Chapter 1

1760 Words
ABALA sa pag-aayos ng mga gagamiting ingredients sa kape si Dani o Daniela Oliveros sa buong pangalan. Nang bigla nalang siyang gulatin ni Jazz o Jasmine sa totoo naman nitong pangalan. Kaibigan at kasosyo niya ito sa coffee shop na minamanage nilang dalawa ngayon. "Dani, look at me!" Excited na sabi nito sa kanya sabay hawi ng marahas sa balikat niya na labis niyang ikinagulat. "Ay, kabayong haliparot!" Gulat niya pang bigkas sa harap ng kaibigan na hawak pa ang mga ingredients. Kaya malakas niya itong naihampas sa paharang-harang nitong dibdib. "Aray ko naman!" Hiyaw nito sa kaniya at hinihimas ang nasaktang dibdib. Napalitan ng pagkasimangot ang mukha nito na kanina lang ay masaya at sobrang excited pa sana. "Kasalanan mo yan! Sinabihan na kita na 'wag na 'wag mo akong gulatin kapag may ginagawa ako 'di ba?" Mataray niyang sagot sa kaibigan. Nakanguso at nagme-make face ito sa harap niya na animo inaarte ang paglilitanya niya rito. "Oo, na! Kasalanan ko na! Sarry ha?! Excited lang naman po kasi akong sabihin at ipakita ito sa'yo!" Ungos nitong sagot at inilapit ng bahagya ang dibdib nito sa kanya. Naguguluhan siya sa ginagawa ng kaibigan. O, mas tamang sabihin na hindi niya nakuha kung ano ang sinasabi nito. At ang ginawang paglapit sa dibdib nito para ipagyabang sa kanya. Kaya napaatras nalang siya nang bahagya dahil naiilang siya sa sobrang lapit nito sa dibdib niya. Dahil nagkagitgitan lang naman ang mga dibdib nila na parehong nagmamayabang sa laki. "Ano ka ba! I-urong mo nga 'yang papaya mo!" Singhal niya rito. " Dahil meron din ako niyan noh? Para lang malaman mo!" Dugtong niya at bahagyang iniliyad ang dibdib para ipakita rito na hindi rin siya nagpapatalo kung palakihan lang naman din ang labanan. She has a sexy body that a man can't ignore to look at her again. Pero mas pinili niyang itago iyon kaysa ibalandra para ipakita sa iba na sexy ang katawan niya. Simple lang siyang manamit. Dahil doon siya mas komportable. T-shirt, jeans at korean shoes na kulay puti lang ay pwede na sa kanya para pang gora kahit saan. Kapag nasa condo naman siya ay saka lang siya nagsusuot ng sando at maikling short. Dahil nasa loob lang naman siya at walang makakakita sa kaniya sa gano'ng ayos. Mag-isa nalang siyang nakatira sa condo dahil nasa abroad na lahat ang pamilya niya. Ang mga magulang niya at ang dalawa niyang kapatid. Tatlo lang silang magkakapatid. Siya, si Diana at ang bunso nilang si Daryl. Siya ang panganay sa kanilang magkakapatid. Twenty-five years na rin siyang nabubuhay sa mundong ibabaw na bunga nang pagmamahalan ng kanyang pinakamamahal niyang magulang na sina Wilfredo at Grace Oliveros. Mas pinili nang mga magulang niya ang tumira sa ibang bansa. Dahil naroon ang trabaho ng mga ito na parehong certified nurse sa kilalang hospital sa Los Angeles. At ang mga kapatid naman niya ay doon na rin nakatira kasama ang magulang niya. Dahil doon na rin ito ipinanganak sa abroad kaya american citizen ang nationality ng mga ito. Tanging siya lang ang nasa pilipinas dahil iniwan siya ng magulang niya sa yumaong abuela nang magdesisyon itong magtrabaho sa abroad. Pero kahit gayun pa man, hindi naman siya nalulungkot na mag-isa sa pilipinas. Dahil paminsan-minsan ay bumibisita rin naman siya roon kapag namimis niya ang mga ito. Nais ng magulang niya na sumama na siya sa mga ito at doon na rin maghanap ng trabaho para hindi na ito mag-alala pa sa kanya. Pero tumanggi siya at piniling sa pilipinas parin tumira dahil dito siya komportable. At isa pa balak niya na rin magtayo nang sariling negosyo para sa sariling pag-unlad ng buhay niya. Katulad no'ng last year na pagbisita niya sa mga ito sa Los Angeles. Kinabukasan ay kaagad niyang nilibot ang buong coffee shop na malapit lang sa bahay ng magulang niya. Lahat ng flavor ng kape ay tinikman niya para pag-aralan kung paano gumawa nito dahil balak nilang mag-bestfriend na magtayo ng coffee shop. Dalawang linggo lang ang bakasyon niya doon dahil iyon lang ang tourist visit na nakuha niya sa embassy. Pero sapat na rin iyon para magkaroon na siya ng ideya kung paano gawin ang tamang timpla sa kape para tangkilikin ito ng customer. At kung paano rin mag-manage ng tama. Kaya, heto na sila ngayon may isang branch na ng coffee shop na pinangalanan nila ng DAZZ SWEET COFFEE SHOP. Pinag-combined lang ang palayaw nilang dalawa ng kaibigan niya. Ang unang dalawang letra sa palayaw niya at huling dalawang letra naman sa kaibigan niya. Dinagdagan na rin nila ng SWEET dahil narin sa iba't- ibang lasa ng kape na pinag-aralan niya pa sa abroad. Naaalala niya pa ang huling punta niya sa abroad nang libutin niya ang lahat ng coffee shop na malapit lang sa bahay nila. Napapikit siya tuwing nalalasahan niya ang kape dahil nagtataka siya sa kakaibang lasa ng bawat flavor niyon at kakaiba rin ang bawat hagod nito sa lalamunan niya. Kapag nakainom ka ng isang beses ay sunod-sunod muna itong iinumin. Hanggang sa hindi mo na namamalayan na nasaid mo na pala ito. At kahit ayaw mo na, pero gustong-gusto mo pa ang uminom. Kaya kung nasa coffee shop ka pa mapapabili ka talaga uli nito. At iyon ang gusto niyang mangyari kapag may sariling coffee shop na sila. Ang maadik sa kape ang customer na bibili sa kanila para magkaroon sila ng maraming suki. "Tangek! Alam ko naman 'yan noh? Maswerte kaya tayong dalawa. Dahil bukod sa maganda na, sexy pa! Na mag-lalaway ang mga kalalakihan kapag nakita tayo." Mayabang na sagot nito. Tumaas ang kilay niya sa narinig "Talagang pinagyayabang mo pa 'yan ha!" "Of Course! Bakit naman hindi, E, totoo naman noh?" sabi nito at lumakad ng nakaliyad pa ang dibdib. Natawa siya sa ginawang kalokohan nito. "Para kang timang sa ginagawa mo.." Aniya at napapa-iling na lang sa kaibigan. "Itigil mo na nga 'yan! At baka isipin ng mga customer natin naa-aning na tayo dito pareho!" Pigil ang tawa sa kaibigan dahil hindi pa rin ito tumitigil sa ginagawa. Napatigil lang ito nang bumangga ito sa kanto ng lamesa at masapol ang puson nito. Kaya hindi niya mapigilan ang tumawa nang malakas sa kaibigan. "Aray ko!" Hiyaw nito at sapo ang puson dahil mukhang malakas ang pagkabangga nito sa may kanto ng lamesa. "Siguro naman titigil ka na sa kaharutan mong kalokohan.." Tatawa-tawa niyang saway rito. "Kaasar ka! Nasaktan na nga 'yong tao tinatawanan mo pa!" Nakasimangot na sabi nito. "Bakit? Kasalanan ko ba? Kung tatanga-tanga iyang kanto ng lamesa para banggain ka?!" Kunway galit niyang sambit rito. Nakita niyang salubong na ang kilay nito ngayon. Kaya naisipan niyang tanungin ito para mawala ang inis nito sa nangyari. At para maiba ang awra ng mukha nito. "Ano nga 'yong ipakita mo sa akin kanina, Jazz?" Tanong niya rito para subukang alisin ang simangot sa mukha. Hindi naman siya nabigo dahil umaliwalas agad ang mukha nito nang tumingin ito sa kaniya. "This." Lumapit ito sa kanya. Ipinakita ang suot nitong necklace. Nakangiti pa ito sa kaniya na halatang masaya sa suot nitong necklace. "Ano iyan? I mean, sino ang nagbigay niyan?" Excited niyang tanong kay Jazz. "Sino pa ba? E, 'di! My one and only, Greg! Pasalubong niya sa akin galing abroad," tugon nito at namimilog pa ang mata na halatang masayang-masaya ito sa boyfriend nitong si Greg. Hindi niya maiwasan ang mainggit sa kaibigan dahil nakahanap na ito ng tama at matinong lalaki. Halata naman dahil kitang-kita niya kapag magkasama ang dalawa. Masaya siya para sa kaibigan dahil mahal na mahal talaga ito ng lalaki. Ipinakilala na rin ito sa side ng lalaki kaya Sa tingin niya ay malapit na rin itong magpakasal dahil matagal na rin itong engaged. Hindi katulad niya na hindi pa rin niya nakikita ang lalaking mamahalin niya at mamahalin din siya. Huminga siya nang malalim ng maalala niya si Waki. Isang buwan na rin itong hindi nagpapakita sa kaniya at nangungulit. Ano na kayang nangyari sa kanya? Bakit hindi na siya napadalaw rito? Aniya sa isip ng maalala ang kaibigan niyang si Waki. "Anyway, sama ka sa akin mamaya," Maya-maya ay sabi sa kaniya ni Jazz at mukhang excited na naman ito. "Saan naman tayo pupunta? Kung sa club 'yan hindi ako sasama," mabilis niyang sagot rito. "Huwag ka namang kj, Dani. Minsan na nga lang tayong gumimik! Ayaw mo pa?" Mataray nitong saad. "Basta! Sasama ka sa akin mamaya! I won't take no for an answer, okay?" pinal na sabi nito sa kanya bago siya tinalikuran. Magsasalita pa sana siya nang biglang bumukas ang pintuan ng shop nila. Nakita niyang pumasok roon ang pinaka-gwapong nilalang na nakita niya sa buong buhay niya. Hindi niya mapigilan na titigan at suriin ito nang maayos. Lalo't nakuha nito ang atensyon niya dahil sa lakas ng s*x appeal nitong dala. White t-shirt at maong na pants ang suot nito na pinarisan naman ng white rubber shoes. Napako ang tingin niya sa dibdib nito na bumakat sa suot nitong t-shirt. At ang malapad nitong balikat ay lalong dumagdag sa s*x appeal, na nagpapahalata sa kanya na isa rin siyang mahinang babae kapag ganitong lalaki ang makakaharap niya. s**t! aniya sa isip at pilit iniwas ang tingin. "Y-yes, sir?" tanong niya sa lalaki at ngumiti ng tipid. Napansin niyang matiim siya nitong tinitigan sa mata na animo hinihikayat siyang makipagtitigan rin sa mata nito. "Yes, sir?" Muling tanong niya sa lalaki. Dahil naiilang na siya sa paraan na pagtitig nito sa kaniya. Bahagya siyang yumuko at nagkunwaring may inaayos na cup sa ibaba. Ano ba 'tong lalaking ito? O-order o makikipag-titigan na lang sa akin? Aniya sa sarili at naiilang na siya sa lalaking kaharap niya. Naisip niyang subukan niya muli itong tanungin kung anong flavor ang gusto nito para matigil na sa ginawang pagtitig sa kanya. "Sir, wou--" "One cappuccino, please," mahinang sabi nito sa kanya pero hindi nakaligtas sa kanya na tumigas ang awra ng mukha nito pagkatapos sabihin iyon. Nagtaka man siya sa ikinikilos nito ay binalewala niya na lang. Dahil customer pa rin nila ito at dapat ay binibigyan ng magandang treat. Sabi nga nila CUSTOMER IS ALWAYS RIGHT. Pagkatapos niyang maibigay ang order nitong kape. Kaagad niyang kinuha ang inabot nitong pambayad sa kanya na hindi na tumingin pa rito. Pagkatapos ay tumalikod na rin ito at naglakad palabas sa coffee shop nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD