“Bakit? Hindi ba sumagi sa isip mo iyon? Kasi iba talaga ang treatment sa atin ni Madam sa treatment na binibigay niya kay Peter.” Hindi ko na lang pinansin ang kahibangan niya. Pumunta na kaming Alfero Extension at naabutan namin silang lahat. Kumpleto na pati sila Peter ay naroon na. “Saan ba kayo nanggagaling kayo na lang ang hinihintay,” Narinig kong sabi ni Juanito kay Petra. Inismidan lang ni Petra si Juanito. Ni-announce na ni Madam ang gagawing activity for tonight. Wala raw munang kakain. Talagang sinadya nilang pagurin kami buong maghapon upang magutom. Sabi pa ni Madam ay makakain lamang kami once na matapos ang activity at kung mapagtagumpayan namin iyon. Maraming nagreklamo at kaniya-kaniyang tutol. “Madam pakainin mo muna kami. Gutom na gutom na kami!” “No. Ma

