Chapter 5

2769 Words
"ANO?" maang na nakatingin si Daniela kay Justin. "Ano'ng ibig mong sabihin na, I'm still a virgin?" naguguluhan niyang tanong rito. Hindi niya alam kung bakit nito natanong iyon ng dalawang beses. At kung bakit gulat na gulat ito na virgin pa siya? Gayung, hindi niya ito kilala dahil ngayon lang niya ito nakita pero may nangyari na sa kanila agad-agad. Nakakainis lang kasi ang rupok niya. Naibigay niya rito ang pinaka-iingatan niya. Na hindi naman niya ito boyfriend o asawa. "Ouch…" Napangiwi siya nang abutin niya ang kumot para balutin ang kahubdan niya. Namilog ang mata niya nang bigla na lamang itong tumayo basta-basta at pumasok sa banyo ng hindi man lang nag-abalang mag-suot ng boxer. Agad nag-init ang kanyang mukha nang makita kung gaano kaganda ang katawan nito na kanina lang ay na nasa ibabaw niya. Lalo pa siyang nag-init nang makitang sumasayaw ang naghuhumindig na alaga nito sa bawat paghakbang ng mga paa nito. Gusto man niyang umiwas ng tingin pero ayaw ng isip niya. Pagkatapos ay muli itong lumabas na may dalang bimpo. Ganoon na lang ang paninigas niya nang punasa nito ang p********e niya na walang tigil sa pagdurugo. "f**k! Masakit ba? Bakit hindi mo sinabi sa akin?" tanong nito sa kanya na ikinakunot ng noo niya. "Ang alin?" Naguguluhan niyang balik tanong dito. "Na first time mo pala ito!" sagot nito sa kaniya. Lumaki ang mata niya sa sagot nito. "So, kasalanan ko pa gano'n?! Kung bakit hindi mo alam na first time ko ito? E, ikaw nga itong may kasalanan 'di ba?! Dahil hinalikan mo na lang ako bigla!" galit niyang saad dito. So, kasalanan niya pa pala kung bakit may nangyari sa kanila ng estrangherong ito. Parang gusto niyang umiyak sa mga oras na iyon. Kaya pinilit niya ang kanyang sarili na bumangon kahit ang totoo ay napapangiwi siya sa sakit at kirot sa gitna niya. Mabilis niyang isinuot ang damit na hinubad nito sa kaniya kanina pagkatapos ay walang salitang lumabas siya sa hotel suite nito. Nakatulala lamang si Justin sa nangyari. Pinagmamasdan niya lang si Daniela mula sa pagbangon, pagbibihis at pati na ang pag-alis nito sa suite niya. Parang nawalan siya ng lakas bigla sa kanyang natuklasan at sa bilis ng pangyayari na ginawa niya kay Daniela. Kaya naman ang kawawang unan na lamang ang pinag-diskitahan niyang suntukin sa sobrang galit sa nangyayari. Habang si Daniela naman ay gusto na niyang humagugol sa mga oras na iyon kaya walang lingon niyang tinungo ang maindoor ng hotel at halos takbuhin na niya ito para lang makalayo sa lugar na iyon. Hindi niya alam na nasa hotel pala siya at ang hotel na iyon ay isa sa pinakasikat na hotel na malapit lang sa coffee shop nila. Mabilis niyang tinungo ang coffee shop nila dahil may duplicate key naman silang itinago just incase na pumunta sila doon. At isa pa, hindi pa siya makakauwi dahil wala siyang perang pang taxi at hindi niya alam kung nasaan ang bag niya at nadoon ang cellphone at pera niya. Kaya kailangan niyang matawagan si Jazz gamit ang telepono sa coffee shop nila. PAGKABUKAS ng pintuan sa coffee shop ay agad na umupo si Daniela sa may mahabang sofa na naroon at doon ibinuhos ang kaninang pinipigil niyang pinaghalong galit at sama ng loob. Napaka tanga niya dahil binigay niya ang pinaka-iningatan niya ng gano'n-gano'n na lang sa hindi niya kilalang tao. Oo, nakilala niya ito pero sa mukha lang dahil iyon 'yong lalaki na bumili sa coffee shop nila kaninang umaga. Kung hindi lang sana siya uminom hindi sana mangyari ito lahat. Hanggang sa hindi niya na mapigilan ang mapahagugol ng mga sandaling iyon. Masakit pa ang ulo niya dahil sa hangover at nanghihina pa talaga ang katawan niya kanina pero pinilit lang talaga niyang magpakatapang dahil nasa panganib siya at walang ibang tutulong sa kaniya kundi tanging sarili lang. Pero wala rin pa lang silbi dahil may nangyari pa rin sa kanya na hindi maganda. Lalong tumindi ang kirot na nararamdaman niya sa gitna ng dalawang hita niya at alam niya na nagdurugo pa iyon dahil ramdam niya ang medyo basa at malagkit ito. Pero ano pa nga ba ang magagawa niya? Wala na. Nawala na ang isang bagay na maipagmamalaki niya sa magiging asawa niya dahil sa katangahan niya at sa karupukan niya nang dahil lang sa isang pisteng halik ng walang pusong estranghero. Labis siyang nasaktan sa mga sinabi nito kanina. Tama bang sabihin nito sa kanya na bakit daw hindi niya sinabi dito na iyon pala ang first time niya. Ano ba ang akala ng lalaking iyon pariwara siyang babae? Kung kanino na lang siya pumapatol? O, baka naman nahiya lang sabihin nito na isa siyang bayaran na babae. Nakaramdam siya ng galit nang sumagi sa isipan niya na baka ganoon nga ang nasa isip ng lalaki iyon. Nagsisi tuloy siya kung bakit sinampal pa niya ang lalaki ng tatlong beses kaya siguro nagalit ito at hindi na nakapagtimpi sa kaniya. At nagawa siya nitong angkinin ng gano'n kabilis. Huli na para magsisi siya dahil nangyari na ang lahat at sana lang ay hindi na uli sila magkita ng lalaking iyon para hindi niya maalala ang katangahan na nagawa niya sa gabing ito. Pinilit niya ang sarili na kumalma at tumigil sa pag-iyak dahil naisip niyang virginity lang naman niya ang nakuha nito sa kanya. At saka buhay pa naman siya kaya sige lang, life must go on. Ituloy lang ang buhay na parang hindi nangyari ang katangahan niya sa gabing ito. Pagkatapos niyang umiyak at magsisi ay naisip niyang umuwi na sa kanyang condo dahil inaantok na siya pero agad din naisip na wala nga pala sa kaniya ang bag. "Paano pa ako nito makakauwi?" Frustrated niyang tanong sa sarili at nilibot ang tingin sa loob ng coffee shop nila. Hanggang sa mapatingin siya sa lagayan ng pera nila. Bigla na lang symagi sa isip na may pera nga pala doon na puro barya. Agad siyang tumayo at mabilis niya itong tinungo at binuksan. "At least may swerte pa rin kahit papano.." aniya at napangiti ng tipid. Kumuha siya ng sakto lang sa pamasahe pauwi sa condo niya at agad na lumabas para mag-abang ng taxi. Hindi naman nagtagal ay may humintong taxi sa harap niya at agad siyang sumakay doon at nagpahatid sa condo niya. Twenty minutes lang ang lumipas ay nasa condo na siya dahil hindi naman masyadong matrapik sa daan. Saka malapit lang naman ang condo niya at bukod doon ay madaling araw na rin. Masakit pa rin ang gitna niya at kumikirot pa rin ito tuwing gumagalaw siya pero pinilit niya ang sarili na maglakad kahit paika-ika pa siya. Hindi niya akalain na gano'n pala pag first time. Sobrang sakit na animo may napunit sa kanyang loob. Ang akala pa naman niya ay hindi masyadong masakit iyon gaya ng kwento sa kaniya ni Jazz. At hindi masyadong madugo pero bakit kabaliktaran yata ang nangyari sa kaniya. Masakit at madugo. Pero bigla rin napatigil nang maalala na naman niya ang sinabi ng lalaki sa kaniya. Naisip niyang may mas masakit pa ba sa sinabi nito? At kasalanan niya pa kung bakit may nangyari sa kanila at kung bakit nawala ang virginity niya. Malaking insulto iyon para sa kanya. Dapat pa nga matuwa ito dahil malinis siyang nakuha nito. Pero nagalit pa dahil, virgin siya. Muli na naman tumulo ang mga luha niya sa mga nangyari sa kanya. Pagkatapos niyang mag-half bath ay mabilis siyang nagbihis at humiga agad sa kama na umiiyak pa rin. Hanggang sa nakatulugan na lang niya ang pag-iyak at kakaisip sa nangyari ng araw na iyon. Kinabukasan, malakas na sunod-sunod na katok ang gumising kay Daniela at kasabay ng malakas na pagtawag ng pamilyar na boses sa pangalan niya. "Dani..!" "Dani, are you in there?" tawag sa kanya ng nangangatok. Nakilala agad niya ang boses ng kaibigan niya kaya agad siyang pumunta ng banyo at saglit na tingnan ang sarili bago tinungo ang pinto para pagbuksan si Jazz. Pagkabukas niya ng pinto ay agad siyang niyakap ng mahigpit nito. "Oh, thank god you're safe!" bulalas nito sa kaniya. Nabigla si Daniela sa inakto nito. Ano ba ang nangyari sa kaniya dahil wala talaga siyang maalala pagkatapos niyang magbanyo sa Club na pinuntahan nila kagabi. Ang natatandaan niya ay hindi niya mabuksan ang pinto ng banyo dahil sa sobrang hilo niya at antok na antok na siya ng mga oras na iyon. Pagkatapos ay parang nanaginip pa siya na may gwapo daw na lalaki na tumulong sa kanya pero malabo ito sa kanyang paningin. At ang sumunod ay nagising na lang siya na nakahiga sa malambot na kama at tanging underwear lang ang suot at mahigpit siyang nakabalot sa makapal na comforter. Ngunit pagtayo niya ay nakita niya ang lalaking naka-boxer lang at kasalukuyan itong umiinom. Gusto niya sana itong sugurin pero wala pala siyang suot na damit kaya mabilis niyang hinanap ang kanyang damit at agad na sinuot iyon. Papalabas na sana siya sa kwarto ng makita niya itong pasuray-suray naman papasok na sa kwarto na kinaroroonan niya. Kaya mabilis siyang nagtago sa gilid at hinintay itong makapasok para isagawa ang nasa isip niya. Ang sampalin ito bigla dahil sa ginawa nito sa kaniya. Hindi siya nakapagtimpi ng galit niya kaya tatlong beses niya itong sinampal kaya siguro nagalit din ito sa kaniya kaya ang sumunod na nangyari ang pinaka-dagok na nangyari sa buhay niya. Ang pagpaubaya ng sarili sa estranghero na parang kasalanan niya pa ang lahat. Dahil sa hindi lang niya sinabi dito na iyon ang unang karanasan niya sa pakikipagtalik. Bakit? Close ba sila para sabihin iyon? At saka bakit ito pa ang may ganang magalit? Siya na nga itong nasaktan at nawalan tapos siya pa may kasalanan. Bigla na lang umahon ang galit ni Daniela sa lalaki pero ano ba ang gagawin niya? Hahanapin ito para kasuhan ng rape? E, paano kung sabihin nito na bayaran siyang babae? Anong isasagot niya? Atsaka masakit man isipin pero may kasalanan din siya dahil siya ang unang nanampal sa lalaki at saka....nagustuhan niya ang ginawa nito sa kaniya kaya nga nagpaubaya na lang siya at binigyan niya pa ito ng access para ituloy ang pag-angkin sa kanya. Kahit sinabi nito na itigil na dahil birhen siya. Pero pinigila niya pa itong hugutin at umalis sa ibabaw niya. Nakakahiya mang aminin pero napakarupok niyang babae na pinatikim lang ng halik, ayon naging adik. At kasalanan ito lahat ng malandi niyang kaibigan dahil kung ano-ano na lang ang kinukwento nito sa kanya. Na puro lang naman kabulastugan at kalandian nito at boyfriend nito. "Dani.." pukaw sa kaniya ni Jazz. "Are you okay? May nangyari ba?" tanong nito at sa gulat niya ay pinunasan nito ang mukha niya dahil umiiyak na pala siya ng hindi niya namalayan. Ngumiti siya ng tipid at pilit na inalis ang nangyari sa kaniya. "Wala. Masakit lang ang ulo ko, Jazz." Pagsisinungaling niya dito. Ayaw niya munang magkwento sa nangyari sa kaniya dahil hindi niya alam kung ano ang masasabi nito sa kaniya. At isa pa parang ayaw niya munang may makaalam na iba sa pinakamasakit na nangyari sa buhay niya. "Are you sure?" tanong pa nito sa kaniya at tiningnan ng mabuti ang mukha niya. Mabilis niyang iniwas ang mukha para hindi mahalata nito ang pamumugto ng mga mata niya. "Maliligo lang ako, Jazz, tapos sabay na tayong pumasok," sabi niya dito at bigla na lang naalala niya ang kaniyang bag. Kaya humarap uli siya dito. "Nasayo ba ang bag ko? Hindi ko kasi makita e." "No," tipid na sagot nito na labis niyang ikinabahala dahil kung wala kay Jazz ang bag niya nasaan na kaya ito. Bigla na lang niyang naisip na baka naiwan niya ito sa banyo sa Club. Napapikit na lang siya ng mariin at agad na pumasok sa banyo para mag shower. Kailangan niyang pumasok at hanapin ang bag niya sa Club dahil nandoon lahat ang important contact niya at ang wallet niya na naglalaman ng pera at atm niya. Dasal niya na sana naroon ito sa Club at wala sanang nawawala dahil mahihirapan siya kapag may nawala sa loob niyon. Lahat ng contacts niya at iyong ATM niya, na nandoon lahat ang ipon niya. Wala pang isang oras ay tapos na siyang maligo at magbihis kaya agad niyang niyaya si Jazz para pumasok na sa coffee shop nila. Kaagad silang pumara ng taxi at nagpahatid sa coffee shop. Pagkapasok nila sa shop ay mabilis ang kilos niya na ayusin ang mga ingredients para sa gagawing kape. Kahit na nga nahihirapan pa siyang kumilos dahil may kumikirot pa rin sa katawan niya pero hindi niya iyon ipinahahalata kay Jazz dahil baka usisain pa nito iyon at hindi pa siya talaga handa para pag-usapan iyon. Nakatalikod siya nang bigla na lang may baritonong nagsalita at umorder ng kape sa kaniya. "One cappuccino, please." Agad siyang pumihit paharap at nagpaskil ng ngiti sa labi. "Yes, si--" Nabitin ang sagot niya sa ere at agad nawala ang ngiti na para sana dito. Napalitan agad iyon ng galit nang makita at makilala kung sino ang taong umorder sa kanya ngayon. Dahil ito lang naman ang estranghero na naka one night stand niya kanina. "Anong ginagawa mo dito?" malamig niyang tanong dito. "Bibili ng kape," sagot nito at saka ipinakita sa kaniya ang bag na hinahanap niya. "And this might be yours," dagdag pa nito at agad na inabot sa kanya. Kaya walang salita na hinablot niya iyon mula dito at mabilis na tiningnan ang lahat ng laman at baka may nawala doon. "Walang gumalaw niyan bukod sa akin, dahil kailangan kong makita ang ID para malaman ko kung sino ang may-ari ng bag na 'yan," sabi nito na ikinatigil niya sa pagtingin sa bag. "Kaya nang makita ko ang ID mo ay agad kong dinala dito dahil baka may kailangan ka na lalo pa at nasa loob din pala ang phone mo," dagdag pa nito. Hindi siya sumagot. Bigla na lang niya itong tinalikuran at pumunta sa may cabinet para ilagay doon ang bag niya. Inilabas lang niya ang kanyang phone para magkaroon ng signal. "Don't you know how to say thank you?" sabi pa nito sa kaniya kaya siya napatingin sa mukha nito. Hindi pa rin siya sumagot at tiningnan niya lang ito sa mukha. Nakita niyang parang may lungkot siyang nakikita doon na animo nasasaktan dahil ba hindi man lang niya ba ito kinakausap? At saka ramdam nito ang malamig niyang pakikitungo rito. Ano ba sa tingin nito magpapasalamat siya dahil dinala nito ang bag niya? E, paano iyong namagitan sa kanila? Parang wala lang ba dito iyon? O, sadyang makapal lang talaga ang mukha nitong magpakita pa sa kaniya ngayon. Gusto niya itong bweltahan kaso nasa loob si Jazz at baka marinig sila nito. Dapat mag-sorry man lang sana ito sa ginawa sa kaniya pero wala pala talaga. Sabagay isang pagkakamali lang naman iyon at isa pa hindi nila kilala ang isa't isa, kaya ano pa inaasahan niya dito. Nganga! "I'm sorry, for what happen," sabi nito na labis niyang ikinagulat. "I'm really sorry, Daniela. Dahil sa mga sinabi ko sa 'yo kaninang madaling araw. I know, I was rude to you dahil ako ang nakauna sayo at nagulat ako nang malaman iyon," hinging paumanhin nito. "Pero...hindi ako mag-so sorry dahil may nangyari sa atin at lalo na ako pala ang nakauna sayo," sabi nito na ikinatagpo ng kilay niya. "Hihingi ako ng tawad dahil hindi ko napigilan ang galit sa 'yo ng sampalin mo ako at lalo na nang binigla kita kagabi," sabi nito bago mabilis na lumabas ng coffee shop nila. Para siyang natuod at hindi makagalaw dahil sa mga narinig na sinabi ng estranghero. Maraming katanungan ang nasa isipan niya na gusto niyang malaman. Katulad na lang ng paano nalaman nito ang pangalan niya? Pangalawa, anong nabigla ang sinabi nito sa kaniya? At saka pangatlo, ano daw? hindi ito magsosorry sa kaniya, dahil sa nangyari sa kanila at ito ang nakauna sa kaniya. Isang malaking BAKIT ang gusto sana niyang malaman kung bakit nito nasabi iyon pero paano pa niya malaman iyon kung wala na ito sa harapan niya. Napaisip tuloy siya na magkakilala ba sila ng estranghero? Bakit hindi man lang niya matandaan ito? O kaya naman, matagal na ba siya nitong kilala? Kailan pa? At paano? Pakiramdam niya ay nawindang siya sa kanyang mga katanungan at sa nangyari sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD