo pang naninikip ang dibdib niya dahil sa balita 'yon. Kaya hindi na niya tinapos ang kanyang ginagawa at agad siyang lumabas sa kanyang opisina kahit alas tres pa lang ng hapon. Kailangan niyang pumunta sa Club at uminom dahil matatapos na talaga ang kahibangan niya kay Daniela. At wala nang dahilan pa na umasa siya na balang araw, ay maghihiwalay din ito at ang kapatid niya... at baka siya pa ang makakatuluyan nito. Lagi niyang iniisip iyon, pero mukhang nanaginip lang talaga siya ng gising. Dahil malabo pa sa baha na mangyari 'yon. Kaya pagdating sa club ay sunod-sunod ang paglagok niya ng alak. Gusto niyang magpakalunod ngayong gabi dahil simula bukas tatanggalin na niya si Daniela sa kanyang isipan. At pipilitin niya iyon at buburahin na rin niya ang picture nito na lagi niyang tinitingnan bago siya matulog. Pipilitin niya iyon para mawala na ito ng tuluyan, alang-alang sa kapatid niyang si Waki. Kahit masakit para sa kanya ay magpaparaya siya para sa kapatid niya. Hindi niya gagamitin ang galing niya sa chicks kung masasagasaan niya ang kapatid niya. Hindi pa naman siya gano'n ka-g*go na sulutin ito sa kapatid niya. "Hey handsome, you want me to join you?" Papansin ng babae sa kaniya. Awtomatikong napatingin siya dito at tiningnan ito. Napukaw ang kakaibang pagnanasa niya nang mapadako ang tingin niya sa mayamang dibdib nito. Pinasadahan pa niya ito ng tingin at natuwa siya dahil sexy rin ito. "Sure!" sagot niya at bigla na lang hinila ang beywang nito palapit sa kaniya sabay hipo sa hita nito. Napasinghap ito sa kanyang ginawa at napakagat pa ng labi. Napangisi siya sa reaksyon nito. "And I have something in my mind that can make you wild and crazy," namamaos niyang bulong sa tainga ng babae sabay dila niya dito. Nakita niyang lumawak ang pagkakangiti nito sa ginawa niya at mukhang game din ang babae dahil iniliyad pa nito ang dibdib nito sa kaniya na halos idiin na sa matigas niyang dibdib. Muli nitong kinagat ang pang ibabang-labi kasabay ang pa-simpleng himas nito sa kanyang p*********i. Kaya naman mabilis niyang nilagok ang pang 12 round na baso na mamahaling alak at nag-iwan na lang ng bayad sa bartender bago tumayo habang hawak niya sa baywang ang babae na hindi niya alam ang pangalan. Agad silang sumakay sa kotse niya kasama ang babae pauwi sa hotel suite niya. Pagkabukas pa lang sa pintuan niya ay agad niyang sinibasib ng halik ang babae na game na game din sa kaniya. Isa-isa nilang hinubad ang mga damit nila at itinapon na lang kung saan-saan habang naglalakad at walang tigil sa pakikipaghalikan. Humantong sila sa mahabang sofa niya sa sala at doon ipinagpatuloy ang ginawang pagsipsip sa dibdib ng babae habang ang kamay niya ay nasa p********e nito na wala ring tigil sa paglabas-masok doon. Pagkatapos ay hinila niya ang babae at pinagawa niya ng blowj*b na gustong-gusto naman nito. "Ahhhh..!" hindi niya mapigilan ang mapa-ungol sa ginawa ng babae dahil mukhang sanay ito sa ginagawa "f**k! You are so good." "Do it faster!" utos niya pa dito na sinusunod naman nito. Hanggang sa maramdaman niya na lang na nakarating na siya ikapitong langit habang nasa bibig pa nito ang alaga niya. At gano'n na lang ang ngiti niya nang nilunok lahat nito ang katas niya. Nang matapos ay huminto na ang babae, kaya agad niyang kinuha ang condom na naroon sa drawer at ibinigay sa babae para ito ang magsuot sa kaniya. Nang mailagay na nito iyon ay kaagad niyang hinila ang babae at pina-upo niya sa kandungan niya. Saka nagsimula na itong sumayaw sa kaniya nang mabilis. Ilang saglit pa ay dogstyle naman ang ginawa nila. Hanggang sa kapwa nila marating ang sukdulan at nang matapos ay pareho silang hingal sa pagod kaya agad silang nakatulog,pagkatapos ang pang- apat na rounds. Kinabukasan napabalikwas siya ng bangon dahil sa tawag na nagmula sa Mama ni Waki at iyon na nga ang masamang balita sa kapatid niyang si Waki. Nasa ospital ito at nag-aagaw buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD