bc

AMITY: Just An Ordinary Woman

book_age12+
16
FOLLOW
1K
READ
revenge
independent
self-improved
single mother
drama
heavy
realistic earth
friendship
rejected
like
intro-logo
Blurb

Si Amity ay isang ordinaryong babae at iyong pagiging ordinaryo niya ang nagsilbing insulto sa kanya ng pamilya ng nobyo niya noon na si Kian. Maraming masakit na nangyari sa nakaraan niya at sa muling pagkikita nila ni Kian at ng pamilya nito ay handa na siyang ibalik lahat ng sakit na ipinaramdam ng mga ito sa kanya noon.

Magtatagumpay kaya siya sa paghihiganti na binabalak o susuko siya at magmamakaawa sa kanila kagaya ng dati?

May magandang maidudulot ba sa buhay niya ang paghihinganti na gagawin niya?

Paano kung sa muling pagkikita na iyon ay makaramdam pa rin siya ng pagmamahal kay Kian? Iyon ba ay gagamitin niyang lakas sa paghihiganti o iyon ang magiging kahinaan niya na siyang dahilan para masaktan siyang muli?

AMITY: Just An Ordinary Woman

Entry on Yugto Writing Contest - Girl Power

All Rights Reserved

December 20, 2021 © NYLARIZZA

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Nakatingin ako sa malawak na paligid habang nilalasap ang sarap ng simoy ng hangin. Tumayo na ako para magbanat ng buto dahil literal na magbabanat ako ng buto ngayong araw dahil magtatanim kami ng maraming gulay at halaman sa paligid, mabuti na lang din na hindi ganoon kainit sa balat ang sikat ng araw kaya hindi iyon makaradagdag sa pagod naming lahat. “Donatella Hacienda,” bigkas ko nang mabasa ang nakasulat sa gate na pinasukan ko habang patuloy na pinagmamasdan ang paligid. Donatella means a beautiful gift and it is indeed a beautiful gift for all of us. Pinagmasdan ko rin ang mga kasama ko na magtatanim, nakahanda na kaming lahat na mayroong mahahabang manggas ang aming kasuotan para hindi rin masira ang balat namin sa ganitong aktibidad. Nakitang kong papalapit sa akin si Mang Tonyo, matanda na siya pero kasayahan niya ang pagtatanim kaya pinapayagan pa rin siyang sumama sa amin ng mga tao rito. Isa pa, naging tradisyon na rin dito na tulong-tulong kaming magtatanim. “Ang ganda naman ng ngiti mo, Amity. Nabanggit na ba nila sa iyo na mayroong magpupunta ritong taga-Maynila para mangumbinsi na ibenta ang lupaing ito?” tanong niya sa akin. Naririnig ko rin ang usap-usapan na may mayamang pamilya na gustong bumili ng Donatella Hacienda ngunit alam naman ng lahat ng tao rito na hindi ito ibinebenta sa kahit gaano kalaking halaga. “Hindi ho ba sinabi na ninyo sa kanila na hindi ho kayo interesado na makipag-usap sa kanila? Pupunta pa ho talaga sila rito para lang mangumbinsi?” tanong ko pa sa kaniya. Nabanggit na rin naman niya sa akin noon na may dumalaw rito at mukhang interesadong bilhin ang lupain na kaagad naman niyang sinabi na hindi ipinagbebenta. Masasayang lang ang oras nila kung iyon lang ang dahilan ng pagpunta nila rito. “Nagtatanong pa lang sila tungkol sa lugar na ito ay sinabi ko na kaagad na hindi ito ibebenta at kailanman ay hindi ito ibebenta pero talagang gusto nila ang hacienda na ito kaya kung maaari ay ikaw na ang makipag-usap sa kanila kapag dumating sila rito. Baka kaya nagtitiyaga sila na mangumbinsi ay ako na matanda lang ang kausap nila at baka iniisip nila na kaya nilang bilugin ang ulo ko.” Natawa pa ako sa sinabi niya dahil ayaw niya na tinatawag siyang matanda pero sa tuwing may kakausapin naman ay inaamin niya iyon sa akin para lang ako na ang makipag-usap sa mga tao. “Sige ho, wala ho iyong problema.” Hindi naman nagtagal ay nagsimula na kami at kahit nakapapagod ang ginagawa namin ay hindi kami nawawalan ng oras na mag-usap at magkumustahan. Kaunti lang ang tao rito sa Donatella Hacienda kaya magkakakilala at magkakasundo kaming lahat. Sadyang mahirap ang buhay pero nananatiling mabubuti ang mga tao rito kahit ilan pa ang mga nakasalamuha naming mayayaman at matapobre at iyon din ang dahilan kung bakit gusto ni Mang Tonyo na ako na ang kumausap sa mga darating dahil ayaw niyang marinig na minamaliit na naman kami ng mga tao mula sa mayayamang pamilya. Hindi naman sila ang kauna-unahang pamilya na gustong bumili sa lupaing ito. Kung mayroon mang nakaiintindi sa nararamdaman niya ay ako iyon dahil alam na alam ko kung paano maliitin ng mayayaman ang tulad namin. Hindi naman porke lupa, putik, at d**o ang mga nahahawakan ang kamay namin ay dapat na kaming pagsalitaan ng masasakit. Napa-iling na lang ako sa naisip ko. Masyado ko namang nilahat ang mga mayayaman na nagpupunta rito, baka naman sa pagkakataong ito ay mababait na ang makikipag-usap sa amin. “Amity, alam mo rin ba na plano nilang manatili rito? Mukhang bakasyon din ang ipinunta nila rito,” bulong sa akin ni Tiya Sandra habang nagsisimula na naman naming pag-usapan ang tungkol sa mga pupunta rito. Tiya at Tiyo ang tawag namin sa mga nakatatanda rito dahil nga pamilya ang turingan namin pero si Mang Tonyo lang ang ayaw magpatawag ng Tiyo dahil hindi raw iyon bagay sa itsura niya, biro lang naman niya iyon pero nakasanayan na ng lahat ng Mang Tonyo ang tawag sa kaniya. Simple lang ang buhay rito at kaya nga kami nagtatamin ay para sa pagkain namin. Itong itinatanim namin ay hindi para ibenta dahil iba ang espasiyo sa hacienda para sa mga aanihin upang ibenta at iba rin ang espasiyo para sa mga aanihin para kainin ng mga taong sakop ng hacienda na ito. Napalingon kami noong mayroong magagarang sasakyan na huminto sa harapan ni Mang Tonyo habang ito ay nagpapahinga kaya naman nagpaalam ako sa iba naming kasama para tulungang makipag-usap si Mang Tonyo sa kanila. Naghuhugas ako ng kamay at napalingon ako noong may nagtanong sa akin kung nasaan ang palikuran dahil dito raw siya itinuro ni Mang Tonyo. “Excuse me, where’s the rest room?” pag-ulit pa niya dahil sa hindi ko pagsagot. “Hindi ka ba nakaiintindi ng English? Ang tanong ko ay kung nasaan ang palikuran,” sabi pa niya habang patuloy na nililinis ang sapatos niya. Hindi lang naman kaagad ako nakasagot dahil nagulat ako na siya ang kaharap ko ngayon pero mas nagulat ako na sa tagal ng hindi naming pagkikita ay wala man lang nagbago sa ugali niya. Sa tanong niya kanina ay ipinamumukha niyang mangmang ako at sa paraan naman ng pagtingin niya sa kasuotan ko ay halatang nang-iinsulto na. Nakatago ang mukha ko kaya tinanggal ko ang telang nakatakip sa mukha ko bilang proteksiyon sa araw dahilan para makilala niya ako. “Amity! It’s really you!” sigaw ulit niya at lumayo pa sa akin upang pagmasdan ako mula ulo hanggang paa. Nagtatanim ako kaya malamang ay hindi kaaya-aya sa paningin niya ang kasuotan ko. “Oh my gosh! Bagay na bagay sa iyo sa suot mo. I didn’t expect to see you here. Kailan ba tayo huling nagkita? Oh yes, I remember that moment when you cried in front of our house and begging for my brother. I can’t believe na magkikita tayo rito at wala pa ring ipinagbago ang buhay mo. Umalis ka lang sa Manila at napadpad sa Siargao pero ganoon pa rin ang buhay mo, mabuti na lang talaga at nagising ang kapatid ko sa katotohanan.” Napayukom ang kamay ko dahil sa ipinaalala niya sa akin.  Sige lang, maliitin mo lang ako kung iyan nakapagpapasaya sa iyo. “Akala ko ba rest room ang hanap mo? Masyado mo bang namiss ang ex-sister-in-law mo?” Gusto ko na lang din masuka sa sinabi ko. Sister-in-law?! Kadiri! “That’s gross, Amity! Pinangarap mo talaga na maging sister-in-law ko? For your information, my brother is happy with his CEO girlfriend.” Binigyang diin pa niya na CEO ang girlfriend ng kapatid niya. “I’m also happy with my life, Samantha. Happy and contented . . . unlike some people I know.” Her brother, Kian, is my ex-boyfriend and we also live together with his family but they only agreed to made me realized how badly they want me to leave them alone. Naging mabuti naman ako sa kanila pero ayaw nila sa akin sa kadahilanan na mahirap lang ako at mayaman sila. It’s a cliché reason but it is really true. Alam niya na pamilya niya ang tinutukoy ko pero hindi ko inaasahan na susugurin niya ako para sampalin at sabunutan! Dahil sa gulat ko sa ginawa niya ay natulak ko siya at dahil nawalan siya ng balanse ay natumba siya nang hindi ko sinasadya. Nagkataon naman na noong tutulungan ko siya ay dumating ang mga kasama kong nagtatanim kanina at maging ang kasama ni Samantha ay nandoon din at muli kong nakita ang mga malulupit na magulang nila. “Samantha! What is happening here?” tanong ni Analyn Quiros, nanay ni Samantha. Pagkatapos niyang sabihin sa mga kasama nila na tulungang tumayo si Samantha ay napalingon siya sa akin. “Amity?” pagtawag niya sa akin. “Mommy, bigla na lang niya akong sinugod! Sinabi ko lang naman na masaya na si Kian sa buhay niya!” As expected, wala naman siyang alam gawin kung hindi umarte na biktima at magsinungaling. Hindi na ako nagulat dito. Hindi ko naman din inaasahan na sasaktan din niya ako ngayon. Sinaktan na nga niya ako noon at sa muling pagkikita namin ay ganoon kaagad ang gagawin niya. Nakasasama ng loob. Kung mabuti siya sa akin ngayon ay baka magbago pa ang tingin ko sa kanila pero sa paraan pa lang ng titig nila sa kasuotan ko ay alam ko na hindi sila nagbago at baka nga wala na silang pag-asa na magbago pa. Pumagitna si Mang Tonyo sa amin para sabihin na huwag magsigawan dahil kaya naman iyong pag-usapan nang mahinahon pero sadyang sumisigaw si Samantha at galit sa akin habang ipinaliliwanag na sinaktan ko siya. Gusto ko na lang sabihin sa kaniya na walang maniniwala sa kaniya dahil kilala ako ng mga tao rito at hindi ko kayang manakit kagaya ng ibinibintang niya. “Samantha, puwede bang huminahon ka? Wala ka sa teritoryo mo at kung tama ang pagkakaalam ko ay nandito kayo dahil kayo ang may kailangan, hindi ba? Sa ipinakikita mo, hindi nila magugustuhan ang ganiyang pag-uugali.” Ang ilan sa mga batang anak ng mga kasama namin na nagtanim kanina ay nagtatago na rin dahil masyadong mataray at matatalim ang mga salitang ginagamit ni Samantha. Sa halip na maging mahinahon siya kagaya ng hiling ko sa kaniya ay bigla na lang niya akong sinugod para itulak at dahil hindi naman ako handa ay nawalan ako ng balanse kaya inihanda ko na ang sarili ko na matumba pero bigla ko na lang naramdaman na may kamay sa beywang ko at pagtingin ko sa taong nakasalo sa akin ay parang na-kuryente ako at bigla na lang napalayo sa kaniya. “Amity,” pagtawag niya sa akin. It’s Kian. Damn this heart! Bakit kasama siya ng pamilya niya? Maaari naman na hindi siya kasama ngayon tutal ay palagi naman siyang busy noon. Pero napamura ako dahil kahit ang tagal na panahon na hindi kami nagkita ay walang ipinagbago ang reaksyon ng puso ko sa kaniya. Hindi ako makapaniwala na sa layo ng narating kong lugar ay magkikita pa ulit kami. I heard someone smirked and I looked at Samantha’s direction. “See? He just called you and yet you are blushing. Are you still head over heels in love with my brother, Amity?” Great! Alam na alam ni Samantha kung paano magpahiya ng tao. Malalaman pa ng mga tao rito na naging nobyo ko ang mayamang lalaki na ito na may matapobreng pamilya. Sinabi ba niyang nag-ba-blush ako? Masyado naman niyang ipinagsigawan na minahal ko ang kapatid niya. Paano ko pa kaya sila kakausapin kung ganito na ang naging simula namin? Hindi ako makapag-isip nang tama dahil ramdam ko ang malagkit na pagtitig sa akin ni Kian. Saglit ko lang pinagmasdan ang mukha niya at masasabi ko na . . . mas lalo lang siyang naging guwapo sa paningin ko. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.3K
bc

His Obsession

read
104.9K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.4K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook