Chapter 2

1393 Words
HINDI alam ni Dani kung paano siya napapayag ni Jazz na sumama sa pupuntahang club kasama ang fiancee nitong si Greg. Pero heto na siya ngayon at nakabihis ng seksing dress na minsan lang niyang suotin. At pinarisan niya ito na may mataas na takong na sandals. Hawak ang isang basong margarita sa kamay habang nakaupo sa round table sa loob mismo ng club. Maraming tao sa loob ng club na pinuntahan nila. At sa tingin niya puro mayayaman ang mga ito. Halata rin na karamihan sa mga ito ay single at available pa. Pero sa base sa nakikita niya ay puro naman mga babaero. Race Club ang nakita niyang pangalan ng club kung saan sila ngayon naroon. Inilibot niya ang kaniyang tingin sa loob at wala siyang ibang masabi kundi napakaganda at napaka-elegante ng club. Halata rin naman dahil nakikita niya sa mga guest sa loob na lahat ay nakasuot ng business suit at magandang dress naman para sa mga babae. Kailangan nakasuot ng formal attire dahil hindi ito pinapasok ng guard na nakabantay sa entrance ng club. Dalawang palapag lang ang club. Pero hindi mo maiwasan na mapahanga sa galing ng pagdidisenyo nito at mukhang ginastusan talaga. Hindi niya alam kung sino ang may-ari ng club dahil ngayon lang siya nakapasok sa loob. SAMANTALA hindi maalis ang tingin ni Justin sa babaeng nakaupo sa ibaba. Simula pa kaninang nakita niya itong pumasok sa pintuan ng club na pagmamay-ari nilang magkakaibigan, ay sinundan niya na ito ng tingin. Kaya alam niya kung saan ito pumwesto. Nasa gilid lang siya nakaupo kaya kitang-kita niya rin ito mula sa kinaroroonan niya. At kahit tumingin pa ito sa direksyon niya ay hindi siya nito mapapansin. Dahil bukod sa marami silang guest, medyo madilim at nakakasilaw pa ang liwanag ng mga ilaw kapag tumama ito sa mata. Kaya hinding-hindi siya nito makikita kahit magtama pa ang kanilang tingin. Daniela Oliveros a gold-digger! Anong ginawa mo sa kapatid ko? Bakit nauwi sa ospital ang kapatid ko? Pwes! Hindi ako papayag na hindi ka magbabayad sa ginawa mo sa kanya! Nang dahil sayo nasa ospital ang kapatid ko hanggang ngayon! Humanda ka sa akin, dahil pagbabayaran mo ang lahat ng ginawa mo sa kapatid kong si Waki. ani sa isip habang umigting ang panga na nakatutok kay Daniela na walang kamalay-malay sa plano niyang binabalak. "Sino naman niyang hotbabes ang nakakuha sa atensyon mo?" Tanong sa kanya ni Darwin sabay tapik sa kanyang balikat kaya bahagya siyang nagulat rito. "Sexy ba?" Nakangiting tanong naman ni Harry. "Let me see her!" Excited pa si Shawn at sinundan ang tingin niya. "Oww? So, sexy!" Napapailing nang makita nito si Daniela. "Where?" Si Jay na sinundan din ang tingin niya. "Wow! So gorgeous huh! Kaya pala mas gusto mo dito pumwesto dahil nabubusog na pala ang mata mo sa chicks na 'yon!" Dugtong nito at tumawa ng malakas. "Shut up! Huwag niyo nga akong itulad sa inyo mga babaero!" Bara niya sa mga kaibigan. "Woah! Really? Ano ba ang tawag sayo? Santo? Don't act like an innocent, bro! Kung meron man ang nakakakilala sayo rito, kami iyon! Kaya tigilan mo ang pag-arte! Huwag kami!" Sabad naman ni Darwin sa kanya at sinundan ng malakas na halakhak ng magkakaibigan. "F**k you!" Tanging sagot niya sa mga kaibigan na malakas mang-asar. Lalo lamang lumakas ang tawanan ng mga ito dahil tama ang sinabi ni Darwin sa kaniya at halatang totoo dahil napikon siya. "Anyway, mabuti naman at umuwi ka na rin dito? Himala yata na iniwan mo ang Los Angeles?" Pag-iiba ni Dale sa sa usapin. Muli siyang tumingin kay Daniela "Because, I have very important to do," makahulugan niyang sagot na hindi inalis ang tingin kay Daniela. "Mukhang importante nga!" Napapailing si Dale sa kanya. "Bakit? Pakipot ba masyado?" Biro ni Jay sa kaniya. "Of Course not! Kayang-kaya ko 'yan!" Tugon niya at ngumiti ng nakakaloko. "I bet hindi!" Bigla ay sabi ni Darwin sa kanya. "Do you want to make a deal?" Hamon nito. "Sure! What is it?" Mabilis niyang sagot. "Later. We will talk about this in private, okay?" Ngisi nito sa kaniya. "You know what, Darwin? Asikasuhin mo na lang kaya mga ibang guest ibaba kaysa puro kalokohan ang inaatupag mo!" Hindi na nakatiis pa si Gavin sa pinsan. "Shut up! Bakit pakiramdam ko mainit ang ulo mo ngayon? Hindi ka ba naka-score?" Asar nitong sagot kay Gavin at sinundan rin ng tawa nila ng iba pang mga kaibigan. "Bwisit ka!" Pikon na sagot nito sa pinsan at pulang-pula ang mukha. "See? Tama ako!" Pang-iinis pa nito. Kaya lalo lamang silang nagtatawanan sa patuloy na pang-asar ni Darwin kay Gavin. "May araw ka din sa 'kin!" Bulyaw nito na natatawa rin. "Nah! Hindi darating 'yon," balewalang sagot nito. "Really? Then stop visiting, Macy!" sagot ni Gavin na ikinagulat naman ni Darwin. "Ah, no. Maybe, I asked Bella na ipagbawal ka doon!" At tumawa nang nakakaloko. Isang malakas na halakhak na naman ang nangingibabaw sa umpukan nilang magkakaibigan. Habang palihim niyang tiningnan si Daniela sa ibaba. Nangunot ang noo niya ng hindi niya ito makita sa inuupuang puwesto. Inilibot niya ang tingin sa iba pang sulok sa ibaba pero hindi niya na talaga ito nakikita. Kaya agad siyang tumayo at nagpaalam sa mga kaibigan. "I'll just go down," paalam niya at hindi na niya hinihintay ang sagot ng mga ito. Mabilis ang kilos niya at nagmamadaling bumaba para hanapin ang babae na kanina pa niya tinitignan pero ngayon ay hindi niya alam kung nasaan na. Naikot na niya ang lahat ng sulok sa club pero hindi niya parin ito makita. Tiningnan niya na rin ang comfort room at naghintay saglit sa labas pero wala rin Daniela na lumabas mula sa loob. Kahit galit siya rito ay hindi niya maiwasan ang mag-alala para sa babae na minsan niyang ginusto. F**k! Where the hell are you, gold digger? Imposible naman na umuwi ka na! ani  sa sarili. Paalis na sana siya nang marinig niya ang kalampag ng isa sa mga pintuan sa loob ng banyo. "M-may tao ba diyan?" Narinig niyang tawag ng isang boses na babae. Mahina pero hindi nakalampas sa pandinig niya. Hindi na siya nagdalawang isip na pasukin ang babaeng nagtatanong sa loob na 'yon ng banyo. Alam niyang wala ng tao sa loob dahil kanina pa siya nakatayo roon at nagbakasakaling naroon ang hinahanap niya. "Miss? Where are you?" Malakas niyang tanong rito at inisa-isa ang loob ng CR. Isang kalampag na naman ang narinig niya sa pinaka-huling pinto. Kaya malaki ang mga hakbang ng tunguhin niya ang pinakadulo ng pinto. Hinawakan niya ang seradura para pihitin ito patulak para bumukas. Pero gano'n nalang ang pagkunot ng noo niya nang hindi ito mabuksan. "F**k! What happened? Ano 'to sira?" Inis niyang sabi sarili at pilit na binuksan ang pinto. Pero hindi talaga ito mabuksan. Animo may nakaharang na mabigat sa loob niyon. Muli na naman niyang narinig na kinalampag ng babae ang pinto ng banyo. "M-may ta-o ba di-yan?" Nanghihinang tanong ng babaeng nasa loob. "Miss? Are you okay? What happened? Could you please open the door?" Utos niya rito habang patuloy sa pagtulak sa pinto. Pero hindi na ito sumagot sa loob. At sa tingin niya ay bumagsak na ito. Dahil isang malakas na kalampag ang muli niyang narinig. Kaya hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon. Ginamit niya ang sariling lakas para buksan ang pinto ng banyo. Para sagipin ang hindi pa kilalang babae na nasa loob nito. Hindi niya alam kung sino ito dahil hindi pa niya ito nakikita. Pero malakas ang kutob niya at baka ito ang babaeng hinahanap niya. Binangga niya ito gamit ang kanyang braso pero hindi pa rin ito bumukas. Kaya naisip niyang tadyakan ito ng sunod-sunod at hindi naman siya nabigo dahil nasira at bumukas ito. Gano'n nalang ang paglaki ng mata niya nang tumambad sa kanya ang babae. "F**k!" Napamura siya nang makita ang ayos nito. Nakasubsob ang mukha nito sa malamig na sahig at gulong-gulo ang mahabang buhok nito. Halos makitaan na rin ito ng panloob dahil nakataas ang suot nitong dress. Sa tingin niya ay nakatulog na ang babae dahil sa kalasingan. Kaya agad niya itong dinaluhan at inaangat ang ulo nito. Hinawi niya ang mahabang buhok nito para makita ang mukha nito. Ngunit gano'n nalang pagkagulat niya ng tumambad sa kanya ang mukha ng babae. "Daniela?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD