Pareho kami ni Luke na nagulat pagkarating namin sa venue. Hindi 70’s ang theme kaya hindi rin ganoong klase ang suot nilang mga damit. Formal dress at formal attire sila ngayon. Bakit ang nakalagay sa invitation ay 70’s theme kung dapat pala ay formal ang suot? Anong nangyari? “Akala ko 70’s ang theme?” Nagkakamot ulong tanong niya sa akin. “Iyon din ang akala ko. Iyon ang nakalagay sa invitation.” “Kaya nga. Nabasa ko rin sa invitation.” “Bakit kaya naiba?” Nagkibit balikat siya sa akin. Sa bagay, ano nga ba ang alam niya rito? Panay ang tingin sa amin ng mga bisita. Panay din ang pagbubulungan nila sa aming dalawa at may ibang tumatawa pa pagkatapos kaming tingnan at pagbulungan. Imbes na magalit o mainis ay natatawa pa kaming dalawa. Paano ba naman kasi, itong kahihiyan

