bc

Sana Akin Ka na Lang Book 1

book_age0+
77
FOLLOW
1K
READ
friends to lovers
goodgirl
CEO
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

Friends turned to lovers, Dominic and Stephanie reached the point of no return. There is no going back after they admitted their love for each other. But what if his arranged marriage with the heiress, Elish Villamor comes between them?

Are they ready to fight for their love? Or they would regret they have admitted of loving each other?

chap-preview
Free preview
Dominic and I
        Naiinis na hinawi ni Steph pakabila yung hanggang balikat na buhok. She looks at her watch and cursed silently.         "Great!" tila naiinis niyang bulong sa sarili. Late na naman siya sa klase niya. Kung kailan naman quiz nila kay Dean Lozada ay saka pa naman nasira ang kotse ng daddy niya. At ng dahil sa kumag niyang kuya Ethan! Ilaban ba naman sa drag racing, ayun kinaumagahan ay tumirik na yung makina.          Nasa huling taon na siya sa kolehiyo, taking up Business Management. And she is barely 19 years old. Maaga na nagsimula siya ng college and when she graduated she will be a part of her father’s business na nasa Minessota kung saan naka base ang kanyang mga magulang. "Hi pet," nakangising bati ng isang lalaki na prenteng nakasandal sa bagong bagong Mazda Mx-5. The gorgeous and childhood friend, Dominic Rafael Saadvera. Inalis nito ang suot na shades. He is wearing a simple white polo shirt and jeans, no doubt na kaya nagtitinginan ang ilang mga babaeng estudyante ay dahil kinikilig sa lalaking kaharap niya.         Napataas ang kilay niya. Eskwelahan niya ang huling lugar na hindi niya aasahan na makikita ang lalaki. Maliban na lamang kung nasangkot na naman ito sa gulo.         "What are you doing here?"         Umalis ito pagkakasandal sa kotse at lumapit sa kanya. Yung tipong halos magdikit na katawan nila. Bigla siyang napaatras, kung bakit naman ay amoy na amoy na niya ang mabango nitong hininga at ang gamit na cologne na kilalang kilala na niya amoy.          Armani.         Her gift when he celebrated his 21st birthday last month. She didn't know why she bothers herself giving him such kind of intimate gift. When he opened his gift, she saw him stiffened. Tila hindi inaasahan ang ibibigay niya, he looked at her and she was speechless, hindi niya kasi alam kung namumula siya habang tinititigan siya nito.         Kulang na lamang ay matunaw siya sa klase ng pagkakatitig nito.         Akala niya ay katahimikan na lamang ang mamagitan sa kanila, when he cleared his throat and smiled at her in his playful way.         "Ang mahal naman nito? Binawas mo ba sa allowance mo?" nakangising sabi. "Baka hindi ka na makakain sa loob ng tatlong buwan?"         Inis na hinampas niya ang lalaki.         "Can't you even say thank you ,Steph?" iritang sabi niya. Agad na nawala ang pagka asiwa at napalitan ng inis. Kahit kailan hindi maka appreciate ang lalaking ito. She is just as giving back something to him dahil nung nag birthday siya, he bought her a Louis Vuitton bag after his vacation in US.         Natawa ito at ginulo ang buhok niya, inis na iniiwas niya ang buhok. Hanggang ngayon, gawain pa rin nitong guluhin ang kanyang buhok.         "Hey!"         Tila nagising siya sa pagkakaalala ng nakaraan. Nasa harap pa rin niya si Dominic na nakangisi. "You are miles away, wala ka bang klase?"         Nang marinig ang salitang klase ay nanlaki ang mga mata niya. May quiz nga pala sila!          "Oh s**t, I am so late!" at nagtatakbong palayo kay Dominic after saying her rush goodbye.         Ni hindi na niya naitanong bakit ito naroon.         "HAY, ano bang klaseng quiz yun?" nadi-dismayang sabi ni Venna. "Aba, wala man lang lumabas sa mga na i review ko."          Napatingin lamang siya sa kaibigan. Ganon naman talaga si Dean Lozada, kailan ba nagbigay ng exam na madali. Itinutok niya uli ang tingin sa binabasang notes, yung susunod nilang subject after lunch ay may exam din sila. Sa isang coffee shop outside school muna sila tumambay ni Venna.         "Oh, new flavor of the month."          Nag-angat siya ng tingin na marinig ang sinabi nito. She saw her na tila wala na sa pagkakadismaya sa exam ang atensyon. Kung hindi sa gate ng kanilang school kung saan may nakaparadang sports car na kilalang kilala niya. Kumunot ang noo niya ng makita kung sino ang inaalalayan ng lalaki papasok sa loob ng kotse.         Sabrina De Vera. Campus Queen. Or more appropriate, campus flirt.         Ibinalik na lamang niya uli ang tingin sa binabasa. So, siya pala ang business ni Nic kaya napadaan ng ganito kaaga sa eskwelahan nila.      "Your friend is so damn hot that she dumped Drake in one second," dagdag nito. "Sabagay, mas prominent si Dom kesa kay Drake, why he is running his father's empire now."         He is one of the top executive ng business ng mga Saadvera. At his very young age, he acquired the position kahit hindi ito ang forte ng binata. He graduated as Civil Engineer. Pero mas pinili na sundin ang ama.         "Hoy!"         Napatingin siya dito. "Ano ba? Nag-re review ako," inis niyang sabi.         "Review ka ng review dyan, kwentuhan mo na lamang ako sa date nyo mamaya ni Gio. San ka daw niya dadalhin?" tila kinikilig nitong sabi.         Sumimangot siya. "Eh di ikaw ang sumama sa kanya ng malaman mo," walang gana niyang sabi.         Hindi nga niya alam bakit siya sasama kay Gio samantalang hindi naman niya ito gusto. He is giving signals to her since day 1 na nakilala nila ito . But she knows he is not the one. There are no butterflies in her stomach, no 10000 volts running her spine when she sees him. Nothing.         Zero.         And to think he is a very good looking guy. Hindi man kasing lakas ng appeal kagaya ni Nic.         Napakunot ang noo niya sa tinatakbo ng isip.         Kailan pa naging malakas ang appeal sa kanya ni Nic? He is not. He is just a good looking guy, too.         Kaya nga nai -dump ni Sabrina si Drake for him, tila tudyo ng isang bahagi ng utak niya. Inis na binalik niya ang atensyon sa binabasa. Hindi niya alam bakit siya naiinis kapag naaalala ang eksena kanina.         She went straight home matapos ang klase niya ng 3 pm. May usapan sila ni Gio na susunduin siya around 7 pm para mag dinner.          Ibinagsak niya ang sarili sa kama. She is already 19 at walang boyfriend. She had one during high schools, but nothing so serious about it. She has had few suitors, pero hindi niya alam why she did not permit herself to be into a relationship. Palagi na lamang may kulang sa kanila. Not physically, but something so deep.         She is looking for love.         That feeling na parang wala kang ibang gustong makita kung hindi siya.         Na parang kayo talaga ang nakalaan para sa isa't isa.         She sighed. Gio is a good catch; he is good-looking and rich. Hindi niya alam why she is so reluctant giving him a chance. Pumayag lamang siyang makipag date dahil birthday nito ngayon.         She closed her eyes at biglang sumingit ang mukha ni Nic. Napamulat siya ng mata.          Saan na naman kaya dinala ng kumag na yon ang malanding si Sabrina? Malamang naglalampungan na ang mga yon. Inis na tinakpan niya ng unan ang mukha.          Bakit ba lagi nitong ginagamt pabango na niregalo niya? Natural, sayang eh. Sagot ng utak niya. Oo nga naman.          Ang mahal kaya nun. Pina shipping pa niya.         He wears it the very first day na nagkita sila. One week after his birthday. Nadatnan niya itong nasa veranda sa second floor ng bahay nila. Halatang nag iinom sila ng kuya niya. Yun nga lamang wala don ang kuya Ethan niya.         "Hi pet," bati nito.         Napatda siya. Kasi kahit hindi siya ganon kalapit ay naaamoy niya ang gamit nitong pabango.         Her perfume. Her gift.         "Asan si kuya?"         "Lumabas lang sandali. Join me, entertain me sweetheart," tudyo nito.          Hindi niya pinansin ang endearment nito. Sanay na siya kay Nic. She knew him since elementary. Sanay na siya sa presensya nito sa bahay. Parang parte na rin ng pamilya nila ang lalaki.         Lumapit siya at naupo sa divan. Tiningnan niya ang nasa mesa. San Mig light. May ilang bote na rin ang walang laman na nasa ibaba ng mesa.         "Kung makapag inom kayo parang walang pasok bukas," sita niya na kumuha ng peanuts na nasa mesa. "Wala na ba kayong pambili ng pulutan at mani na lang?" nang aasar niyang sabi. Her senses is not working at the right tune at that very moment, paano ay malapit na sa kanya ang binata. Tila ba inaamoy siya.         I like the smell of your shampoo," he said simply and looked at her.         Napakurap siya. Lasing na ba ito?  "        Are you drunk?" alangan niyang tanong.         Napatawa ito ng malakas sa sobrang pagkabigla niya. Naiiling na kinuha ang bote ng san mig light at uminom.         He is still laughing at her confusion.  "        I pay you a compliment, and you will say I am drunk. You are such a kid, sweetheart." Inirapan niya ito. "I don't believe you Dominic Rafael, kasi yan ang strategy mo sa mga babae mo."          Amused na nakatingin ito sa kanya. His eyes are glowing with hidden laughter.         "Strategy? I don't use any strategy on them, sweetheart, they come easily," he said arrogantly. He is smiling devilishly.         "Yabang!"         Natawa ito. "Mayabang na ba kapag nagsabi ng katotohanan?"         Sabagay, totoo naman nga. Madami ang nagpapansin at magpapakamatay matapunan lamang ng tingin ni Dominic.          "Tongue-tied?" he teased.          Inirapan niya ito.     " Kumusta ang school?" pag-iiba nito ng usapan. "Malapit ka ng maka graduate, any plans?"         "I am flying to Minnesota after graduation, kina daddy ako mag stay."         " Good. So, wala na pala akong maaasar," nakangisi nitong sabi.          Pinandilatan niya ito. "Talaga! Kaya sulitin mo na."          She sighed nang maalala iyon. She opened her eyes when his face suddenly appears. Pati ba naman sa paggising eh makikita niya ang mukha nito?          Kinurap niya ang mga mata. Pero naandon pa rin ang nakakalokong mukha ni Nic.          "Wake up, sleeping beauty."         Napatili siya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Maid [R18]

read
718.4K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
45.9K
bc

A Night With My Professor

read
534.8K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
1.0M
bc

PROFESSIONAL BODYGUARD ( Tagalog )

read
178.0K
bc

My Millionaire Boss

read
1.7M
bc

Sin With Me ( SPG )

read
1.6M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook