Chapter 3

2535 Words
KUMUNOT ang noo ni Justin nang ganap niyang makita ang mukha ng babaeng nakulong sa may banyo. "Gold digger..? Este! Daniela..?" muling sambit niya sa pangalan nito bago niya ito binuhat palabas ng banyo. Sa tingin niya ay mukhang lasing na lasing na ito, dahil ni hindi man lang ito nakatayo para lumabas doon. Pinaupo niya muna ito sa may sofa na nasa labas para gisingin. "Daniela, wake up!" malakas niyang tawag sa pangalan nito sabay tapik sa pisngi nito. "Mmmm.." tanging ungol lang ang sagot nito kanya at nanatiling nakapikit pa rin ang mga mata. "Daniela, what happened? Bakit nakulong ka sa loob ng banyo?" tanong niya dito habang naglakbay ang kanyang tingin sa kasuotan nito. Nakasuot ito ng dress na kulay itim na fit na fit sa katawan nito kaya napaka-sexy nitong tignan. Above the knee lang din ang haba nito at masyadong mababa rin ang neckline nito kung kaya ay kitang-kita niya ngayon kung gaano kayaman ang dibdib nito. "f**k! Damn those big breasts!" mahinang bulong niya at sunod-sunod na paglunok ang kanyang ginawa saka mabilis na umiwas ng tingin dito. Pero maya-maya lang ay muli niya itong tinignan. "S**t!" Muli siyang napamura nang maramdaman niyang unti-unti ng nagigising ang tahimik niyang alaga nang hindi niya maalis sa kanyang isipan ang malulusog na dibdib nito. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili pero gano'n kabilis mag-react ang kanyang katawan rito, simula pa noong makita niya ito sa may coffee shop sa L A . Pakiramdam niya tuloy sa kanyang sarili ay napakalibog niyang tao. "Bwesit! Bakit ba lagi na lang ganito ang nangyayari sa akin kapag nakikita ko 'tong gold-digger na 'to?!" asar niyang bulong at muli niyang iniwas ang tingin sa mayamang dibdib nito na paulit-ulit niya rin naman tinitignan. "Daniela, wake up! Saan na ba ang mga kasama mo? Bakit ka ba nila pinabayaan? Iinom-inom hindi naman pala kaya! Pambihirang babaeng 'to!" sermon niya pa dito kahit alam niyang hindi naman siya nito naririnig. "Hey, wake up! Tell me your address, so I can bring you home instead." Patuloy pa rin sa pag-gising dito ngunit gano'n pa rin ito at ni hindi man lang ito dumilat para tignan siya. 'Ano ba 'tong babaeng ito? Ginawa ng kwarto ang banyo.' Salubong ang kilay niyang muli itong tinitignan. 'Ano na ang gagawin ko dito? Saan ba ang mga kasama nito? Bakit iniwan nila ito ng ganito?' sa isip-isip ni Justin na hindi alam kung saan niya iuuwi si Daniela. Naisip niyang kailangang magising ito para makauwi na ito kung saan man ito nakatira. Ngunit para sa kaligtasan nito ay wala siyang choice kundi ang samahan at siguraduhin ang kaligtasan nito hanggang sa makauwi ito. Dahil nasa loob ito ng kanilang Club at baka masira pa ang image ng Club nila kapag may nangyaring masama dito, dahil lang sa kalasingan ng babaeng nakatulog na sa loob ng banyo. "Daniela..." Patuloy sa pagtawag dito. Sinubukan niya itong itayo sa pagkakaupo ngunit hindi niya sinasadyang maiangat ang laylayan ng suot nito kung kaya't napadilat na lamang siya nang makita ang suot nitong lace underwear. "Oh, f**k!" mabilis niyang ibinaba ang laylayan nito saka muli itong ginising. "Daniela, wake up! Hey, gold digger..Wake up!" "Mmm," ungol nito at slow motion nitong idinilat ang dalawang mata. Namumungay pa itong nakatingin sa kanya tanda na inaantok pa talaga ito at dahil na rin sa kalasingan nito. Bahagya siyang nagulat nang bigla na lamang nitong hawakan ang kaliwang pisngi niya at ngumiti ng matamis sa kanya na naging dahilan na mapatanga siya rito. 'Oh, s**t! Control you're f**king self, Justin! Huwag na huwag kang bibigay sa ngiti ng gold-digger na 'to!' saway niya sa kanyang sarili at walang sabing binuhat ito palabas sa exit door ng kanilang Club papunta sa kanyang sasakyan. Wala na siyang choice kundi alisin ito doon dahil baka mapagtripan pa ng mga lalaking akala mo matino pero ang totoo ay mas masahol pa sa hayop ang mga kaluluwa. Alam nilang magkaibigan iyon dahil regular guest nila ang mga ito at ang iba ay VIP pa. Nang makarating sa kanyang kotse ay agad niya itong binuksan at dahan-dahan niya itong ibinaba sa may harap saka agad na ikinabit ang seatbelt nito. Halos pigil niya ang kanyang hininga at iniiwasan na huwag mapatingin sa seksing leeg nito at lalong-lalo na sa cleavage nitong kitang-kita na dahil sa ayos nito. 'Damn. Nagiging manyak na yata ako dahil sa 'yo! Bwesit!' hirap na hirap na siya sa kanyang sitwasyon dahil sa kakaibang init na rumaragasa sa kanyang katawan. "Tss..bakit pa kasi concern ako sa babaeng 'to?! Kainis!" aniya at masama itong tiningnan. Pagkatapos niyang mai-kabit ang seatbelt nito ay agad siyang lumabas saka mabilis na sinarado ang pinto at umikot papuntang driver seat. Isang mahabang buntong-hininga muna ang kanyang pinakawalan bago umikot sa driver's seat at pumasok doon para lang mapa-isip kung saan niya nga pala ito iuuwi. Ni hindi niya alam ang bahay nito dahil tanging coffee shop pa lang ang alam niya kung saan niya ito unang nakita kaninang umaga. Nang makita niya si Daniela kanina ay kaagad niya itong sinundan kung saan ito patungo dahil gusto niyang malaman ang lahat ng kilos nito. Dahil ito ang dahilan kung bakit na-comatose ang half-brother niyang si Waki. Kailangan niyang malaman kung ano ang tunay na nangyari sa mga ito lalo pa at parang wala man lang itong kaalam-alam sa nangyari sa kanyang kapatid. Para bang wala itong pakialam gayong boyfriend nito ang kanyang kapatid. Ni hindi ito nabahala kung bakit hindi nagpapakita ang kapatid niya. Tandang-tanda niya pa ang huling pag-uusap nila ni Waki noong hindi pa ito nadisgrasya. Masaya itong tumawag sa kanya para lang ibalita ang balak nitong pag-popropose kay Daniela. Pero laking gulat niya nang malamang nauwi sa pagka-comatose ang kanyang kapatid. At iyon ang gusto niyang alamin mula sa babaeng lasing na lasing na katabi niya ngayon. Matalim niya itong tinitigan habang iniisip niya kung saan niya ito pwedeng ihatid. Maya-maya ay napangiti siya nang maisip niyang bakit hindi na lang kaya sa hotel suite niya muna ito iuuwi para tapos na ang problema niya. At isa pa, ayaw niyang abalahin pa ang kanyang sarili sa babaeng nanloko sa kapatid niya. Oo, galit siya dito pero hindi rin kaya ng konsensya niya kapag may nangyaring masama rito lalo pa't sa kalagayan nito ngayon. Labag man sa kalooban niya pero mukhang wala na siyang pagpipilian pa kundi sa hotel suite niya na talaga ito iuuwi dahil hindi niya pa alam kung saan ang bahay nito. Saka pagod na rin siya kanina pa at gusto niya ng magpahinga muna sa sobrang busy niya sa office kanina. Isang sulyap pa ang ginawa niya kay Daniela bago pinaharurot ang kotse pauwi sa hotel na tinutuluyan niya. Isang oras lang ang biyahe nila nang marating nila ang SMITH HOTEL kung saan siya tumutuloy. Pagmamay-ari ito ni Gavin na isa sa mga kaibigan niya at miyembro rin ng RACE CLUB BOYS na kinabibilangan niya. Nang makapag-park na siya sa may parking lot ay naisipan niya munang tawagan ang mga kaibigan niya dahil bigla na lamang niyang iniwan ang mga ito kanina. At baka kanina pa nagtataka ang mga ito kung bakit hindi pa rin siya bumabalik. Kinuha niya ang kanyang cellphone at kaagad i-dinial ang number ni Dale. Saglit lang itong naring at sinagot naman agad nito iyon sa kabilang linya. "Where the hell are you?!" bungad agad nito sa kanya. "We've been looking for you until now!" dugtong pa nito. Halatang aburido na naman ang warfreak sa grupo nila at sa tingin niya ay mukhang may problema naman ito. Bigla niyang naisip na parang mali yata na ito pa ang kanyang tinawagan dahil halatang wala ito sa mood ngayon. Nagsisisi tuloy siya kung bakit ito pa ang tinawagan niya sa anim na kaibigang meron siya dahil mukhang may problema na naman ito sa ex-girlfriend nitong si Jhanna. "I'm sorry, bro. But I'm in my suite now," halos pabulong niyang sagot rito. "What?! Nasa hotel ka na ngayon? F**k you! Bakit hindi mo man lang sinabi sa amin?!" sigaw nito sa kabilang linya. "I'm sorry. It's an emergency, bro." Pagsisinungaling niya para hindi na ito magtanong pa. "Emergency your ass!" bulyaw nito. "I know, may kasama kang babae diyan! Kaya ka nagmamadaling umuwi, 'di ba?" "Of course not!" Mabilis niyang tanggi. "Admit it, or else, I won't tell them!" halatang pinagtatawanan siya nito sa kabilang linya. "Bro…" "What?" "I can smell you.." dagdag pa nito na hindi niya mailihim rito. 'Damn it!' gigil niyang mura sa kanyang isip. Ngayon niya napagtanto na hindi niya talaga ito maiisahan. Masyado itong matalino sa mga ganoong bagay. Anyway, lahat naman silang magkakaibigan ay hindi basta-basta naiisahan o mauuto. Pwera na lang siguro kapag babae na ang mang-uuto sa kanila, dahil tiyak lalambot ang mga depensa nila bilang isang lalaki. Iyon ang mga kahinaan nilang magkakaibigan lalo na kung mahal na mahal nila ang mga babaeng iyon. Napatunayan na iyon nina Gavin at Dale dahil para itong mga baliw sa panunuyo sa mga babaeng minamahal nito. Kahit nag-mukha na itong mga tanga ay sige pa rin ito sa panunuyo. Minsan ay bina-blackmail pa ng mga ito iyon para lang mapalapit at mapatawad muli pero wala pa rin nangyayaring maganda. At sa huli, brokenhearted pa rin ang mga kaibigan niya. Nitong nakaraan lang ay saka pa lang nagka-ayos sina Gavin at Bella na girlfriend ng kaibigan niya. Dahil sa ginawa nilang trick para kay Bella ay nagka-ayos na ang mga ito. Siguro kung hindi pa nila naisipang gawin iyon ay malamang hanggang nakaw tingin na lang ang kaibigan nila kay Bella kahit sa kabila nito ay may anak na ang mga ito. Iyon ang kinatatakutan niya. Na baka isang araw ay matulad rin siya sa mga kaibigan niya. Baka mabaliw rin siyang katulad ng mga ito sa babaeng mamahalin niya. Hindi niya alam kung matatag rin ba siyang katulad ng mga ito na nagawa pa ring tumawa kahit ang totoo ay kitang-kita naman sa mga ito ang labis na sakit na nararamdaman. Bigla na lamang siyang napatingin sa natutulog na si Daniela. Kaagad gumalaw ang kanyang panga habang matalim niya itong tinitignan. 'No! It won't happen.' Hindi niya hahayaan ang kanyang sarili na matulad sa mga kaibigan niya. Siguro ay darating din iyon sa tamang panahon kasi hindi naman niya kayang pigilan ang kanyang puso na huwag magmahal ng totoo. Pwedeng sa iba pero hinding-hindi sa babaeng ito! Hindi isang gold-digger lang ang makapagpalambot sa kanya. Hindi isang Daniela Oliveros lang ang babago sa kanyang pagkatao. Lalong-lalo na at pinagsawaan na ito ng kapatid niyang si Waki. Gusto niya kasi sa isang babae ay siya lang ang lalaki sa buhay nito at ayaw niya ng may kahati. Oo, inaamin niyang playboy siya pero hindi pa siya nababaliw na kung sinu-sino na lang ang babaeng papatulan niya na basta-basta na lang din niyang matipuhan. "Yeah, you are right. May babae nga akong kasama. Pero hindi gaya ng ini--" "Okay, I'll tell them na umuwi ka na with hotbabes. Bro, make it ten rounds okay?" putol nito sa paliwanag niya na tinawanan pa siya nito sa kabilang linya. "Sirau--" Bago pa niya mabigkas ang bwelta niya sana rito ay pinatayan na siya nito ng phone. "Siraulo talaga!" aniya at napapailing na lang sa kalokohan ng kaibigan. Agad niyang binalingan si Daniela na hanggang ngayon ay tulog na tulog pa rin sa katabi niyang upuan. Nakanganga pa ito dahil bahagyang nakatingala ang ulo nito. "Tss...Kahit nakanganga ka ay napaka-sexy mo pa rin tignan.." mahinang sabi niya at hindi maiwasan ang ngumiti ng bahagya. Pinagmasdan niya ito nang mabuti pero mukhang lasing na lasing talaga ito dahil hindi man lang nagising sa byahe. Kaya kailangang madala niya na agad ito sa kanyang suite dahil baka kung ano pa ang pumapasok na kahalayan sa isip niya sa babaeng walang kamalay-malay kung saan na ito ngayon naroon. Mabilis niyang tinanggal ang seatbelt niya at isinunod na rin ang kay Daniela. Agad niya itong pinangko na parang sako lang ng bigas at nagmamadali na siyang pumasok sa loob ng hotel. Nakita siya ng isa sa mga guard na naroon at agad siyang nitong nilapitan. "Sir gus--" Naputol ang sasabihin nito sa kanya nang bigla siyang sumenyas dito na para tumahimik. "Ssshhh!" saway niya at inilagay ang kamay sa kanyang bibig. Agad naman nitong nakuha ang pag-senyas niya kaya hinayaan na lamang siya at hindi na muli itong nagsalita pa. Agad siyang pumasok sa elevator na binuksan naman nito para sa kanila at para hindi na rin niya kailangan pa na maghintay. Kaya ilang saglit lang ay narating na agad niya ang kanyang suite nang walang aberya habang pangko niya ang isang babaeng lasenggera. Dahan-dahan niya itong nilapag sa malambot niyang kama. Napabuga pa siya nang marahas ng maayos niya itong naihiga. Ngunit bigla siyang natigilan nang makitang gumalaw ito ng bahagya at parang aligaga ito sa ayos. Galaw nang galaw. Tila ba may hinahanap ito sa higaan. "Ang likot pala nito matulog.." usal niya at napapailing na lang sa kanyang sarili. Tatalikod na sana siya nang makita niya itong bumangon pero nakapikit pa rin ang dalawang mata. Walang imik na pinagmamasdan niya lamang ito kung ano gagawin nito. Maya-maya ay nakita niya itong tila naiirita at bahagyang nagsalita. "Arghh….Ang init.." naiiritang sabi nito at hinawakan ang suot nitong damit. Gano'n na lamang ang pagdilat niya nang walang kaabog-abog nitong tinanggal ang suot nitong dress at agad na sinunod ang suot nitong bra. At ngayon ay kitang-kita niya na tanging panty na lang ang natirang saplot nito sa katawan bago muling humiga ng patihaya. Halos sasabog na ang kanyang dibdib sa pagpipigil ng kanyang hininga dahil kitang-kita niya kung gaano kaganda ang katawan nito at kung gaano ito ka-perpekto. "Oh f**k! Gold-digger, what have you done to me?" hingal na hingal niyang sabi nang matauhan bigla. Halos madapa pa siya nang tumalikod at nagmamadaling pumasok sa banyo saka mabilis na binuksan ang shower. Pakiramdam niya lagnatin na siya sa sobrang init ng katawan niya dahil sa paghuhubad ni Daniela sa kanyang harapan mismo. Ni hindi niya akalain na gano'n kabilis mag-react ang katawan niya sa paghuhubad nito. "Sh*t!" Napabuga lamang siya ng marahas habang itinodo niya sa malamig ang shower saka muling napabuga ng sunod-sunod nang medyo humupa na ang nag-aapoy niyang katawan. Dahan-dahan niya na ring hinubad ang kanyang damit na suot dahil hindi man lang niya ito nagawang hubarin bago pumasok sa shower room. "F**k! F**k! F**k!" sunod-sunod niyang mura dahil sa pagwawala ng kanyang libido na si Daniela ang may gawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD