Kabanata 2

2234 Words
Kahit hindi naging maganda ang kinalabasan ng pag-uusap naming lahat kanina ay nakinig naman sila kay Mang Tonyo na sumilong muna kami at para makapag-usap nang maayos. Nagpaalam ako sa kanila na tatawagan ko lang ang kaibigan kong si Davina dahil hindi ko napansin ang mga tawag niya kanina, naisip ko na baka emergency iyon. Lumayo ako kung nasaan sina Kian dahil kahit sa malawak na hacienda na ito ay parang hindi ako makahinga kapag sila ang nakikita ko. “Hello, Davina. Bakit ang dami mong tawag kanina? May problema ba?” “Problema kaagad, friend? Puwede bang mangumusta lang sa iyo? Busy ka naman masyado sa hacienda na iyan. Gusto ko lang makibalita. Nagkita na ba kayo ni Kian?” tanong niya. “Walang hiya kang babae ka! May alam ka pala na sila ang interesado sa hacienda na ito at alam mong magkikita kami pero hindi mo man lang iyong nabanggit sa akin!” “Surprise! Aba! Hindi ko kasalanan kung ayaw mong nakikinig sa mga ibinabalita ko sa iyo kapag may interesado sa lupain na iyan, ah! Hindi ko na inulit dahil gusto ko lang na mapahiya sila! Ang sasama ng ugali nila kaya puwede ba ay huwag kang maging marupok kay Kian kahit na ubod ng guwapo iyang ex-boyfriend mo, ah?!” “Shut up, Davina! Walang marupok dito dahil nasa Manila ka. Ayaw na nga kitang kausapin, nasaan na ba si Dianna?” “Tulog na tulog si kumareng Dianna rito! Tatawag na lang ulit ako mamaya para magkausap naman kayo. Basta galingan mo riyan at huwag kang magpapatalo sa mga iyan, ah! Huwag kang magpapadala sa ka-guwapuhan ni Kian!” “Babay na nga, paulit-ulit ka naman diyan. Mag-iingat kayo.” Saglit lang kaming nag-usap pero ilang beses ba niyang sinabi na guwapo si Kian? Kahit napakasama ng loob ko sa kaniya at sa pamilya nila ay hindi ko kaya na kamuhian siya nang tuluyan. Naalala ko lang ulit kung paano niya tinawag ang pangalan ko. Bakit pakiramdam ko ay hindi lumipas ang pitong taon? Bakit parang walang pinagbago sa pagbilis ng t***k ng puso ko para sa kaniya? Tama si Davina! Hindi ito ang oras para maging mahina! Pabalik na ako sa opisina ng Donatella Hacienda noong hindi ko napansin na may bato pala roon kaya ang tatanga-tangang dilag ay nadapa pa! Pagtatawanan pa ako ni Davina kung nakita niya ako ngayon, tama ang desisyon ko na hindi na siya isama rito. Jusmiyo! “Are you alright?” Nanigas ang buong katawan ko noong narinig ko ang boses ni Kian. Bakit nandito siya? Kanina lang ay nandoon siya kasama nina Mang Tonyo, ah? Tinulungan pa niya akong tumayo pero inalis ko ang kamay niya na nakahawak sa akin at hindi ako sumagot. Nagpatuloy ako sa paglalakad pero sinabayan pa niya ako. “Amity, kumusta ka na? Paano ka napunta rito?” Huminto ako dahil nahihirapan talaga akong huminga sa paraan ng pagkausap niya sa akin. Hindi naging maganda ang paghihiwalay namin dahil kitang-kita naman iyon sa paraan ng pag-uusap namin ng kapatid niyang si Samantha kanina. “Bakit mo ba itinatanong? Sasabihin mo rin ba ang mga panlalait na sinabi ni Samantha? May kulang pa ba sa sinabi niya? O gusto mo rin ba akong tingnan mula ulo hanggang paa, puwede naman kitang bigyan ng chance na gawin iyon.” “Of course not, Amity. Alam mo na hindi ganiyan ang tingin ko sa iyo. What I want right now is to hug you. Will you give that chance to me?” Natahimik ako sa sinabi niya. Marami pa akong gustong sabihin at isumbat sa kanya pero hindi magandang ideya na tumitig sa mga mata niya dahil nawawala sa isip ko ang mga gusto kong sabihin. “I’m just glad to see you again,” dagdag pa niya. “You do?” “Yes.” “Well, I’m not happy to see you again.” Binilisan ko na lang ang paglalakad ko dahil kung makapagsalita siya ay parang wala lang ang nakaraan samantalang ako ay hindi ko makalimutan ang lahat ng hirap na pinagdaaan ko dahil sa kaduwagan niya. Bakit naman siya matutuwa na nagkita kami ngayon? Hindi ba niya naaalala ang mga sakit na ipinaramdam niya at ng pamilya niya sa akin noon? Paano kung ako naman ang magparamdam sa kanila ng sakit na iyon? NAG-UUSAP PA RIN SILA nang makabalik ako roon at narinig ko pa ang pagrereklamo ni Samantha kung talaga bang dapat kasama namin ang mga taong ito sa pag-uusap. Nadamay lang naman sila pero ang punto niya ay kung dapat bang kasama ako habang nag-uusap sila rito. Siya ang nagbibigay ng offer kay Mang Tonyo kung magkano ang gusto nito para lang ibenta na ang Donatella Hacienda. Nilapitan ako ni Mang Tonyo para ipakita iyon sa akin dahil malabo na rin ang mata niya. “Bakit mo ba gustong bilhin ang Donatella Hacienda?” tanong ko sa kaniya habang binibilang sa zero sa offer niya kay Mang Tonyo. Sobrang laki ng offer nila pero kagaya ng sinabi ko kanina ay hindi naman ito ibinebenta. Nagsimula na naman maging maldita ang itsura niya. “Ang una kong gagawin kapag nabili ko ito ay palalayasin kita sa lugar na ito. Ayaw ko na nakikita kita sa lupain ko.” Hindi pa man niya pagmamay-ari ang lupain na ito ay ganito na siya. Nakita kong tumingin sa akin sina Tiya Sandra at ang mga kasama namin at ngumiti lang ako sa kanila. Pagkatapos niyang sabihin na palalayasin niya ako rito kapag nabili niya ang lupaing ito ay pinunit ko ang papel na ibinigay niya kay Mang Tonyo na ipinasa nito sa akin. “How dare you!?” sigaw niya at halata naman na nagulat sila sa pagpunit ko sa papel na iyon. It’s showtime! “Samantha, I think we have some misunderstanding here. Hindi mo yata kilala kung sino ang kausap mo at hindi mo alam kung kanino ka dapat maging mabait. Kayo ang nagpunta rito para makiusap na ibenta ang lupaing ito. Malakas ang loob mong pagsalitaan ako ng ganiyan dahil alam mo ang nakaraan ko at may pera ka . . . pero sino ba ang nagsabi sa iyo na ibebenta ko ang Donatella Hacienda? Kung ikaw kaya ang palayasin ko sa teritoryo ko? Nagsasayang lang kayo ng panahon sa pagpunta sa lugar na ito dahil hinding-hindi ko ito ibebenta lalong-lalo na sa iyo, Samantha. Mahalaga ang mga taong naninirahan dito at alam ko na hindi mo alam ang salitang pagpapahalaga lalo na sa itinuturing niyong mas mababa sa inyo, hindi ako makapapayag na iparamdam niyo iyon sa kanila.” She laughed as if it was really a joke. “What are you saying? Sinasabi mo ba na pagmamay-ari mo ang lahat ng ito? Are you that ambitious, Amity?” “Yes, I’m ambitious, Samantha. Are you now satisfied with that answer? Walang masama sa pagiging ambisyosa lalo na kung wala naman akong ginagawang masama at wala akong sinasaktan. Ano ba ang balak mong gawin sa lupain ko?” Nakita ko pa na tumayo si Analyn Quiros, ang nanay nina Samantha, dahil hindi siya makapaniwala sa sinabi ko at halata iyon sa mga reaksyon nila. Puno ng paggalang ang pagtawag ko sa kanila noon pero sa tingin ko ay hindi na sila karapat-dapat doon kaya kung ayaw nila sa akin noon at ngayon . . . walang mamimilit at magmamakaawa sa kanila ngayon. “Mang Tonyo, ano ba ang sinasabi ng babaeng ito?” “Mr. and Mrs. Quiros, ang Donatella Hacienda at maging ang Donatella Hotel na tutuluyan ninyo sa Siargao ay pag-aari ni Amity. Kahit tanungin niyo pa ang buong staff at taong makikita niyo sa hacienda na ito ay kilala siya. Hindi ko alam kung ano ang alitan na mayroon sa pagitan ninyo pero kagaya ng sinabi ko sa inyo bago kayo pumarito ay hindi ibebenta ng may-ari ang lupain na ito . . . kahit gaano pa kalaking halaga ang sabihin ninyo sa kaniya ay hindi ito ibebenta.” “Unbelievable!” singhal ni Samantha. It’s now my turn to smirk. “You may leave to my place, Samantha,” I said and smirked again. Matagal-tagal ko ring pinangarap na masabi ito sa kaniya. Hinding-hindi ko makalilimutan kung paano nila ako pinahirapan. Hindi pa sana ako magpapakita sa kanila pero sila na ang lumapit sa akin ngayon. Hindi naman nagtagal ay may mga guwardiya na lumapit sa kanila para sabihin ang daan palabas at nakita ko kung paano magwala si Samantha. Wala pa rin siyang ipinagbago at base sa naging pag-uusap namin ay mas lumala lang siya. Sinabi ko sa kanilang lahat na huwag mabahala dahil hindi ko ibebenta ang lugar na ito dahil hindi pera ang katumbas ng mga ala-ala na naiwan ng isa sa importanteng tao sa buhay ko. Nagpasalamat sila sa akin at sinabi ko na magpahinga muna bago ituloy ang ginagawa nila dahil pupunta pa ako sa hotel para kumustahin din ang mga tao roon. Hindi ako nananatili rito pero sinisiguro kong nakadadalaw ako rito para kumustahin ang mga tao at negosyo namin dito. Mapagkakatiwalaan naman ang mga taga-pamahala ko rito at alam kong napaliligiran ako ng mga taong mapagkakatiwalaan. NANG MAKARATING NAMAN AKO sa Donatella Hotel ay kinausap ko kaagad si Ana, pinsan ng kaibigan kong si Davina na naninirahan sa Siargao na siya na ring naging taga-pamahala ko rito sa hotel, para kumustahin ang mga nangyayari sa hotel na ito. “Alam mo naman siguro na nandito na sila dahil balita ko ay nagkita na kayo.” Parang si Davina rin ito na paulit-ulit kaya masarap din pagbuhulin ang magpinsan na ito, eh. “Nasabihan ka na naman ni Davina na magtanong tungkol sa kaniya, ’no? Alam kong nandito sila at nakapag-usap pa nga kami pero bahala na sila sa buhay nila. Masaya naman ako sa kung ano ang mayroon ako ngayon.” “Aba! Oo naman! Kung ako man ang maging bilyonaryo ay magiging masaya rin naman ako!” “Bilyonaryo ka riyan, sira ka talaga. Kumusta ka naman dito?” “Ayos lang naman ako. Basta babalik kayo rito kasama sina Dianna sa kasal ko, ah?” Ikakasal na nga pala siya kaya nagiging bitter na naman kami ni Davina. “Siyempre, hindi puwedeng absent kami dahil kami nga ang sisigaw na itigil ang kasal, hindi ba?” Tinawanan lang niya ang sinabi ko pero inirapan din niya ako dahil sa ganoong biro ko. “Salamat naman na kahit malayo na ang narating mo ay hindi ka pa rin nagbabago. Bilib na bilib sa iyo ang mga tao rito kaya mahal na mahal ka namin, eh.” “Nagsisimula ka na naman mag-drama. Sige na nga, magpapahinga muna ako sa kuwarto ko rito. Tumawag ka na lang kapag may emergency, ah?” “I can handle this, Amity. Magpahinga ka naman kapag nandito ka.” “Thank you.” Nagsimula na akong maglakad-lakad bago pumasok sa kuwarto ko. Hindi pa man ako nakalalayo ay napahinto na ako noong nakasalubong ko si Kian na sa tingin ko ay katatapos lang kumain. Kaagad naman siyang lumapit sa akin. “Amity, can we talk?” he asked. “Bakit?” “Ang tagal nating hindi nagkita, gusto lang kitang makausap.” “Alam mo naman na may allergy sa akin ang buong pamilya mo at sa pagkakatanda ko naman ay wala na tayong dapat pag-usapan.” Sumasabay pa rin siya habang naglalakad ako. “Are you married?” Napalingon naman ako noong itinanong niya iyon. Ganoon talaga kadaling magtanong para sa kaniya ng mga ganitong bagay? Baka nga kasal na kami ngayon kung hindi lang siya naging duwag . . . pero hindi ko naman iyon sasabihin dahil baka sabihin pa niya na totoo ang sinabi ni Samantha na mahal ko pa rin siya. “I think you already answered my question since you are not wearing a ring. Are you staying here? Kaya siguro hindi na kita nahanap.” I smirked. Dumadalas ang ganoong gawain ko ngayong araw, ah. “Sinasabi mo ba na hinanap mo ako? Your family knows exactly where I am, Kian.” “Finally, you said my name.” Huminto ako para humarap sa kaniya at para magtanong ng, “Bakit mo ba ako kinakausap?” Nagulat na lang ako noong bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako papalapit sa kaniya para yakapin. Napapikit na lang ako noong mas humigpit pa ang pagyakap niya sa akin. Bakit ganito pa rin ang nararamdaman ko para sa kaniya? “Alam kong marami tayong hindi pagkakaunawaan noon pero masaya ako na muli kitang nakita at gusto ko lang malaman mo na proud ako sa iyo. Alam kong pangarap mong maging maayos ang buhay niyo at higit pa roon ang narating mo ngayon. Hindi naman ako nagduda sa kakayahan mo noon, Amity. I’m so proud of you and I’m really glad to see you again.” Bago pa siya magsabi ng mas marami pang bagay na magpapalambot sa puso ko ay umalis na ako sa pagkakayakap niya. Hindi ko siya kayang kamuhian nang sobra pero hindi ko rin alam kung kaya kong magpatawad. At dahil muling nag-krus ang landas namin, sisiguraduhin ko na mararamdaman nila ang lahat ng naramdaman kong sakit noon. Hindi na ako ang Amity na kaya nilang saktan nang paulit-ulit, hinding-hindi ako papayag na muling maramdaman ang sakit na iyon. Doble ang sakit na ibabalik ko sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD