Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa isip ko ang sinabi sa akin ni Theo. Alam kong nagsasabi siya ng totoo at hindi iyon isang biro lamang. Mawawala ng parang bula sa isip ng lahat si Luke kapag umalis ako sa puder niya nang hindi nagpapaalam. Napakalayo sa katotohanan ngunit posibleng mangyari dahil nandito ako ngayon sa mundong puro kakaiba ang nangyayari. Pakiramdam ko ay nasa isang Fantasy Movie ako at Fantasy World. Parang dati lang ay pinanonood ko lang sa sinehana ang mga ganitong pangyayari pero ngayon ay nangyayari na talaga sa akin. Dinaig ko pa ata si Alice sa nangyayari ngayon sa buhay ko. Puwede na atang pang movie ang nangyayari sa akin. Mahirap paniwalaan pero totoo itong lahat. Ang hirap tanggapin noong una pero ngayon ay sanay na ako. I’m not hallucinating.

