Alam ko naapektuhan si Luke sa nalaman niya. Kahit ako ay nalungkot noong malaman kong may ibang babae ang Tatay niya. Mataas pa naman ang tingin niya sa Tatay niya pero ngayon mukhang bumaba dahil sa kaniyang nalaman. Sana ay hindi masira ang relasyon niya sa kaniyang Dad dahil dito, though alam kong may malaking kasalanan ang Tatay niya. Ayokong magkasira sila ng pamilya nila. Ito ba ang tinutukoy ni Theo? Hindi dapat malalaman ito ni Luke kung hindi ko siya sinama sa party. Wala sanang problema. Labis na akong napapaniwala ni Theo sa kaniyang mga sinasabi. “Maaga kang aalis?” Tanong ko sa kaniya. “Dadaan ako sa bahay. Kailangan kong dalawin ang anak ko roon bago pumasok sa school.” “Ganoon ba? Hindi pa ako nakakapagluto ng almusal natin.” “Hayaan mo na, nagluto ako ng itlog

